CHAPTER 9

31 1 0
                                    

Luisa pov 

buset ka talaga liam alam mo ba kong gaano kahalaga sakin tong bag nato huh! nakapa sama mo talaga kahit kelan padabog akong pumasok sa loob ng restroom at tanggal lahat ng gamit ko sa bag ko buti nalang hindi nadamay yog mga notes ko dahil kong hindi susugurin talaga kita kumuha ako ng tissue sa lagayan at pinunasan ito medyo madulas naman yong bag ko kaya napupunasan naman siya 

oy rayne!. puna ko bigla kasing pumasok si rayne sa restroom at lumapit sakin 

halika tutulungan kita!. sambit niya at kinuha yong bag ko 

hindi na bumalik ka na don kaya ko na to baka mamaya magalit pa si prof dahil umalis ka ng walang paalam!. pag papaliwanag ko 

hindi! hindi kita iiwan na ganyan ang lagay mo ewan ko ba kay liam hindi naman siya masyadong nag paprank ng mga ganito oo nag paprank siya pero hindi umaabot sa ganito pasensya kana luisa ah!. sabi ni rayne at tinulungan akong punasan yong bag ko 

okay lang kasalanan ko rin naman dapat kasi hindi ko nalang siya binuhusan ng tubig nong first day edi sana hindi na siya bumawi at humantong pa sa ganito!. sabi ko at nag patuloy parin sa pag punas 

kahit na sumusubra na siya no! hindi niy dapat ginaganito ang mga babae!. sabi niya at tiningnan ako 

hayaan mo na intindihin mo nalang siya!. sabi ko at ngumiti 

hayss ang bait mo talaga kasi kong ako yan sinapak ko na yong si liam matagal na!. singhal niya tumawa naman ako at nag patuloy lang kami sa pag hugas hindi nag tagal ay natanggal nanamin yong mga ink sa bag ko kaya naman kinuha ko naman yong lagayan ng ball pen para hugasan ng matanggal na yong ink ay inayos ko na yong mga gamit ko 

hindi muna ako babalik papatuyuin ko pa to sa baba tutal maaraw naman paki suyo nalang yong mga gamit ko salamat! sabi ko at kinuha yong bag ko at ngumiti 

sige ako na bahala dito !. sabi niya at inayos yong mga gamit ko lumabas nanaman ako ng restroom at bumaba ng main building umupo muna ako sa isang bench at doon sinampay yong gamit ko naka upo lang ako don habbang iniintay na matuyo yon medyo tirik na tirik ang araw don 

may bigla naman akong naramdaman na payong na hu,arang kaya lumingon ako para tingnan kong sino yon si dave pala tumayo ako para batiin siya 

oh! dave anong ginagawa mo dito wala kabang klase?. tanong ko 

vaccant kami ngayon ikaw ang init init nandito ka?. tanong niya habbang naka tutok parin sakin yong payong 

huh? ah! nag papatuyo kasi ako ng bag ko may nangyari kasi e!. nakangiti kong sabi 

tara don tayo sa lilim okay lang ba?. tanong niya at ngumiti aaminin ko medyo gwapo rin tong si dave at ang cute niya ngumiti nawawala yong mata niya tumango lang ako at sumilong muna kami 

hindi ba may pasok kayo ngayon? ano ba kasing nangyari?. tanong niya sakin habbang inaayos yong payong niya 

huh? ah oo may pasok kami hindi ako nakapasok kasi inayos ko pa yong bag ko natapunan kasi siya nong ink kanina!. sambit ko 

ahh kaya naman pala...... ah nga pala luisa kumusta yong libro?. tanong niya 

ah yong libro ba? okay naman siya nakakatulong siya kapag wala akong masyadong naiintindihan sa project na ginagawa namin konti na nga lang matatapos nako!. sabi ko at ngumiti 

edi maganda akala ko hindi na mapapakinabangan yong libro na yon ei!. natatawa niyang sabi 

ah nga pala may bagong bukas na resto malapit dito sa ust gusto mo bang sumama balak ko sanag bisitahin mamaya!. naka ngiti niyang sabi 

talaga/. natutuwa kong sabi 

oo kanina ko lang siya napansin nong papasok ako !. sabi niya 

nabanggit mo kasi kagabi na mahilig ka sa mga pag kain kaya naman gusto ko sanang makasama ang isang food expert!. pag bibiro niya 

food expert kajan!. nahihiya kong sabi at tumawa bigla namang nag ring na yong bell kaya naman dali dali niyang binuksan yong payong at inabot sakin 

