CHAPTER 18

29 3 0
                                    

Luisa pov

Grabe ang sakit ng ulo ko andami ko atang nainom na alak!. Reklamo ko habbang papasok kami ni sam ng ust

Sabi ko naman kasi sayo wag kang masyadong iinom!. Sermon niya sakin at inabutan ako ng katingko

Salamat!. Sabi ko at kinuha yon

Nga pala mauna kana may kukunin pako sa main library!. Sabi niya at nag paalam na nag lakad naman ako ng hawak hawak ang ulo ko

Habbang nag lalakad ako ay isang pamilyar na lalaki ang nakatayo at nakasandal sa isang puno nilapitan ko yon para medyo maaninag ko

Dave?. Sambit ko

Luisa kanina pa kita iniintay!. Sabi niya at lumapit sakin

Iniintay bakit?. Tanong ko

Gusto ko sanang makausap ka if you don't mind?. Nakangiti niyang sabi

Tungkol naman saan?. Tanong ko at tinaasan siya ng kilay

Sasabihin ko sayo kapag pumayag kana!. Sabi niya at ngumiti

Wala nakong nagawa kundi sumunod sa kaniya sa kotse at tumigil kami sa isang resto ito yong resto na pinuntahan namin non at kinainan

Naalala mo paba ting resto nato? Dito tayo unang lumabas ng mag kasama at kumain!. Nakangiti niyang sabi

Ano ba yong sasabihin mo? Wala akong oras para makipag chikahan sayo!. Sarcastic kong sabi

Hayss! Ikaw naman well mukhang nag mamadali ka naman ata sasabihin ko na!. Sabi niya at nag cross arms tinaasan ko lang siya ng kilay

Gusto ko lang sabihin na sulitin mo na ang mga oras na kasama mo si liam dahil sisiguraduhin kong matatalo ko siya at mababawi kita!. Sabi niya at tinaasan ako ng kilay

Ganyan kaba talaga ka desperada huh? Akala ko pa naman iba ka sa ibang lalaki jan pero katulad kalang pala nila bakit mo ba to ginagawa kay liam huh?. Tanong ko at seryosong tumingin sakaniya

Inagaw niya ang lahat saakin mga kaibigan ko babaeng minamahal ko atensyon na dapat ay saakin lahat kinuha niya kaya oras na para kunin ko naman ang kaniya!.  Pag papaliwanag niya

Desperado kana nga wala akong panahon makipag usap sa mga basurang gaya mo!. Sabi ko at akma na sanang tatayo ng bigla siyang mag salita

Noong una ganyan yong gusto kong mangyari sabi ko sa sarili ko kapag nakuha ko na ang lahat sakaniya mababalik narin ang mga kaibigan ko hanggang sa nakilala kita at nag bago nag bago ang lahat naisip ko kahit pa gawin ko yon sakaniya agawin sakaniya ang mga kaibigan ko hindi parin mag babago ang lahat Hindi na kami babalik sa dati kahit pa ipilit namin pero ikaw kapag nakuha kita sa kaniya alam kong balang araw matututunan mo rin akong mahalin kaya nga kukunin na kita ngayon palang para mabilis mo siyang makalimutan!. Sabi niya habbang nakatingin sakin tumayo naman ako

Gusto kong tingnan mo rin ako kagaya ng mga tingin mo kay liam!. Dagdag pa niya

Kahit kelan hindi kita magagawang mahalin makuha mo man ako sakaniya siya at Siya pipiliin ko at hindi parin mag babago ang pag tingin ko dahil siya lang ang gusto ko!. Sabi ko at tuluyan ng umalis

Naawa ako para sakaniya ang kailangan lang naman siya yong taong mag mamahal sa kaniya para hindi na siya mag kaganon pa dumiretsyo nako sa school at pumasok sa court na abutan ko namang nag aaway si jonas at liam kaya dali dali akong tumakbo papunta sakanila para awatin sila

Ano papatayin kami huh! . Sigaw ni jonas

Kailangan nating manalo paano tayo mananalo kong ganyan kayo mag practice!. Sigaw naman ni liam

Alam mo sarili lang yang iniisip mo napapagod din naman kami liam!. Sigaw ni jonas

Hindi naman nakaimik si liam bagkus ay lumapit pa siya rito at aambahin ng suntok hinigit ko naman siya at sinigawan sila

