Chapter 33: Game Winner

244 27 2
                                    

MY PRESIDENT CRUSH
Written by: agycruz


"There we go! The star player of GAS Department is in the floor!" announce nung commentator kaya nagsigawan muli ang lahat. Tinutukoy niya ay si Jamico.

Pumwesto na ang mga players para mag inbound na ng bola. Tumingin ako sa score board at lamang ng anim ang STEM department. Kailangan naming makahabol lalopa't 4th quarter na at may dalawang minuto na lang ang natitira.

"And the MVP and pride of the school is now playing! No other than Terrence Salvador!" announce muli kaya mas lalong napuno ng ingay ang gymnasium.

The two of the Big 3's is playing right now. Bakit hindi ba sila naglaro kanina? Hinihintay ba talaga nila talaga akong manuod?

Nakasuot ng black jersey si Terrence at may head band ito sa noo. Wala pa siyang kahit anong pawis kaya natitiyak ko na kakapasok pa nga lang niya. Hindi maganda ito dahil matatambakan lalo ang aming kupunan dahil sa galing niya. Lagot na!

Sila Jamico naman ay naka white jersey at meron siyang arm-protector sa kanang bahagi ng braso niya. Ang cool at gwapo niya tuloy tingnan, lalopa't wala siyang suot na salamin naka contactlens lang siya.

Nagsimula na ulit ang laro. Hawak ni Jacob ang bola ang ka team namin. Nag-dridrible lang siya habang humahanap ng tsempo kung paano lulusot. Susugod na sana siya pero na tabig ni Terrence ang bola. He got a steal!

"Salvador the MVP is on his ride!" announce ng commentator kaya nagsigawan ang STEM department.

Parang matulin na motor si Terrence sa sobrang bilis. Hindi na siya na abutan ng mga ka-team namin kaya nagpakawala siya ng slam-dunk! Napasigaw at namangha ako sa ginawa niya sobrang galing niya talaga at ang gwapo pa! Pero bakit ko nga ba siya chini-cheer? Diba dapat yung mga teammates ko at si Jamico?

"Mukang nadala ka sa galing ng MVP namin ha? You cheer for him kahit na kalaban namin kayo ngayon," salita ng isang babae na nasakabilang scoreboard. I think shes the muse of the STEM department. Shes so gorgeous with a lovely smile. Parang hindi makabasag pinggan siya.

Bawat muse kasi ay uupo sa gilid ng scoreboard at kami ang mag-i-score sa team namin. Kaya nandito kami ngayon. Hindi ko alam ang name nitong kumausap sa akin pero palagay ko sobrang bait niya. Namumukaan ko rin siya. Siya 'yung pinagseselosan ni Love noong naglaro kami sa field.

"Ahh, i'm sorry. Nadala lang nangpagkamangha," sabi ko. "Hindi kasi ako makapaniwala na sobrang galing pala talaga niya. Tiyak na talo na kami. Haha."

"There's a lot of time to change the game. The game is not over yet kaya pwede parin kaming matalo." Ang bait niya talaga. Nagulat naman ako ng inilahad niya ang kamay niya. "By the way, i'm Grizzle."

Tinanggap ko ito at nakipag-shakehands sa kaniya. "Mohanni."

"Yeah i know. Your name is so popular in this university," sabi niya kaya medyo na hiya ako. Alam ko naman kung bakit ako naging sikat eh dahil sa mga problemang dala ko sa school.

"Popular kasi top two worst student. Haha, nakakahiya tuloy," saad ko na lang.

"No its okay. Actually you amazed me. Hindi ko alam kung paano mo nakakaya 'yung mga parusa at panghuhusga sa'yo," wika niya kaya medyo na overwhelmed ako. "Look at you, your here at the front of us. Full of confidents and so much beautiful. Kahit na maraming issue sa'yo nandito ka parin nakakaharap sa amin. How did you do that?"

"I don't know. Siguro nasanay na lang ako at tinanggap ko na lang rin. But i'm not proud of it. Ayaw ko na gragraduate ako tapos ganito parin ang image ko sa university," paliwanag ko sa kaniya. Kahit ngayon palang kami nagkakilala ni Grizzle ay magaan na ang loob ko agad sa kaniya.

My President Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon