40

1K 69 52
                                    

THIRD PERSON

Two years passed. Sandy had turned into energetic 3 year old toddler. She'd been guided by her twelve uncles, and of course, her one and only father.

Noong mga unang buwan man ni Sandy ay naghahanap siya ng kalinga ng isang ina, sa paglipas ng panahon ay nasanay na rin itong napapaligiran siya ng mga kingina-- joke.

How lucky she is to be raised by 13 people in absence of her own mother.

Habang nasa trabaho si Joshua ay naisipan ni Seungcheol na i-gala si Sandy kasama ang mga tropa niyang sina Jeonghan, Hoshi, Dino at Dokyeom. Karga-karga ni Hoshi ang bata habang naglilibot sila sa palaruan. Hindi ito mapakali't tila ba gustong-gustong makawala sa braso ni Hoshi.

"Sandy! 'Wag ka nang malikot, grrr. Kanta muna tayo," he cleared his throat.

"Dino ABC, Dino ABC, sing dinosaurs A to Z," pagkanta ni Hoshi with matching dance steps at pang-aasar sa official dinosaur ng samahan na si Dino.

Pero hindi nagpatinag si Sandy, gusto na niyang kumawala sa hawla ng tiger wannabe. "Ibaba mo na kasi," tuwang-tuwa si Sandy nang makababa na siya sa pagkakarga.

Nagsimula na itong maglaro at makipagkaibigan sa mga iba pang bata sa palaruan.

"Hindi kumpleto ang childhood niya kung hindi niya mararanasan magkaroon ng kaaway sa playground," natatawang sambit ni Seungcheol

"Oo tapos sasaksakin niya at ililibing sa gilid," sambit ng demonyong so Jeonghan.

"Ginawa mo 'yon hyung!?" nabibiglang sambit ni Dino, tinawanan lang siya ni Jeonghan.

Ngayon tuloy ay nagdududa na sila kung mamamatay tao at young age ang tropa nilang walang ibang ginawa kung hindi paglaruan ang kanilang feelings.

"Habang palaki nang palaki si Sandy, may napapansin ako sa kaniya," nakakunot ang noo ni Dokyeom habang pinapanuod si Sandy na makipag-unahan sa mga umaakyat sa slide.

"Ano?"

"Mas sumasaya siya," napangiti silang lahat sa sinabi ni Dino. Unti-onti nang nasasanay si Sandy sa presensya nila, hindi na siya katulad ng dating naiirita at naiiyak kapag naririnig niyang naghahigh tone rap sina Dokyeom sa sala.

"Hindi 'yon, napansin kong may kahawig siya," sabi ni Dokyeom.

Dinuro siya ni Seungcheol, "Tama ka d'yan 'tol. Kaso hindi ko alam kung sino, basta pamilyar 'yong kahawig niya," nagkamot siya.

"Kahawig niya si Shua hyung, hindi kayo pamilyar?" nagtatakang tanong ni Dino.

"Pamilyar ka ba sa suntok ni Pacquiao?" inambahan siya ng suntok ni Seungcheol pero agad naman siyang lumiyad mala-Michael Jackson.

"Ow yes Pope Joshua, kasama namin si Sandy, ginala namin," may kausap si Jeonghan sa telepono.

"Pope Joshua?"

"Pope 'di ba Papa 'yon in english, 'wag ako mga boss sikat ako sa Japan," nagkatinginan silang lahat habang sinosolve ang logic ni Jeonghan.

["Susunod ako d'yan. Make sure to keep an eye on her, medyo naeexcite siya kapag nasa labas,"]

"Oo naman boss nandito lang naman kami sa tabi ng anak mo--- nasaan na si Sandy?" naalarma ang lahat sa tanong ni Jeonghan.

Nakatingin si Seungcheol kay Jeonghan kanina pa, si Jeonghan focused sa hawak niyang bato, si Dino natutulog sa gilid, si Hoshi at Dokyeom bumibili ng ice cream sa Manong na naglalako.

Walang nakabantay kay Sandy, lagot.

Agad na tumayo si Seungcheol para hanapin si Sandy. Ginising niya rin si Dino para tumulong.

["What are you saying? Dude kasama niyo siya,"] nababahalang tanong ni Joshua.

Hindi makasagot si Jeonghan, hindi nila makita sa paligid si Sandy.

["I'll go now. Once na hindi ko makita sa inyo si Sandy at may nangyaring masama sa kaniya, I swear Yoon Jeonghan. I will never forgive you all!"]

Ilang sandali pa ay nakarating na ang nagpapanic na si Joshua. Agad niyang kwinelyohan ang unang tropang nakita niya.

"Nasaan ang anak ko!?"

"Chill pre! Baka nandyan lang--"

"How can I fucking chill at this moment!?" binagsak niya ang pagkakwelyo niya kay Seungcheol.

"You never know how hard it is for me. Hindi niyo alam kung gaano karaming bagay ang sinuko ko para sa kaniya! Putangina niyong lahat kung may mangyaring masama sa anak ko, hindi ko kayo papatawarin!" he's really mad.

"Hala, baka nakidnap na si Sandy, uso pa naman ngayon 'yong sindikatong kumukuha ng organs---" sa sobrang inis ni Joshua ay pinaulanan niya ng suntok si Hoshi.

"Shua! Maghanap nalang muna tayo please!" awat ni Jeonghan.

Ayaw na ayaw nilang nagagalit si Joshua, hindi nila ito madaling mapapakalma, lalo na't dinagdagan pa ni Hoshi ang bigat ng pakiramdam niya.

"Ikaw kasi, kung ano-anong pinagsasabi mo, ang pangit mong kabonding," bulong ni Dokyeom sa kaniya, nagkamot ng ulo si Hoshi at pinunasan ang labing nagkasugat dahil sa suntok ni Joshua.

"'Yon si Sandy oh!" nabuhayan ang lahat nang magturo si Seungcheol.

There they saw Sandy sitting on the bench, with a lady kneeling on her. Nang makalapit sila'y nakita nilang naglalagay ng band aid ang babae sa sugat na natamo ng bata sa tuhod.

"Sino ba ang magulang mo't iniiwan ka nilang mag-isa ha?" that statement of her made Joshua more furious.

'How ironic, nagpapakasarcastic ba siya?' Joshua thought.

"Era mahar! Long time no see," masayang bati ni Jeonghan.

Sa sobrang inis ni Joshua ay tinulak niya palayo sa kaniyang anak si Era. He carried his child and glared at her. "Don't touch her again,"

"You have no rights to question her parents, you are her mo-- fuck you," after that, he walked away.

"Are you alright? What do you feel right now? Did that woman hurt you?" umiling si Sandy.

Well, that woman did hurt her but she will not feel it right now for she's too young to realize such matter.

Napatingin si Joshua sa anak niya nang ipahid nito ang kaniyang maliliit na palad sa pisngi ng kaniyang ama. "Daddy," she pouted as she's about to cry.

She witnessed her father's tears. Tumawa nalang nang mahina si Joshua't pinunasan gamit ng panyo ang kaniyang mukha, pati na rin ang luha ni Sandy.

He didn't notice that his madness turned into tears.

"I'm okay. Just don't leave me, my daughter," he smiled gently.

Don't leave him, just like your mother did to both of you.


Daddy ShuaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon