TFS 30 - 3 Kismets

17.5K 486 15
                                    

TFS 30 - 3 Kismets

3rd Person's POV

Lutang na lutang si Prince Rage at walang gana na naglalakad papunta kung saan. Wala pa siyang balak na umuwi sa dorm room nila.

Dinala siya ng kanyang mga paa sa Eletia. Ito ang sentro or capital ng Elementia. Malapit lang din doon ang Elementium na isa namang lugar ng mga Royal Bloods.

Madaming ilaw at tao sa Eletia dahil na rin sa night market na nagaganap doon ngayon.

Bumili si Rage ng CottonMallows at umupo sa isang tabi. Tiningala niya ang langit at nangilid ang luha sa kanyang mga mata.

"Kahit anong tingnan ko, ikaw pa rin ang naaalala ko Naia." bulong nito sa sarili.

"All my walls stood tall painted blue....." kanta niya at ngumiti. Naalala niya yung gabing nasa Pixie Lair silang dalawa ni Naia at hinalikan niya ito habang natutulog.

Pero hindi niya naituloy ang pagkanta dahil may tumabi sa kanyang babae na may kulay red na buhok. Nilingon niya ito at nakitang nakatitig ito sa kanya tapos ay ngumiti.

"Sunod ka sakin Kuya!" masayang sabi nito sa kanya at naglakad paalis. Sa hindi malamang dahilan ni Rage ay tumayo siya sumunod doon sa batang babae.

"Teka hintayin mo ako!" sigaw ni Rage pero pinagtinginan siya ng mga tao.

"Sinong kausap nun? Baliw na yun?" bulong ng kung sino.

"Isa ata yung Elementian pero mukhang baliw ata." sabi pa ng isa.

----

Nakarating sila sa isang magubat na parte ng Eletia, ang Eletian Forest. Umakyat ang batang may pulang buhok sa isang tree house at sumunod din siya.

Nakita niya ang 3 batang nakaupo sa loob ng treehouse. Isang may kulay blue na buhok, isang silver haired, at yung may pulang buhok. Pare parehas na magaganda ang tatlong bata na sa tingin niya ay 15 years old lamang.

"S...sino kayo?!" tanong ni Rage.

"We are the Three Kismets." sagot nilang sabay sabay.

"Hindi kami nakikita ng kalahatan dahil pinipili namin kung kanino kami magpapakita." sagot nung blue haired.

"Ako si Cleatha and I can see everyone's pasts." sagot nung blue haired na matataba ang pisngi.

"I'm Lachise the dream traveler and interpreter, also an astral projector." cold na sagot nung silver haired.

"Ako naman po si Astrean and my power is precognition!" masiglang sagot nung red haired.

"I'm Rage Fiery..." pagpapakilala ni Rage na agad pinutol ng tatlo.

"We know!" sagot nung tatlo in unison.

Rage's POV

"Anong dream mo last night?" tanong ni Lachise sakin.

"Umuulan ng ice at meteors pero hindi ako natatakot. Kaya nga lang, unti unti itong humina hanggang sa naging black na lang ang lahat. Tapos ay mayroong lumabas na bilog na nahahati sa itim at puti. Pero parang gustong lamunin ng itim na part ang white part." sagot ko.

"Blessings para sayo ang pag ulan ng ice at meteors. Pero kaakibat noon ang panganib. Kailangan, laging balanse ang pwersa ng light at dark. Tandaan mo yan." sabi sakin ni Lachise.

"YAAAAAAH AKO NEXT HAH?!" masiglang sigaw ni Astrean at hinawakan niya ang aking mga kamay.

May kuryenteng dumaloy sa katawan ko at naramdaman ko ang pagbigat ng mga mata ko hanggang sa napapikit ako.

The First SyldineWhere stories live. Discover now