Whole Family
Nakangiting itinali ni Agnes ang kanyang tuwid at mahabang buhok bago isinuot ang luma at medyo punit-punit na apron. Nothing's new, nothing changed in this house. Kung ano ang noon, iyun pa rin ang meron sa bahay nya.
Ngayon ngang gabi ay naisipan nyang ipagluto ang kanyang asawa't-anak. Kay tagal nyang pinangarap na maging isang mabuting may bahay, at ngayon ay matutupad na nya lahat ng pinangarap nya noon.
Hindi nya kailanman naisip maging isang guro, maging businesswoman o ano pa man. Ang gusto nya lang ay maging mabuting ina at asawa. Gusto nya lang magkaroon ng masaya at kompletong pamilya. At heto na, nandito na ang pangarap na iyun. Sa wakas, natupad na.
"Masarap magluto si mama mo, Silaw." tila nagyayabang ang tono ng boses ni Islaw nang sabihin iyun.
Napangiti tuloy sya.
"Talaga po, mama? Masarap ka magluto?"
Mas lalo pang lumaki ang ngiting binubuo ng labi nya nang tanungin sya ni Silaw. Iba iyung kilig at tuwa sa tuwing naririnig nya ang pagtawag sa kanya ng mama ng kanyang anak. Hindi ba masarap pakinggan? Isa na talaga syang ina na kasama ang anak.
"Kung iyun ang sabi ng papa mo eh." sagot nya.
"Bakit parang hindi ka naniniwala, Silaw?" ngumuso si Islaw bago naghalukipkip.
"Naniniwala akong masarap ang luto ni mama. Pero hindi ako naniniwala sayo."
"Basta ikaw papa, ang hirap mo paniwalaan."
"Bad ka talaga! Agnes ko, inaaway na naman ako ng anak natin."
Natawa sya nang parang batang lumapit sa kanya si Islaw at may pagyakap pa sa baywang nya. Natigil sya sa pagbabalat ng sibuyas at bawang at niyakap ang brasong nakayakap din sa kanya. Nais niya kasing sulitin lahat ng paglalambing ng dalawa.
"Kayo talaga, para kayong aso't-pusa."
"Sorry mama pero isda ako."
"Isdang mukhang pusit!" tila nang-aasar na sabad ni Islaw.
"At least hindi ako mukhang seahorse, katulad mo papa! Nguso ka nang nguso diyan!" sagot naman ni Silaw.
Napapa-iling na lamang sya sa dalawa.
"Tama na nga kayong dalawa." suway nya pero ayaw makinig ng dalawa.
"Mukha kang isdang binalatan, papa."
"Silaw, tama na. Papa mo iyang kausap mo." suway nya.
"Mukha kang butete. Ako may abs, ikaw bundat!"
"Islaw, isa ka pa." suway nya ulit.
"Bata pa ako eh, hindi pa ako magkaka-abs."
"Kaya nga butete ka!"
"At least ako, hindi nag-iimbento ng kuwento!"
"Hindi naman ako nagawa ng kuwento ah."
"Oo kaya! Sabi mo aalis ka lang kasi hahanapin mo si mama at pagbalik mo kasama mo na sya. Pero kapag umuuwi ka, hindi mo kasama si mama. Ilang taon mo ako pinangakuan hindi mo naman tinutupad."
Natigil silang lahat matapos ng sinabi ni Silaw. Walang sinuman ang makahuma ng salita. Maya-maya pa ay nagsimulang suminghot si Islaw at namumula na rin ang mga kilay nito, tanda na iiyak na. Bago pa man nya mapatahan si Islaw ay pumalahaw na ito ng iyak.
"Bad ka! Bad ka talaga, Silaw!"
"Bad ka din papa! Lagi mo nalang ako pinagbabawalan sa lahat ng bagay!"

YOU ARE READING
Babysitting The Merman
FantasyIsa lamang simpleng babae si Agnes na nakatira sa maliit na bahay sa tabing dagat at nagtatrabaho bilang katulong sa mansion ng matapobreng si Binibining Acosta at pamilya nito. Nagmumuni-muni siya sa may dalampasigan nang makarinig ng kakaibang hun...