Chapter 23: I'm Not Leaving

283 26 1
                                    

MY PRESIDENT CRUSH
Written by: agycruz

Its Sunday morning at ito na ang huling araw upang makapag-review kami ni Jamico dahil bukas na ang exam.

Ito narin ang huli niyang pananatili sa bahay. Feeling ko tuloy mai-evict na siya at patatalsikin na sa bahay ni Kuya. Nasanay pa naman na ako na kapag nagising ay muka niya na ang nakikita ko. Pambihira parang mag-asawa lang.

Hindi ko nga alam kung ready na akong pumasok bukas. Lalopa't nalaman kong masama na naman ang tingin sa akin ng mga estudyante dahil sa paratang ni Keisha na wala namang katotohanan.

I think ready na ang pag-iisip ko bukas dahil sa galing mag turo ni Jamico. Pero 'yung katawang lupa ko parang hindi pa. Natatakot na naman ako nakapag nasa University ako ay may mangyari nanamang gulo.

Pero hindi na 'yun ang kailangan kong isipin. Ang kailangan ko ay maipasa bukas ang exams at special quizzes ko para makabawi sa marka.

"Are you there, Mohanni? You look so out of your mind," wika ni Jamico na may hawak ng mga possible question sa exam bukas. Kaya ito ang nere-review namin ngayon.

I let out a soft sighed. "Sorry, mayiniisip lang."

Napailing si Jamico at binaba ang hawak niyang papel. "This is our last day Mohanni. At bukas lahat ng pinag-aralan natin ay magpa-pay off." Napatango-tango naman ako.

"If your not paying attention to me, we better to stop this nonsense tutorial class," malamig ang boses niya.

Simula kagabi pagkatapos namin mag-dinner ay bumalik na siya sa dating siya. Hindi ko na siya nakikitang ngumingiti at hindi narin siya nag papakita ng kahit anong ekspresyon. Hindi ko alam kung anong ginawa ko, pero nagi-guilty ako sa sarili ko kung bakit siya bumalik sa dati.

"I'm sorry. Hindi na mauulit. Please continue our study, meron pa akong hindi maunawaan," sabi ko na lang kaya wala siyang nagawa kundi ang magpatuloy.

Ilang oras na kaming nag-aaral ni Jamico at lugaw narin ang isip ko kakatanda sa mga tinuro niya. Malaki talaga ang naitulong ni Jamico sa pag-progress ko. Sana makapasa ako bukas.

Hapon na ng matapos kami ni Jamico sa pagre-review at naisipan na niyang itigil ang pag-aaral namin para ma-relax daw ang isip at magamit ng maiigi bukas.

Kakatapos ko lang maligo nang marinig ko ang tawag ni Mama sa may living room.

"Anak? Maybisita ka!" sigaw ni Mama kaya dali-dali akong nagbihis at bumaba sa sala.

Pagbaba ko ay nadatnan ko si Terrence na naka-upo sa sofa at maydala na isang box ng satingin ko ay mga donuts.

"Hey? Ah sorry, hindi ako nagpasabi napupunta ak rito," nahihiyang sambit niya at kumamot sa ulo. "Here! I brought some donuts for you."

Tinanggap ko ang donuts na ibinibigay niya. "Ah--salamat nag-abala ka pa."

"Free ka ba ngayon? Magre-review ka pa ba?" tanong niya at tinabihan ko naman ito sa sofa.

"Hmm... hindi na mana." sagot ko. "Magpahinga na raw eh sabi ni Jamico. Nasa rooftop siya ngayon magpapahangin lang daw."

Pagkatapos ng review namin ni Jamico ay parang may-malalim siyang iniisip. Mailap rin siya sa akin ngayon. Hindi ko alam kung bakit siya ganun. Nanibago tuloy ulit ako.

My President Crush (Completed)Where stories live. Discover now