Special Chapter

2.9K 125 15
                                    

JASMINE POINT OF VIEW
Katulad ng inaasahan. Kinabukasan nga ay nagbackout ng share sa kumpanya si Director Sentinel. Hindi naman kami nanghinayang nang lumalis siya, hindi rin nagalit ang daddy ni Alexious. Natuwa pa nga ito at proud pa daw sa amin.

Matagal na talagang hindi maganda ang tingin nila daddy sa sentinel na iyon. Sadyang may pakinabang at wala pang ginagawang masama kaya hindi nila ito inaalis sa pwesto ngunit ngayon na kusa na itong umalis ay hindi na namin ito hinabol.

Napasinghap ako nang maramdaman ang isang bisig na kumalong sa akin. Hindi ko man siya lingunin ay kilala ko na ito. Wala naman ibang gagawa sa akin nito, maliban sa malamig 'kong asawa.

"Good morning, wifey." nakangiti ako matapos niyang humalik sa sintido ko.

"Good morning too, hubby kooo!" natawa siya ng mahina sa akin saka ako binuhat palabas ng kwarto. Ramdam ko ang pag-iingat niya sa pagbuhat sa akin na tila ba iniiwasan na mapisa ang tiyan ko.

Hinaplos ko iyon na ikinatingin niya bago ngumiti. Hindi pa masyadong halata ang tiyan ko dahil 3 weeks palang ito.

"I want to touch it too." ngusong aniya kaya kiniss ko ang ngusong iyon na mas lalong humaba lang.

Natatawa ko siyang niyakap matapos 'kong maupo sa kaniyang hita. Hindi ko maiwasan na pigain ang kaniyang pisnge.

Halata man na nasasaktan ay hinayaan niya akong gawin ito. Hindi siya umaangal kahit masakit talaga.

Tumingin ako sa mata niya. Nakita ko ang pagdaan ng sakit dito lalo na ang saglit na pagngiwi ng kaniyang labi.

Naiiyak kong inilayo ang kamay sa mukha niya. Sumandal sa dibdib at doon sumiksik. Nasasaktan ko siya!

"Damn! Baby, what happened? Oh, no, don't cry. That's not good for you especially to our precious little angel." natatarantang hinawakan at pinahid niya ang mga luhang tumulo sa mata ko.

Hindi ko mapigilan. "I h-hurt you.." parang bata kong usal na ikinakurap ng kaniyang mata.

Umiling-iling at ipinakita ang ngiting palagi kong hinahanap. "Shh, no, you didn't. Hindi ako nasaktan. Kahit pisain mo pa ang buong mukha ko, okay lang. Huwag ka lang umiyak. Alam mo naman na hindi ko kayang nakikita kang ganiyan." imbes na kumalma ay mas lalo akong napaluha.

Ibig niyang sabihin kahit nasasaktan na siya hahayaan niya pa rin ako? Nagsisinungaling din siya. Alam at ramdam ko iyon.

Bakit kasi ang sarap pisain ng pisnge niya? Maputi kasi siya kaya pagpinisa o kinurit yung pisnge ay mabilis na namumula.

"Tahan na. Kumain na lang tayo. Ano bang gusto mo, baby?" dahil sa sinabi niya napaisip ako at ngumiti ng malaki.

"Gusto ko ng... Hmm, Adobo na walamg tuyo." kita ko ang pagngiwi niya at hindi makapaniwalang tumingin sa akin.

Nagtaka ako. May sinabi ba akong mali? Adobo lang naman yon eh.

Napanguso na lang ako.

"Seriously, baby? Adobo na walang tuyo? Paano magiging adobo iyon kung walang tuyo?" sumama ang tingin ko sa kaniya.

"So, ako pa gagawa ng paraan? Nagtanong ka kung anong gusto ko tapos nong sabihin ko magrereklamo ko!" sumasama pakiramdam ko sa kaniya. Nakakaasar! Gusto ko talaga ng adobong walang tuyo tapos isasawsaw ko mamaya sa ketchup.

"Shit! Pero love bakit adobong walang tuyo—" sinamaan ko siya ng tingin.

"Eh, sa gusto ko ng adobong walang tuyo. Luto mo na lang kasi ako!" asar akong umalis sa pagkakaupo sa kaniya saka lumipat sa katabing upuan.

 The SSG President is My Fiance (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon