Chapter 7: Announcement/Past

5.8K 221 12
                                    


A/n: warning slight spg 'to dahil sa flashback ni alex babe kaya kung ayaw mong basahin edi magnext ka na lang pero dahil pasaway ka alam kong babasahin mo yan, tama ba ako? HAHAHAHA

CHAPTER 7: ANNOUNCEMENT/PAST

* * *

ALEXIOUS VILLALUNA POV
It's been two weeks simula nang pumunta kami sa bahay nila jasrone at nakita si jasmine na nagsuswimming.

Sa loob ng dalawang linggo na iyon ay palaging kasama namin ang tatlong valdez, idadag mo pa si jasrone kaya naging apat na.

Maingay palagi ang table namin sa oras ng lunch dahil sa pag-aaway nila kaycee.

"HUY! LALAKI IBALIK MO YUNG BALLPEN KO!"

"Wala naman sa akin."

"Anong wala e itinago mo lang sa likod mo. Ikaw talaga lagi mo na lang sinisira ang araw ko!" galit na galit na sabi ni kaycee.

Ito na nga ba ang sinsabi ko! Palagi silang ganito kahit na nasa room. Kaya lalo kaming pinagtitinginan dahil sa pag-aaway nila.

Kailan ba tatahimik ang araw ko? Hmm.

ATTENTION STUDENT! PROCEED TO GYMNASIUM WE ARE HAVING AN ANNOUNCEMENT.

ATTENTION SRUDENT! PROCEED TO GYMNASIUM WE ARE HAVING AN ANNOUNCEMENT.

Rinig namin lahat sa speaker. Ngayon na ba nila iaannounce? Akala ko ba bukas pa.

Nagsimula na kaming magpunta sa gym na katapat lang naman yung ng cafeteria.

Malaki ang gymnasium dito sa university, maraming istudyante ang magkakasya.

Minsan na kasing dito ginanap ang sportfest na sa tingin ko ay dito ulit gaganapin.

Marami na ang tao sa loob ng pumasok kami, dumeretso kaming lahat sa unahan pero ako ay dumeretso sa tabi ng principal, bilang SSG president.

"Good morning students! Napag usapan namin ng mga principal ng iba't ibang university na two weeks from now ay magsisimula na ulit ang sportfest at dito gaganapin sa univeristy natin ulit ang sport fest." sabi ni principal. Maraming nagbulungan dahil sa biglaang pag a announce .

"Two weeks from now? Nagbibiro ba sila!"

"Kakayanin ba ng mga player na magpractice agad?"

"Balita ko ay wala pang nahahanap na captain ang volleyball, alam niyo naman umalis ang marteng yun."

"Shh wag kang maingay baka may makarinig sayo."

"Bakit? Totoo naman a, niloko na nga niya si president iniwan niya pa ang team."

Napakuyom ang kamao ko sa narinig. Hindi ko alam kung magagalit ba ako sa kanila o hindi sapagkat tama naman sila.

Sinong mag-aakala na magagawa akong lokohin ng isang babae na minahal ko buong buhay ko.

I remenber that day!

 The SSG President is My Fiance (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon