Chapter 6 : The car

4.8K 139 18
                                    

CHRIS

I woke up hearing the annoying ringtone of my phone. I groaned. Nagring ulit 'yung phone ko kaya kinuha ko ito at tinignan kung sino ang pesteng sumira ng pagtulog ko.

Bea calling...

"Chris!" Agad kong inilayo ang telepono sa tainga ko. 7:30 pa lang nag-iingay agad siya.

"Anong problema mo?"

"Punta ka dito sa bahay namin. Importante 'to," she pleaded.

Kumunot ang noo ko. "I don't want to."

"Ililibre kita ng DQ! For a whole week!"

I sighed. "I'm coming," I ended the call then threw my phone beside me as I walk toward my bathroom.

I decided to wair a plain white shirt, skinny jeans and a pair of black converse. Hinigit ko 'yung hem ng shirt ko habang tinitignan ang reflection sa harap ng salamin. This is good. Kinuha ko 'yung toothless the dragon na bag ko at chineck ang laman. Everything I need is here. Inilagay ko ang isang strap sa kanang balikat ko at bumaba na.

-

"Bea!" katok ako ng katok sa pinto ng kwarto niya. I had no problems entering Bea's house since the workers knew me.

Si Sohe yung nagbukas ng pinto. Nakaputing shirt siya na may nakasulat na 'Freak' at skinny jeans. If she's here, it means that they are all here.

"Hi Chris!" Sabi ni Sohe. Tumango ako at nilampasan siya.

Pagkapasok ko nakita ko ang dalawang bruha. Si Jaz naglalaro sa xbox ni Bea, si Bea naman nanonood ng TV habang nakadapa sa kama, may bowl siya ng popcorn sa kamay. Umupo agad ako sa tabi ni Bea at kumuha ng popcorn.

Hinarap ko si Bea na tutok na tutok sa pinapanood niyang The Vampire Diaries. "Why did you call me here?"

"Pag-uusapan natin yung plan para ispy ang RSG," sagot ni Jaz.

Biglang lumapit si Jaz kay Sohe, "Anong ginagawa mo diyan, Sohe?"

"Ah, eto ba?" Hinarap niya sakanya yung screen ng laptop niya, "Nakita ko na ang malapit na bar kung saan tumatambay ang RSG. Okay ba?" Tumango si Jaz.

"Ano na ang gagawin natin?" Ani Bea. Ipinikit ko na ang mata ko. Sila na ang bahala diyan.

"We need to gather information. If possible, talk to them without them recognizing us," ani Jaz.

Sumagot si Bea, "Then let Chris pretend as a boy," nang dahil doon napadilat ako. Paano ako nasali sa usapan?

Humagalpak ng tawa si Jaz, si Sohe naman ay nachoke sa candy na kinakain niya.

Tinignan ko sila ng masama, "There is no way in hell."

JAZ

Kanina pa ako tawa ng tawa. Si Chris kasi magpapanggap sbilang lalaki. Kaya umuwi muna sa bahay si leader dahil pipili siya ng damit. Oo, napapayag namin siya. Malakas ata convincing powers ni Bea.

Pwede naman siyang mag disguise ng pang lola or kahit anong pang babae diyan pero lalaki? For sure trip pinagtitripan lang ni Bea si Chris. At least napapayag namin siya. Let's see how this plan will go on, shall we?

Pumunta ako kay Bea na nagluluto ng kung ano. Ohhh! Do I smell cookies?

"Bea, anong niluluto mo? Are those cookies?"

May nilabas siya sa oven at wow! Cookies nga! Kumuha ako ng isa pero napaso ako. Tumawa si Bea at binatukan ako.

"Hindi para sa'yo 'yan!"

Heiresses to GangstersWhere stories live. Discover now