oh!. sabi niya nag taka naman ako 

p-para san to? . tanong ko 

mag sisismula na kasi yong klase ko kaya naman hindi na kita masasamahan mukhang matatagalan pa bago matuyo yang pinapatuyo mo kaya naman habbang hinihintay mong matuyo yan gamitin mo yan para may pang harang ka sa init kita nalang tayo mamaya!. sabi niya at kinuha yong kamay ko at pinahawak yong payong saka umalis na 

nag hintay pako ng mga isang oras doon at sa wakas ay natyo narin kaya naman pumasok nako sa room at nakita ko si liam na naka earphone at naka cross arms habbang naka pikit hindi ko na siya pinansin at dirediretsyong pumunta sa upuan ko ibinigay naman sakin ni rayne yong mga gamit ko at inayos ko na siya 

ano kayang magandang pambawi kay liam? e kong putulin ko kaya yong earphone niya? wag masyadong simple yon mahalaga yong bag ko dahil ito nalang yong natitirang alalaala na binigay sakin ni kuya bago siya namatay kaya naman ano nalang gagawin ko kong hindi na natanggal yong ink? kaya naman dapat mahalaga rin sakaniya yong babawian ko e ano kaya kong yong motor niya? panigurado makakabawi ako kapag yon yong binawian ako 

natapos na ang klase at nakita ko naman si liam na dumiretsyo sa main library kaya dali dali akong bumili ng paint spray na water proof at pinintahan yong motor niya nag ganda pa naman pang racing yong motor niya at mukhang mamahalin pero natatanggal naman yong paint kapag binasa ng tubig kaya naman okay lang yan tatakutin lang natin siya ng konti nag simula na akong mag pinta at dinama ko pa ito na parang pintor ng matapos na ako ay tinapon ko na sa basurahan yong paint at nag hugas ng kamay nag pabango din ako dahil medyo kumapit sakin yong amoy ng paint pero nawala naman na ito nong nag pabango ako 

nakasalubong ko naman si liam habbang papalabas ako ng carpark 

san ka pupunta?. tanong niya sakin 

ah! hindi ako sasabay may dadaanan pa kasi kami ni dave kaya hindi muna ako sasabay safe drive!. nakangiti kong sabi at tinapik siya kumunot naman yong noo niya 

shit! yong motor ko!. natataranta niyang sbai at tumakbo papunta sa motor niya tumawa naman ako ng makita siya at dali daling lumabas ng ust akala mo ba basta basta mo nalang akong matatalo huh! nag kakamali ka ata 

bigla namang may tumigil na kulay dilaw na kotse sa tapat ko at binaba ang wind shield nito 

hey luisa!. bati nito sakin si dave pala 

sakay na!. dagdag niya pa kaya naman dlai dali nakong sumakay dahil baka maabutan pako ni liam dali ako don 

kanina kapaba nag hihintay?. tanong niya 

hindi naman kakarating ko lang rin!. sabi ko at nag seat belt 

buti naman dapat talaga kanina pako nakalabas kaso may mga ginawa pa kami binilisanko na nga kasi akala ko nag hihintay ka!. sabi niya at nag drive na 

ay nga pala ito na yong payong mo salamat nakatulong siya!. sabi ko at inilagay sa back seat yong payong 

huh? hindi mo ba yan ibinigay kay liam?. tanong niya 

huh? bakit ko naman to ibibigay kay liam?. tanong ko 

nakasalubong ko kasi isya kanina bago kita makita nakita ko siya nakatayo sa tapat ng main building kaya gugulatin ko sana ng makita kong seryoso siyang nakatingin sayo habbang naka upo ka don sa may bench pinakisuyuan niya kong ibigay yan sayo tapos umalis na siya nakalimutan ko pala yon sabihin sayo kanina akala ko kasi ibibigay mona!. pag papaliwanag niya

a-ano? galing to kay liam?. pag uulit ko 

oo hindi ko nga siya maintindihan e pinaka iingatan niya yang payong nayan dahil bigay yan ng papa niya hindi niya yan pinapagamit samin kaya nga nag taka ako kong bakit nilabas niya yan sa locker niya at pingamit sayo!. dag dag niya pa hindi naman ako makagalaw dahil sa sinabi niyang yon haysss luisa ano bang ginawa mo bakit mo pa kasi siya binawian eiii! ang tanga mo talaga! 

Im Missing You (MOON SERIES: 2) COMPLETEDWhere stories live. Discover now