Chapter 24: Trouble maker!

2.9K 87 16
                                    

SOHE

Hindi ko talaga inaakala na ganito pala sila kalakas. 2 versus 2 lang naman ang labanan, for this day. I repeat, para lang sa araw na ito. Si Bea at Chris lang naman ang naglalaban dahil sila naman talaga yung fighters.

Nandito kami ni Jaz nakaupo. Nanonood si Jaz ng laban while I'm here, eating my candy, and watching the CCTV footages. Baka kasi may dumating na yung mga estudyante, staffs, or teacher. Worst, baka yung prinicipal. Bakit ba kasi trip nila sa school maglaban when there's actually a ton of places to fight.

"Ang boring naman." Jaz groaned while she leaned on my shoulder.

"Okay lang yan, pre. Magstastart na rin din naman kasi ang klase mamaya." I patted her shoulder.

Si Drake, nagbabantay din. So basically, pareho kaming nagtutulungan este, nanonood kung may teacher na paparating.

Pinanood ko ulit sina Chris at Bea. Grabe, kelan ba sila matatapos? Eh parang wala pa ngang nasusugatan sa kanilang apat.

BEA

Suntok diyan, iwas naman siya. Sipa diyan, iwas naman siya.

Suntok galing sa kaniya dito, iiwas ako. Sisipain niya ako dito, iiwasan ko ulit siya. Hay. Hindi ko rin alam kung ano ang nangyayari sa katawan ko. Ayaw kong magkapasa dahil hindi ko alam kung paano ko ieexplain kay mom and dad. Pero gusto ko na rin matapos ang laban na ito! Pero ayaw naman niya magpapasa. Kalalaking tao, takot sa pasa at sugat. Si Edison nga pala ang kalabanan ko.

Expert sa Wushu (Chinese martial arts) pero kung makasigaw naman parang babae noong nakakita siya ng ipis kanina lang. Ang fierce ng pagmumukha pero hindi mo aakalaing takot siya sa mga simpleng bagay.

"Kelan ba tayo matatapos dito?" Tanong ko habang iniiwasan ko ang mga sipa at suntok niya. Grabe. Saan ba sila nakakuha ng confidence na manakit ng babae?

Napatalon ako sa gulat ng magring ang school bell. It means six thirty na. Ito yung oras na pumapasok ang mga masisipag na estudyante, guro at iba pa.

Kung minamalas nga naman.

"Guys, tuloy niyo lang. Sabihin ko na lang kung may paparating," sabi ni Sohe.

Since siya ang nagsabi, tinuloy namin ang laban.

Third person's

Tumayo si Sohe at pinagpagan yung palda niya. "Uy. Iihi lang ako ah. Ikaw muna magbantay."

Jaz lazily bit the pizza. Binili niya ito sa canteen kanina. "Okay."

Kumain lang siya ng kumain ng Pizza habang pinapanood sila Chris. Grabe. Ang boring naman dito. Sa isip-isip niya. Napag-isipan niyang libutin ang campus para maibsan ang kanyang boredom. Nawala na sa isip niya ang pagbabantay sa mga guro na dadating.

Tuloy tuloy lang ang laban nila Chris. Nawala na sa isipan nila na nagring na yung bell at hindi rin nila napansin na wala nang nanonood ng CCTV footages. Si Drake kasi umuwi dahil may nanonood naman na daw at siyaka ang boring na.

Biglang naalala ni Jaz ang kanyang tungkulin ng masilip niya ang relo niya. "Putek! Lagot ako kela Chris nito!" Anito.

Kumaripas ng takbo si Jaz pero huli na ang lahat. Nakita niya ang principal na nakasimangot at ang kagangmates niya na huli sa akto. Si Sohe nandoon na at inaayos ang laptop. She glared at Jaz when she saw her.

"Anong nangyayari dito?"

Si Mr. Principal pala. Shit. Ano ba kasing ginagawa nung mga nanonood ng CCTV? Chris thought. She glared at Jaz.

"I repeat, anong nangyayari dito?" Tanong ulit nung principal. Hindi sila makagalaw lahat.

"Pake mo?" Pabalang na sagot ni Chris. Nag face palm naman si Jaz sa sagot ni Chris.

"Ms. Lee! How dare you—"

"—be a nuisance in the middle of our filming?" Dugtong ni Jaz.

"But there's not a single–"

"—hair on your head." Dugtong ni Jaz.

"That's not-"

"—your real hair. We know, mister Principal, we know." Tumango-tango pa si Jaz. Si Jaemin tawa nang tawa, si France at Red nakangiti lang. Si Bea at Chris naman halos patayin na sa tingin si Jaz.

"Enough!"

"All of you! To my office. Now!" Sigaw niya. At dahil ayaw nila ng gulo, sumunod na lang sila.

Ayaw ni Chris pero hinila siya ni Sohe at Jaz. Nagtaka sila kung bakit kasali pa ang Kings 'e hindi naman sila estudyante dito, except for Jaemin,

"Kasalanan mo lahat ito, Jaz." Dinuro ni Bea si Jaz na tinawanan siya.

Bigla naman sumingit si Sohe sa gitna nilang dalawa, "Wala kayo parehong maitutulong pag magsisisihan kayo. Lalo ka na Bea, wag kang mangsisi dahil lahat naman tayo may kasalanan hindi lang si Jaz."

Umikot yung mata ni Bea, "Fine."

BEA

"WHAT!" Nagulat din kami sa parusang binigay.

Sinipa ni Red yung upuan na nasa harap niya, which is the chair that Sohe is sitting on. Tinitigan siya ng masama ni Sohe. "You're kidding! We're not even studying here yet we get to take the punishment too?!"

"Mr. Park, parang sister school namin 'yang pinapasukan niyo kaya kung ano ang nangyari ngayong araw na ito, makakapunta sa principal niyo," ani ng Principal namin na ang surname ay Bean, so we call him Mr. Bean. Red groaned in frustration.

Kailangan daw namin hanapin yung susi para sa pintuan nung old building nung school. Isang maliit na silver key lang 'yon at ilang buwan nang nawawala. Sa laki ba naman ng school na ito, sa tingin niya ba makikita namin agad yun in one day? Tapos pinaglilinis pa kami! Baliw pala itong principal na ito. Kung wala lang talaga akong respeto sa kaniya, sinunog ko na yung wig niya.

"Fine. We'll do it," ani Sohe.

"What!??" Ano ba 'tong Red na ito? OA masyado. Mabuti nga loob lang ng school ang pinalinis. Wala pa diyan yung other side ng school that consists the fields and stuff.

"Ako," pangbabara ni Sohe.

Ipinagsaklop ni Mr. Bean ang kamay niya, "Oh siya siya. Magstart na kayo." What? Start na agad? Hindi pa nga kami nagkaklase.

"But what about our class, sir?" Tanong ni Jaemin.

"You'll take the night class."

Night class? Why? Sa dinami-dami na pwedeng schedule, night class pa ang napili ng principal na ito. Pwede naman niyang kunin yung weekends. Okay na sana yung night class. Pero kasi sagabal itong cleaning; wala kaming pahinga dahil bukas umaga na ang pasok namin. Umoo na lang ako. Bahala siya sa buhay niya basta mag-aabsent ako kinabukasan.

Lumabas na kami lahat sa office at kinuha na namin yung mga walis at dustpan doon sa Janitor's room. Buti pa yung ibang kings, hindi a-attend ng night class dahil hindi naman sila nagaaral dito. Malas naman!

Si Jaz kasi eh! Trouble Maker!

Heiresses to GangstersWhere stories live. Discover now