Chapter 49: Top 1 Worst Student

220 22 1
                                    

MY PRESIDENT CRUSH
Written by: agycruz

Sabi nga nila mas masakit pa sa break up ang mawalan ng kaibigan. Ang mawalan ng bestfriend na palagi mong karamay at kasama sa kalungkutan o saya. Partners in crime ika nga kaya kahit na nag-aaway at nagtatampuhan hindi nagkakalimutan kasi malalim na ang pinagsamahan niyo bilang magkaibigan.

Ganoon kami ni Love. Simula junior ay kami na ang magkasama. Kami na ang magkaramay hanggang mag senior. Sabi nga namin sa isa't-isa sabay kaming gagraduate. Pero pagsapit palang ng senior nagkalabuan na kami. Nagkasira! Nang dahil kay Keisha.

Hindi ko sukat akalain na mangyayari ito. Na magtatapos ang pagkakaibigan namin sa masakit na paraan. Tinuring ko na siyang kapatid kaya sobrang sakit sa akin na lumayo ang loob niya. But then i tried everything to convince her but she didn't want to hear my excuses. Masyado na siyang nabulag ng galit!

As i expected. Gaganti si Keisha sa akin dahil sa pagkapanalo ko sa kaso. Pero hindi ko akalain na ang kaibigan ko pa ang idadamay niya. At bukas hindi ko alam kung ano nanaman ang kakaharapin ko. Wala na nga si Keisha sa school pero nandito parin ang mga galamay niya upang patuloy na paghigantihan ako.

Binaon ko lang ang muka ko sa unan at pinaragasa ang luha sa aking muka. Kanina pa ako umiiyak at nagkukulong sa kwarto. Hindi ko kasi alam kung paano papasok ng malayo na ang loob sa akin ni Love. Hindi ako sanay at ayaw kong masanay na hindi kami nagkakaayos.

Kinaumagahan mugto ang mga mata ko pag-gising. Friday ngayon at kailangan ko paring pumasok para makapasa. Ayaw kong lumiban kahit wala akong gana ngayong araw.

Pagkababa ko ng sala ay sinalubong ako ni Mama. Nagtaka ako kung bakit maydala siyang isang malaking box.

"Anak, ipina deliver ito kanina. Para saiyo raw. Galing daw kay Love," nagulat ako sa sinabi ni Mama. "Ang sweet naman ng bestfriend mo. Ano kaya 'yang regalo niya sa'yo."

Napalunok ako sa sinabi ni Mama hindi ko pa sa kaniya na banggit na hindi na kami magkaibigan at galit sa akin si Love. Kaya ang pinagtataka ko kung ano itong ibinigay niya sa akin.

Nauna na si Mama sa kusina para kumain habang ako ay nagpaiwan para buksan ang malaking box na ito. Para akong may pa baggage galing abroad.

Sumikit ang dibdib ko at naluha na naman ng makita ko ang laman ng box. She bring back all of the stuff that i given to her. Lahat ng regalo ko sa kaniya at bigay nung junior hanggang ngayon ay ibinalik niya.

Kahit umiiyak ay binuhat ko na lang ang box papasok sa kwarto ko para hindi na makita pa ni Mama. Hindi na ako kumain at nag shower na agad dahil baka makita pa ni Mama na umiiyak ako.

Pumasok ako ng lutang at wala sa sarili. Kakapasok ko palang pero parang gusto ko na agad umuwi. Wala akong gana. Parang may kulang at alam kong si Love iyon.

Habang naglalakad ako sa hallway ay nakita ko ang mga alipores ni Keisha. Pero si Keisha ay tuluyan na ngang nawala. Nawala man siya ay naging matindi naman ang iniwan niyang sakit sa akin.

Pumasok ako sa classroom at nagulat ako ng pagpasok ko palang ay nakita ko na agad si Love na nakaupo sa unahan. Sabi niya sa akin dati gusto niya sa hulihan para makita ang lahat pero ngayon nasa unahan na siya at alam ko na ginawa niya ito para iwasan ako.

Naupo na lang ako sa hulihan at tinabihan si Jamico na natutulog. Hindi ako sanay na wala siya sa tabi ko pag nagkaklase. Wala akong kausap at kakulitan. Ang sakit!

My President Crush (Completed)Where stories live. Discover now