Chapter 13

1.6K 98 34
                                        

Gusto Kita

Nang matapos si Agnes na bilangin ang lilibuhing pera na nasa mga palad niya ay sandali lang siyang kumuha ng dalawang daang piso bago muling isinilid sa maliit na box ang hindi gaanoon kakapal na pera. Ilang araw na ang nakakalipas nang ipagpalit niya sa pera ang mga luha ni Islaw na naging perlas, at masasabi niyang kakaunti palang ang nabawas sa pera dahil masyado siyang nagtitipid.

Hindi niya kasi alam kung magagawa pa niyang humanap ng trabaho gayong nanggaling na mismo sa dati niyang kasintahan na sinadya pala ng pamilyang Acosta na pagbawalan ang lahat ng tao sa bayang ito na tanggapin siya sa kahit anong trabaho. Idagdag pa na ayaw na niyang muling makikitang lumuluha ang napakabait ngunit napakakulit na si Islaw, priority niya kasi ang buhay ni Islaw.

Kaya kailangan niyang magtipid. Matipid siya lalo na sa kanyang sarili pero pagdating kay Islaw ay sinusubukan niyang ibigay ang sa tingin niya ay makakapagpasaya rito. Speaking of Islaw, patungo sila ngayon sa bayan para ibili ito ng mga bagay na kakailanganin nito katulad nalang ng bagong damit at tsinelas.

Nung isang araw pa niya kasing napapansin na tila nahihirapang gumalaw si Islaw dahil sa suot na damit nito. Ang mga damit kasi ng tatay ni Buchukoy ay malalaki at maluluwag. Ilang beses na bang nahubaran si Islaw, hindi na nya matandaan. Kaya napagdesisyunan niyang ibili ng mga gamit si Islaw, tutal ang lahat ng pera na hawak niya ngayon ay si Islaw ang tunay na may ari.

"Islaw, handa kana ba? Aalis na tayo."

"A-a-alis?" kunot noong ipinaling nito ang ulo.

"Oo, aalis." sagot niya na may kasamang hand gestures.

Ilang araw narin ang nakakalipas nang sa wakas ay natuto itong lumikha ng salita. At ang unang-unang salita na nabigkas nito ay ang pangalan niya. Simula nun ay mas naging madaldal si Islaw, madalas ang pag-imik nito kahit minsan ay hindi niya maintindihan kung anong sinasabi nito. Naiisip niya nalang na baka nag-aaral lang ito ng mga salita na naririnig nito.

"Agnes, aalis. Aalis!"

"Oo, Islaw. Aalis ako at kasama ka."

"Agnes, a-aalis. Ako, s-sama." mahinang turan nito na animo'y tatlong taong bata na inuulit-ulit ang mga salitang naririnig.

"Tama iyan, Islaw. Kailangan mong matutong magsalita." nakangiti niyang tinapik-tapik ang buhok nito.

Doon niya lang napansin na masyado na palang malago ang kulot na buhok nito. Mukhang hindi lang pagbili ng mga gamit para kay Islaw ang ipupunta nila sa bayan, kailangan narin niya sigurong pagupitan ng buhok si Islaw. Tiyak siya na mas ga-guwapo ang sirenong ito kapag naging maaliwalas ang mukha nito.

"Tara na, Islaw." hinawakan niya ang malapad na palad nito at sabay silang lumabas ng bahay.

Naglakad sila patungo sa sakayan ng tricycle at hindi naman sila nahirapan sa paghahanap ng masasakyang tricycle dahil maya't-mayang may dumadaang sasakyan. Mahigpit ang pagkakahawak ni Islaw sa kamay niya nang magsimulang umandar ang sinasakyan nila, mukhang natatakot ito dahil bahagyang mabilis ang pagmamaneho ng driver. Pero nakangiti si Islaw, tila nag-i-enjoy ito sa pagsakay sa trycicle.

"Maraming salamat po, Manong. Heto po ang bayad." inabot niya ang bente pesos nang marating nila ang destinasyon nila.

"Maraming salamat din."

Tuluyang humarurot palayo ang sinakyan nilang trycicle kani-kanina lang. Saglit niyang binitawan ang kamay ni Islaw para ibalik ang wallet sa loob ng sling bag na nakasukbit sa bag niya pero kaagad na yumakap sa kanya si Islaw na siyang pinagtinginan ng mga taong nasa paligid nila.

Nahihiyang inalis niya ang mahigpit na pagkakayakap ni Islaw sa kanyang baywang at patagong hinawakan ang braso nito at kaagad na umalis sa kinatatayuan nila. Hindi sa ikinahihiya niya si Islaw, ayaw niya lang isipin ng mga tao na nakikipaglandian siya sa kung sinong lalaki na bago sa paningin ng mga ito lalo pa't nasa isa silang pampublikong lugar.

Babysitting The MermanWhere stories live. Discover now