Chapter 34: Confused Feelings

240 24 3
                                    

MY PRESIDENT CRUSH
Written by: agycruz

Nagsirigawan at nagpalakpakan ang lahat ng crowd dito sa loob ng gymnasium. Hindi ko mapigilan ang saya sa mga oras na ito. Pinagsisisihan ko tuloy na uma-absent ako sa foundation day dahil na mi-missed ko ang ganitong mga eksena.

Magkayakap parin kami ni Jamico ng biglang may yumakap rin mula sa likod namin. Lahat ng players at GAS department ay nag group-hug habang nasa gitna kami. Sabay-sabay kaming tumalon habang sumisigaw. Iba talaga mag-celebrate ang strand namin sobrang saya!

Sa gitna ng aming kasiyahan at pagdidiwang ay bigla itong naputol nang may narinig kaming nagsalita. Napakalas tuloy kami sa pagyayakapan at napaharap kung saan ng gagaling ang boses. Pasira moment naman ito!

"Too early to celebrate huh? You are not the champion yet! Kaya huwag muna kayong masyadong magsaya!" announce na umugong sa buong gymnasium. Hindi ito galing sa commentator kundi kay Axell.

Napakunot naman ang noo ko sa aking narinig. Eh ang aga niya ngang magyabang eh hindi niya panaman na ipapanalo ang team niya.

"And for the our championship match game! ABM vs GAS." announce muli ng commentator. "We will be having a break first before we continue our game!"

Nilinis namin ang court at bumalik muli kami sa aming bench. Medyo nahiya rin ang aming ibang kasamahan dahil sa OA na pag-celebrate namin. Tiyak na kapag natalo kami ng ABM sa championship ay mapapahiya kami.

Pagkabalik namin sa bench ay lumapit sa amin ang kupunan ng STEM department. Lahat sila ay nagkamayan at nagbigay galang sa isa't-isa. Syempre nasa kanila ang MVP at pride ng school kaya tiyak na nahawa na sila sa kabaitan nito. Lumapit ako kay Grizzle at niyakap ito.

"Sabi ko sa'yo eh, kayo ang mananalo," sabi niya at ibinalik ang yakap. "Congrats sainyo Mohanni. Talunin niyo sila President. Masyado kasing mayayabang 'yan eh."

Napatawa naman ako sa binulong sa akin ni Grizzle. Ang bait niya sana maging kaibigan ko na siya para dumami naman ang friends kong babae.

Nagpaalam na siya sa akin at umalis. Nakita ko namang lumapit sa amin si Terrence. Walang makikitang pagkadismaya sa kaniyang muka. Nakangiti lang siya at malambing ang awra.

"Mohanni?" tawag niya sa akin at hinarap ko naman ito. "Congrats!" nag sign siya na payakap naman kaya niyakap ko na ito. Ginulo niya ang buhok ko bago ako tumikal sa kaniya.

"You look so pretty in your suit. Bagay pala sa'yo 'yan. Hindi kita masyadong nakilala nung una, iba kasi talaga ang ganda mo," pagpupuri niya sa akin kaya hinampas ko ang balikat nito.

"Bolero ka parin talaga!"

Lumapit si Jamico sa amin kaya napatigil kami sa pag-uusap. Hinarap siya ni Terrence at muling nilahad ang kamay.

"Congrats bro! You deserve that shot!" wika niya habang nakangiti.

Tinanggap ni Jamico ang kamay niya at ngumiti rin. "No, congrats to us. We are not the winner kung hindi mo ako tinulungan. You have a chance to win the game pero inuna mo parin ang kapakanan ko. Ang by that you are the truly winner for us!"

Ang ganda naman ng binitawang salita ni Jamico. Talagang ina-appreciate niya ang ginawang mabuti sa kaniya. Wala siyang kayabang-yabang sa katawan hindi tulad ni Axell na puro hangin.

"Saan kayo magla-lunch?" tanong ni Terrence. "May alam akong masarap na restaurant dito malapit lang. We better to eat together para makapagkwentuhan na rin, right?"

Nagkatinginan naman kami ni Jamico. Parang sinasabi niya sa mata niya nagusto niyang kaming dalawa lang ang kumain ng sabay. Tatanggihan na sana namin ang alok ni Terrence pero napigil ito ng biglang sumulpot si Love.

My President Crush (Completed)Where stories live. Discover now