Our Real Love: Seventh and Eigth Step (7&8)

66.6K 997 316
                                    

Hi, guys! May prob. Po ang chapter na ito. Putol- Putol daw po ang ilang lines. Kaya kung 'di nyo po maintindihan, ongoing pa po ang pagsasaayos. For better reading exp.Please use the browser instead of the app.Thank u.

STEP 7 & 8: How deep is THEIR love...

TYLER'S POV

"Sa tingin mo magkakagulo sila sa loob?" Tanong ko dun sa katabi kong mga nakikitingin din sa mga nangyayari dito sa Communication Department. Kaso hindi naman sumasagot, 'di ata ako narinig. Tumingin naman ako sa katabi 'ko kaso, napakamot na lang ako ng ulo saka ngumiti sa kanila.

"Hi," Sabi 'ko sa kanila habang sila naman nakatingin sa'kin na 'di 'ko malaman baka namamatanda na sila, 'di kaya? "Binabantayan 'ko kasi sila baka mag-away kaso kailangan 'ko ng pumunta sa gym. Okay lang bang paki-awat na lang kung mag-aaway sila?" Tanong 'ko.

"Okay lang!"

"Ako din, promise!"

"As in, never ako nagcomplain sa mga gawain, ako na lang piliin mo! I love you—ay! Sorry! Sorry na-carried away." Sabi nung isang babae. Ngumiti na lang ako.

"Salamat. Asahan 'ko yan..." Sabi 'ko saka ako tumingin uli sa pintuan ng office nila Adeline. Tapos umalis na din ako at lumabas ng building nila.

Dumiretso ako sa gym pagkatapos, knowing na ang dadatnan 'ko ay si Vice. Kaso... Mukhang may supresa akong nadatnan na save by the bell ang pagdating 'ko. Mukhang pati dito kailangan ko maging tiga-pamagitan. Tsk, mahirap maging katulad 'ko. Laging referee sa mga ganitong tagpo.

Lumapit ako sa kanila na sila naman, ah... Nag-uusap o nagkaka-iringan?

"If you don't want me here you can ask Ms. Andy if you want." Sabi niya, si James.

Teka Ms. Andy? Si Manager? Ano namang kinalaman niya kay manager? Teka-teka naguguluhan ako—

"Andy?!"

Napatingin naman ako sa likuran 'ko. Si Dare... 'to pa isa baka gusto ding makigulo.

"And if you still don't want me here, you can consider quitting in this team too just what like the others did."

"Baka nakalimutan mo kung sino ang pinapaalis mo." Sabi ni Trace na nasa dulo na ng pisi niya ang tono ng boses. 'tay tayo diyan. "Matuto kang rumespeto kung gusto mong magtagal dito."

"I know," Saka siya umismik. "but respect is given to those who deserved it, now I'm thinking if I should give you one."

"Parehas lang tayo ng nasa isip." Sagot ni Trace.

Nako naman oh. Naghahanap ata ng gulo din itong isang 'to. Tyler, sige na, umawat na. Lumapit ako sa dalawa, sa gitna nilang dalawa to be exact.

"Ahh... 'di 'ko alam pinag-uusapan niyo pero lamigan niyo lang mga init ng ulo niyo."

Magkatinginan pa rin silang dalawa.

"And don't worry, I'm not here for you." Huminto siya saka niya tinuloy yung sasabihin niya. "Guess I should remind you of that, Vice Captain." Pagkasabi niya, tinalikuran niya kami saka diretsong pumunta sa bleachers at kinuha yung gamit niya. Lumabas siya ng gym na parang walang nangyari.

Eto na, time to confront the Vice Captain.

"So... Anong meron?" Sabi 'ko.

Our Real Love by A.B.Castueras (3RD BOOK OF SMITH TRILOGY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon