ORL Step 20 (Teaser)

21.8K 460 188
                                    

Our Real Love (The Continuation…)

 

Matapos ng isang insidente na nagdala kay Adeline sa isang isla kung saan naninirahan si Jarret, naging mapaglaro sa kanila ang tadhana. Kalaban ay nakaraang nagkukubli sa kanilang mga buhay, sabay nilang hinarap ang bawat araw sa kabila ng kanilang mga luha.

Ngunit

Hanggang kailan nila kayang panindigan ang sumpaang walang iwanan.

***

 

            Jarret’s POV

Magkwento ka naman Jarret sa nangyari!” pilit nitong si Rey sa’kin habang nandito ako at nakahiga na sa kama ko.

            “Pagod ako, saka na.”

            “Jarret naman! Para sa’n pa at naging magkaibigan tayo niyan!?”

            Napakakulet talaga ng isnag ‘to. “Do’n ako natulog sa kanila—”

            “ANO!!?” sigaw niya. Tumalikod ako sa kanya saka ako nagtakip ng unan sa  ulunan.

            Pero inalis ng loko. “Jarret! Ang akala ko pa naman ay isa kang maginoo! Pero sa ginawa mong ‘yan, nawala na  lahat ng respeto ko sa’yo. Pero… kuwentuhan mo nga ‘ko ng nangyari ah.”

            Sira talaga ang isang ‘to.

            Habang nakatalikod pa rin sa kanya. ”Dinala ako sa kwarto pagkarating naming sa bahay nila.”

            “I-ikaw ang di-dinala sa kwarto?? Grabe… hindi ko alam na mabilis si Adeline…”

            “Tapos humiga ako sa kama,”

            “Grabe…”

            “Tapos pumikit ako,”

            “Pumikit ka!!?? Bakit!!? Oh tapos!!?” saka ako niyugyog ng loko.

Minulat ko ‘yung magkabilang mata ko saka ko siya tinitigan ng diretso. “At saka kita binugbog sa utak ko ng walang habas  at humpay.” Magkatitigan kaming dalawa at saka ko hinampas sa kanya ‘yung unan.

“Umayos ka,”

****

 

          Wendy Robert’s POV

            It’s not like I hate seeing other people happy… It is just that… I can’t believe that I haven’t had what they are enjoying right now.

            Love…

            No one had offered me a real one.

Our Real Love by A.B.Castueras (3RD BOOK OF SMITH TRILOGY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon