TFS 7 - Wisp and Shade

21.9K 717 33
                                    

TFS 7 - Wisp and Shade

Naia's POV

I felt goosebumps and cold air. Pero hindi ko na lang iyon pinansin. Kailangan kong magfocus dahil nalalapit na ang competition.

"Naia, galingan natin para kasama tayo dun sa 6 na irerepresent ang Sylphs." sabi ni Min sakin.

"As far as I can see, malaki ang improvements niyong dalawa at malaki ang chance niyong makapasok." Prince Zephyr said.

"Hindi ko alam kung makakapasa ako pero kailangan ko. Pangako ko kay Mommy yun eh." sabi ko naman at naalala ang bilin ni Mommy bago ako umalis sa Euphorium Forest.

*flashback*

"Oh Naia magpakabait ka doon hah? Kay Min ka lagi sumama para panatag ang loob ko." panimula ni Mommy.

"Alam kong hindi magiging madali ang lahat basta mag ingat kang mabuti para di nila malaman ang totoo mong pagkatao." dagdag pa niya.

"Kapag may freetime kayo, dumalaw kayo dito ni Min at ipagluluto ko kayo ng favorite niyong Mapleberry Pie." yun ang specialty ni Mommy. Isang Pie na may maple at berry gaya ng strawberry, blueberry or raspberry.

"At isa pa pala Naia, kailangang makasali ka sa Ultimate Elementzo Competition." pahabol pa nito.

*end of flashback*

"Mauna na ako hah? Pupunta lang ako sa library para makapagbasa ng mga makakatulong sakin sa qualifying exam." paalam ko at saka nag bow kay Prince Zephyr at bumeso kay Min.

Habang naglalakad, naramdaman ko na naman ang presence na nakasubaybay sakin. Pero laking gulat ko ng di lang ito nag iisa, dalawa na sila ngayon.

Binilisan ko pa ang kilos at instantly nasa library na ako.

Hinanap ko agad yung shelves para sa mga Sylphs. Isa sa mga nahanap kong libro ang Wind Tecniques at meron ding Air Knowledge.

Umupo ako sa may pwestong sulok at nagbasa. Nasa kalagitnaan na ako ng unang chapter ng may malaglag na pahina. Pinulot ko iyon at binasa.

A King will die.
People will suffer.
Darkness will rule over.
It will devour the light.

Kinilabutan ako, pero napansin kong iba ang papel nito sa nasa aklat na nakuha ko. Di kaya maling dito nailagay ito? Tumayo ako at naglakad.

Wait, bakit parang ganito rin ang klase ng pagkakasulat at papel nung nakita ko sa libro ni Apoy? Baka nga kwento ito? Pero nagkahiwa hiwalay ang mga pahina? Ganun?

Nagpunta ako doon sa history section at nakapukaw sa aking atensyon ang librong makapal na may golden string.

Elementia's Prophecy

Binuksan ko ito kung saan nakamark ang string at laking gulat ko na dito dapat nakalagay ang napulot kong pahina kanina.

Two different elementals
Together they'll have the powers
To destroy the wicked Elementians
They will be called Oratians

Ugh, Oratians? Sino sila? Hinanap ko ang pahina na nagsasaad ng tungkol dito.

Oratians- Elementia's Oracle

Okay? Soooooo may bad people ganun? Pero ang alam ko maayos ang buong Elementia dahil sa Royal Council.

Bumalik ako sa upuan ko, then nagbasa ulit.

Pandarens gave the first bloodline of Elementals part of their powers, but in the condition of they will use it in a right way and there will peace across the planet.

Pandarens- gods and goddesses of each elements.

Fire- Gerra
Water- Salacia
Air- Aura
Earth- Drayus
Wisp-
Shade-

So may iba pang elements ganun? Fiction kaya ito o a book of facts? Wala pa akong nakikilalang Wisp o di kaya ay Shade.

At bakit kaya walang pangalan ang mga Pandaren ng Wisps at Shades? Kailan secret identity ganun? Nakakapagtaka naman pero di bale na nga lang!

There's also a floating palace called, Yanyi Palace where wisps and shades co-exist.

Bukod yung lugar nila? Ugh, saan naman kaya yung Yanyi Palace?

Wisp- element of light
Shade- element of dark

Black and white lang kaya ang kulay doon? O baka hindi?  

Shades will only show when an elemental calls them. Then wisps will come after to balance the forces.

Try ko kayang magtawag ng Shade? Tapos baka nga may Wisp na dadating? Pwede ko kaya silang maging kaibigan o guardian?

Air and water shows femininity while fire and earth shows masculinity

Nakakacurious ng slight itong libro, yung nilalaman niya at ang paraan ng pagkakasulat. Nakakatakot na nakakakaba pero may halong excitement akong nararamdaman habang nagpapatuloy.

Nahagip ng aking paningin si Prince Rage. Nakaupo siya sa kabilang dulo ng pasilyo, nakatingin sa gawi ko pero hindi ako sigurado kung sa akin ba talaga siya tumititig.

Napailing ako at binaling muli sa libro ang aking atensyon.

Binuksan ko muli ang sunod na pahina.

"What in the world of books! Why is that my birthmark is in here?" ano ba talagang nangyayari?

Napatagal ang titig ko sa drawing na katulad na katulad ng aking birthmark.

Sylph's wings and Undine's tail

Pero ang hindi ko inaasahan ay may isa pang birthmark.

Salamander's fireball and Gnome's rock

Mas lalong nakuha ng librong ito ang atensyon ko. This isn't just an ordinary book! Bakit pakiramdam ko ay konektado ako dito? Baka may paraan para mawaksi ang pagiging half ko? Baka kayang mawala sa katawan ko ang Undine's Power ko?

"Oh geez!" gusto kong magmura at itapon ang libro!

Putol ang libro! I mean ugh! Wala ng sunod na page! Wala as in parang napunit or what?

Napatayo ako agad at bumalik sa shelf na pinagkunan ko. Wala ng kopya nito doon. What to do?

"Ugh, Miss, wala na bang ibang kopya ang librong ito?" I asked the Librarian na mukhang kasing edad ko lang rin. Ipinakita ko sa kanya ang libro at tiningnan iyon ng matamnan.

"To Be a Great Sylph, ay wala na po eh." kumunot ang noo ko dahil hindi naman iyon ang pamagat ng hawak ko.

Napatitig ulit ako s alibro at binasa ang naroon. Elementai's Prophecy naman ang nakalagay eh! Really what's happening? Ang gulo hah!

Ako lang ba ang nakakakita sa librong ito? Maybe I should ask Prince Rage!

Pero paglingon ko sa pwesto niya ay wala ng tao doon. Tsk. He left. Hindi ako ang sadya niya kaya siya nandito kanina.

"Hihiramin k onalang muna ito hah?" nagnod sa akin ang babae at may pinapirmahan sa akin.

I know someone na baka may alam dito, baka makakuha ako ng sagot sa kanya. I need to go home, sa Euphorium Forest! Mommy Merla knows alot of things! Maybe she can give me answers!

3rd Person's POV

Samantalang sa isang madilim na gubat, called Shalinom Forest ay tila may limang tao sa gitna nito na nagtitipon tipon. Ang apat sa kanila ay namamanghang nanonood at nakikinig habang ang isa ay nagsasalita ng kung anong lengwaheng hindi abot ng kanilang kaalaman.

"Drakilus, Drakilus grant me your power and bless thy your follower." the person in black cloak said as a finishing line.

Tapos ay umusal pa itong muli ng kakaibang mga salita.

Then there came a sudden blow of cold wind and followed by a dark aura that goes into the chanter.

----
Author's Note

Nagiging lame na ba? Haha salamat sa mga nagbabasa. :) ♡

The First SyldineTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang