CHAPTER 24

39 2 0
                                    

Liam pov

Naisipan kong bumuo ng bagong memories kasama si luisa habbang nandito pa siya

Nanood kami ng movie mag kasama kumain ng sabay lahat yon ay nirecord namin

Tinuruan niya rin ako kong paano mag tali ng buhok niya minanicure niya rin yong mga darili ko sabay kami palagi nag lalakad papunta sa school sabay rin kami kumain sa carpark halos hindi na nga kami makapag hiwalay minsan ay nag aaway kami syempre pero agad rin naman yong nareresolbahan

Hindi namin iniisip kong ano na ang mangyayari bukas ang mahalaga ay yong ngayon na kasama namin ang isat isa tatlong buwan kaming ganon parang normal lang na couples ganon

Bukas na yong araw ng alis ko!. Sambit niya habbang nag tutuyo ng buhok lumapit naman ako sakaniya at ako na ang nag tuyo ng buhok niya

Gusto mo ba ihatid na kita?. Tanong ko tumingala naman siya para makita niya ko

Wag na baka maudlot pa yong alis ko kapag nag paalam ka sakin!. Sambit niya dama ko ang mga lungkot sa mga boses niya tumungo ako ng onti para mahalikan siya

Sige sulitin nalang natin tong oras na to na mag kasama tayong dalawa!. Nakangiti kong sabi

Ng matuyo na yong buhok niya ay tinigilan ko na at sinabit yong towel sa sabitan saka umupo sa kama katabi niya

Gusto mo ba panoorin yong mga kinuhaan nating clip?. Tanong niya habbang hawak yong remote

Sige ba!. Nakangiti kong sabi at sinandal niya naman yong ulo niya sa balikat ko

Nag play na yong video

"Hi guys welcome to my vlog! . Natatawa kong sabi binatukan naman ako ni luisa

"Vlog kajan! HAHAHAH ayusin mo!. Sambit niya habbang tumatawa

"Paano ba?. Piyok kong pag kakasabi dahilan para lalong tumawa si luisa

"Okay seryoso na! So ayun na nga bakit ba kami nag vivideo? Dahil wala lang trip lang namin bakit ba!. Pag mamataray ko sa camera

"Ako na nga!.  Sabi ni luisa sabay kuha ng camera

"So hi? Sa future self namin "haha" siguro kong napapanood niyo to kasal na kayo no de joke lang naisipan namin tong ivideo dahil gusto naming irecord yong mga memories naming mag kasama!. Nakangiting sabi ni luisa

"Oyy! Isama ko naman ako!. Singhal ko

Nag play naman na yong ikalawang video

"Aray naman dahan dahan naman para ka namang may galit e!. Singhal ni luisa habbang sinusuklay ko yong buhok niya sa video na ito ay tinuturuan niya ako mag ipit ng buhok niya

"E kasi naman ang ganit (gulo) ganit ng buhok mo!. Iritable kong sabi

"Hindi kasi ganyan yong pag susuklay para kang gumaganti ah!. Singhal niya at kinuha sakin yong suklay saka pinakita sakin kong paano ang tamang pag susuklay

"Okay na okay na gets kona!. Sambit ko na ikinatawa niya

Ilang oras pa ang lumipas ay na ipitan ko rin siya sa wakas

Lumipat na sa susunod na video at ito naman ay yong minamanicure niya yong kamay ko

"Aray dahan dahan marunong kaba talaga?. Reklamo ko

"Oo marunong ako! Wag kakasing malikot para kang kiti kiti e!. Singhal niya

"Lalagyan ko ba ng qutiks?. Tanong niya pa at nakakalokong tumingin sakin

"Wag anong tingin mo sakin bakla?. Singhal ko sakaniya

"Bakit hindi ba?. Pang aasar niya pinitik ko naman yong noo niya saka siya tumawa

Yong susunod naman na clip ay yong sabay kaming nag luluto

"Wag mo munang ilagay yong gulay kasi madaling maluto yan!. Singhal niya sakin saka inagaw yong gulay

"Ay ganon bayon? E bat naninigaw ka!. Sambit ko naman

"Naninigaw ba?. Ulit niya

"Napa lakas lang to naman!. Dagdag niya pa

Sinilip ko siya habbang nakalagay yong ulo niya sa balikat ko nakatulog na pala siya pinatay ko na yong video at inayos yong pag kakahiga niya

Pinag masdan ko siya habbang natutulog hindi ko ata kakayanin na mawala ka sa tabi ko ng matagal pero gagawin ko parin para sa pangarap mo , nating dalawa para sa kinabukasan mo handa akong mag hintay kahit gaano pa katagal yan sana Hindi nalang natapos tong araw na to para makasama parin kita kahit papaano pero 3 years lang naman yon madali lang yon

Tumungo ako ng konti para mahalikan ang noo niya saka umayos ng higa sa tabi niya at niyakap siya

*KINABUKASAN*

nagising ako ng wala na si luisa sa tabi ko may note din sa side table na naka dikit sa picture frame naming dalawa

"Umalis nako ng hindi ka ginigising dahil baka maistorbo pa kita at hindi pako makaalis kapag nag paalam ka pa tatawagan kita kapag nakarating nako sa canada iloveyou" ~luisa

Yan yong naka sulat nakakapanibago tong araw nato dahil wala siya sa tabi ko naligo nako at pumasok akong matamlay

Hoy! Sandok anong nangyari sayo?. Tanong ni hera at tinabihan ako sa upuan nandito kami ngayon sa mcdo sa carpark

Umalis na si luisa kaninang umaga lang!. Malungkot kong sabi at uminom ng coke

Aww! Akala ko tatapusin niya muna yong pag aaral niya dito sa ust?. Tanong naman ni zoey na kakadating lang

Hindi na dahil trinansfer na siya ng ust sa canada!. Sagot ko

Aww! Kaya pala sadboi na tong captain natin!. Pang aasar ni hera

Sadboi kajan! Kaltukan kita e!. Sambit ko sakaniya at sinamaan siya ng tingin

So ano ng plano mo para hindi siya mamiss?. Tanong naman ni zoey

Edi lilibangin yong sarili para hindi ko siya maisip!. Sambit ko at kumain na

Aysus! Sadboi na nga! Lika sumama kanalang samin sa bar ni ara para naman malibang ka nakapasa kasi si luis sa exam nila kanina sa legal management kaya naman mag papainom siya at libre niya!. Sambit naman ni hera

Ayown! Libre!. Masigla kong sabi

Ayan jan ka magaling sa libre napaka buraot talaga!. Sabi naman ni zoey at binatukan ako

Aish! Wag ka ngang harsh zoe ikaw rin naman!. Sambit naman ni hera

Wow! Nag salita ang tirador ng pulutan akala ko nga si ella lang yong tirador ng pulutan ikaw rin pala!. Natatawang sabi ni zoey

Aba! So kayo na ngayon ni liam ang mag kakampi ganon!. Natatawang sabi ni hera at inambahan si zoey

Oy! Labas ako jan ah!. Sabi ko saka tumayo at kinuha yong gamit ko

Oy! Teka san ka pupunta?. Tanong ni zoey

Chemistry na!. Sigaw ko saka lumabas ng tuluyan lumabas narin si zoey at hera

Hoy! Sasama kaba mamaya?. Sigaw ni hera

Titingnan ko!. Sigaw ko saka tumakbo papunta sa bgpop

Im Missing You (MOON SERIES: 2) COMPLETEDWhere stories live. Discover now