TFS 22 - Sora Kingdom and Queen Azalea

17.2K 525 53
                                    

TFS 22 - Sora Palace and Queen Azalea

Naia's POV

In fairness mabilis ang naging pagbyahe namin papunta sa Sora Kingdom dahil na rin sa nakasakay kami sa mga pegasus.

Isang palasyong nakalutang sa ere, yung mga ulap pwede mong upuan o tayuan. Kung ang Draken Palace ay kulay red, orange at yellow tapos may torches at nakakatakot na ambience, dito sa Sora ay kulay green, light blue at white ang makikita. May mga pegasus na magaganda pero nakuha ng isang pegasus na may kulay puti at lilang kulay ang atensyon ko.

Lalapit sana ako pero napansin kong masama ang tingin sakin ng isang Elementus kaya di na ako nagpasaway pa.

Naramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin kaya naman napahawak ako ng mas mahigpit sa cloak ko at bigla na lang kumabog ng malakas ang dibdib ko. *Sana pala isinama ko si Tine.*

May naririnig akong mga tao sa loob mismo ng Palace, mga tugtog at boses ng masasaya. May mga musiko rin sa may daanan.

*Di kaya welcome party nila sakin ito? OMG ALAM NILANG ANAK AKO NI KING AERO?!*

"Mabuhay ang bagong pinag isa ng kalangitan!" dinig kong sigaw ng isang lalaki.

Nakita ko ang isang magandang babae na hawak ng mga roses at nakaangkla ang isang braso sa isang lalaking matangkad at may kakaibang hairstyle pero gwapo siya.

"Congrats Princess Angelii at Prince Sehun!" bati ng isang babae sa kanila. *Baka isa dyan ay anak ni Queen Azalea.*

"Ate ate Team SeLii forevs hah?" sabi naman ng bata at ngumiti ang dalawa. Tapos hinalikan nung Sehun sa lips yung si Angeli. *Eh di sila na ang sweet. Team RaNa forevs kaya hahaha.*

Kaya naman pala madaming tao at parang may fiesta o anu man. May nag life sharing pala na Sylphs.

Kaso bigla silang tumahimik noong dumaan ako kasama ang mga Elementus at may halong pagtataka sa mga mukha nila. *Oh well kahit ako nagtataka rin eh.*

"Magandang araw po Prince Sehun at maligayang bati po sa inyo ni Princess Angelii para sa inyong kasal." sabi ng isang Elementus at nag bow sila kaya naki bow na rin ako. Ngumiti samin sina Prince Sehun at Princess Angelii. *Si Prince Sehun siguro ang anak ni Queen Azale.*

Umakyat kami sa ikalawang palapag ng palasyo. Madaming kwarto at sadyang nakakalula ang laki ng palasyong ito.

Pumasok kami sa isang kwarto pero wala pang tao sa loob.

"Maghintay ka dito, paaakyat na ang Mahal na Reyna." sabi sakin ng Elementus at tumango ako.

Yung kwarto maraming aklat, may mga portraits.

"Sino kaya itong mga nasa portrait na pinakamalaki?" bulong ko sa sarili ko. At bigla akong napatitig sa mata ng lalaking nasa gitna ng portrait.

"Yung mga mata niya!" halos mapasigaw ako.

Bumukas ang pinto kaya naman nagulat ako. Pumasok ang isang eleganteng babae at tinitigan niya ako.

"Naia Airylisia tama ba ako?" tanong niya.

"O...opo Queen Azalea." at nag bow ako.

"Maupo ka."* saad nito at sumunod ako.

"Yung nasa portrait na tinitingnan mo kanina ay ang magkakapatid na Airylisia. Si Kuya Aero, Ate Wynmisia at ako." sabi niya kaya napalingon ako sa portrait ulit. Tama, kahawig ni Queen Azale yung babae sa kanan.

"Pinatawag kita dito para sa dalawang dahilan Naia." bigla akong kinabahan.

"Unang dahilan, may nakapagkwento sakin na masyadong malapit ang loob mo sa isang Salamander." pagsisimula niya.

The First SyldineWhere stories live. Discover now