Tama na! Ganyan ba kayo huh! Team kayo dapat nag tutulungan kayo!. Sigaw mo sakanila

Itanong mo jan kay liam kong team paba ang tingin niya samin o mga tauhan! Tara na nga!. Singhal ni jonas at kinuha yong mga gamit niya at umalis

Teka lang!. Sigaw ko pero hindi sila nakinig

Ano ba liam pigilan mo sila!. Sabi ko naman kay liam umupo lang sa bench at inayos yong gamit niya

Hayaan mo sila hindi ko sila kailangan sa team mananalo parin naman ako kahit ako lang mag isa!. Singhal niya

Ano bang nangyayari sayo huh! Hindi ikaw yong liam na kilala ko paano mo sila lalabanan kong mag isa kalang sa tingin mo ba mananalo ka sa lagay mong yan isipin mo naman kapag natalo ka hindi lang ikaw ang mapapahamak pati buong team maniwala ka sa mga kakayahan nila wag mag padala sa mga sinasabi ni dave dahil ito yong gusto niyang mangyari sa tingin mo kakayanin mo ba ng wala sila huh!. Sabi ko at tiningnan siya

Oo kakayanin ko !. Singhal niya at umalis bitbit ang mga gamit niya

Liam!. Sigaw ko pero hindi niya ako nilingon

Pumasok nako sa room namin pero hindi ko nakita si liam umupo ako sa tabi ni rayne

Okay kalang? .  Tanong niya

Nag away away kasi si liam at ang team e hindi sila mananalo kong ganyan sila!. Sabi ko habbang inaayos yong mga gamit

Masyado sigurong na pressure si liam sa mga sinabi ni dave kaya Hindi siya nakapag isip ng maayos siguro hayaan na muna natin siya!. Sabi naman ni rayne

Bigla namang dumating si prof at nag klase na tumitingin ako sa labas nag babakasakali akong makita si liam pero wala akong nakita hanggang sa matapos yong klase pero wala paring liam na sumolpot pababa nako ngayon ng bgpop ng makasalubong ko si jonas

Jonas!. Tawag ko sakaniya

Luisa ikaw pala pasensya na pala kanina a mainit lang talaga ulo ko!. Sabi niya at ngumiti

Okay lang babalik paba kayo sa team?. Tanong ko

Hindi ko pa alam siguro ayaw na ni liam na bumalik kami!. Sabi niya

Hindi kailangan niya kayo kasi ano..... Sabi ko at pinaliwanag ko sakaniya ang nangyari

Wag mang mag alala sasabihin ko sa iba yang sinabi mo sakin!. Sabi niya at tinapik ako saka pumasok na sa elevator

Nag bakasakali ako sa court baka nandon si liam hindi nga ako nag kamali nandon siya nag papractice mag isa huminto naman siya ng makita niya mo at lumapit sakin

Pasensya na nga pala sa nangyari kanina!. Sabi niya at umupo sa bench

Okay lang yon alam ko naman na naprepressure kalang!. Sabi ko at pinunasan yong pawis niya

Ano ng gagawin mo ngayon mag isa ka nalang paano mo sila matatalo?. Tanong ko

Hindi siya mag isa !. Narinig kong sabi mula sa likod kaya lumingon kami ni liam para tingnan yon si jonas at yong team lumapit sila samin

Pasensya na liam sa inasal namin kanina kong alam lang namin na hindi kang pala to basta basta laban edi sana sinunod kana namin!. Pag papaliwanag ni jonas

Pasensya na rin hindi ko dapat kayo sinagad kanina!. Sabi naman ni liam

Gawin natin to para sa team mananalo tayo as a team!. Sabi ni mark at ngumiti

Tumingin naman sakin si liam at ngumiti ngumiti rin ako sakaniya at inabot niya yong bola kina jonas

Wag kayong mag alala hindi ko na ulit kayo papahirapan!. Sabi ni liam at inakbayan si jonas tumawa naman sila at ngumiti ako

Buti naman at nag kaayos na sila ngayon hindi lang si liam ang lalaban kay dave meron na siyang kasamang team na handang sumuporta sakaniya at lumaban kasama niya

Im Missing You (MOON SERIES: 2) COMPLETEDWhere stories live. Discover now