45

1.1K 73 63
                                    

CHIMERA XU

Dahil sa sobrang sakit at hindi ko na mapipigilan ang luha ko, hindi ko na hinintay na matapos si Minghao at umuwi nalang ako noong araw na 'yon.

Nagtataka man sila sa pag-alis ko, hindi ko kayang sabihin sa kanila kung bakit ako nagkaganoon.

I even overheard their conversation;

"Bakit bigla kang aalis Era mahar? Takot ka ba sa bata?" Jeonghan asked.

"Takot siya sa responsibilidad," I heard Joshua mumbled those words nang makadaan ako malapit sa kaniya.

Hindi ako takot, willing na nga akong panindigan siya eh! Nakakasama lang ng loob na pinakilala ako ni Joshua bilang ninang ng anak namin.

Para akong dinuraan ng may plemang kulay green. Nandiri ako bigla sa sarili ko.

Kasalukuyan akong bumilibili ng kamote cue sa tindahang malapit sa campus. Kakatapos lang ng klase ko at papauwi na rin ako sa bahay.

"Ito na ang sukli mo ija," nginitian ako ng tindera.

"Uh, ate can I buy a dozen of this caramelized skewed bananas, also a dozen of these bananas wrapped with rice paper," napalingon ako sa panibagong customer nang mapagtanto kong si conyong Joshua ang bumibili.

"Ijo palagi mo nalang akong pinapahirapan, turon lang naman 'yan eh," naiiyak na sambit ni ale.

He chuckled, "Okay, isang dosenang tzu-rown po,"

"Joshua," napalingon din siya sa gawi ko, nakita ko kung paano siya nawala sa mood nang makita niya ako.

"Puwede ba tayong mag-usap?" I despirately asked him.

He ignored me and then he smiled at the vendor, "Pafollow up po,"

Kinapitan ko ang braso niya, "Please, gusto kitang makausap," he just sighed.

"Thank you," he smiled again before he tried to leave. Pero mas hinigpitan ko ang kapit sa braso niya.

"Mag-usap tayo," I almost close my eyes in embarassment.

"Come with me," he nonchalantly spoke.

I sighed in relief. Nang magsimula na kaming maglakad ay natagpuan ko na lang ang sarili kong nasa loob na ng building na nasa tapat ng campus.

Dito ba siya nagtatrabaho? Akala ko sa Adonis Gay Bar bilang MD?

Pero napatango nalang ako sa narealize ko, kayang-kaya niya nga talagang palakihin nang mag-isa si Sandy kung ganito siya kayaman.

"Ano na namang kabitchesahan ang pag-uusapan natin?" nasa loob na kami ng isang opisina, I believe sa kaniya ito.

Umupo siya sa lamesa habang hinihintay akong magsalita. I gulped in nervousness, mas nakakakaba ang mga titig niya kaysa sa principal kapag class observation ko.

"Bakit mo naman sinabi 'yon?" I asked him, napakunot ang noo niya.

"Bakit kailangan mo pa akong ipakilala bilang ninang ni Sandy? Anak ko siya," hindi ko na napigilan pa ang pagtulo ng luha ko.

"She doesn't deserve a mother like you, you abandoned her--"

"Hindi ko siya iniwan! Wala akong inaabandona Shua," I defended myself.

"Just to remind you how selfish you are, you had left her alon--"

"Puwedeng pakinggan mo ako? Ako naman  ngayon, please. Alam kong galit ka, deserve ko rin maramdaman 'tong sakit pero kahit ngayon lang, hayaan mo muna akong depensahan ang sarili ko,"

I tried my best to look calm, pero ang sakit na ng lalamunan ko kakalunok at kakapigil ng luha ko. Nang hindi na siya nagsalita ay yumuko ako, iniisip kung saan ba ako magsisimula.

"Remember when you asked where was me? I was also there," he tilted his head in confusion.

"Ako ang nagbabantay sa bata kapag wala ka, kahit hindi pa talaga kaya ng katawan kong gumalaw-galaw. I was just there, watching you both," yumuko ako, I wiped my tears but they kept on streaming.

Napatayo siya't lumapit sa puwesto ko, "What the heck? Please don't lie, tumakas ka sa hospital matapos mong manganak,"

Umiling ako, "Hindi 'yon totoo. I stayed for almost five months sa hospital dahil sa panganganak ko. Paano ako makakatakas, ni hindi ko nga matayo ang sarili ko. No'ng iuwi niyo na si Sandy ay parang gumuho ang mundo ko, mag-isa lang akong gumaling, Shua. Wala akong kasama sa hospital noon,"

"Why didn't you answer my calls!? Fuck," he brushed his hair up.

I smiled bitterly, "Dapat sa anak lang natin ang focus mo,"

"Fuck you!"

"Nang madischarge ako pumunta ako sa bahay mo, pero wala kayo roon. Napanghinaan ako ng loob no'n, bigla akong nahiya. Gustong-gusto kong makita ang anak natin, pero galit ka sa akin kaya tinuloy ko nalang ang kontrata ko sa China para sana malibang ang isip ko," which was the biggest thing I regret.

"Nakakahiya kasing matapos kong iwanan ang anak natin ay bigla nalang akong magpapakita at sasabihing mahal ko na siya 'di ba? Ang epic no'n, plano kong umalis pero napalapit na rin ako sa bata habang nasa hospital ako. Seven months akong naging desididong iwanan kayo pero sa loob lang ng dalawang linggo ay nagbago ang isip ko,"

I looked up to face him, he's expression was so serious, "Alam ko namang galit ka, pero sana hindi mo naman ako pinakilalang ninang lang ng anak ko,"

"Sobrang sakit na nakita niya lang akong ninang, Shua. Anak ko siya 'di ba?" I tried my best not to cry.

"Pero sa bagay, sinabi ko naman noong okay lang na gano'n. May nahanap ka na rin sigurong tatayo bilang mama niya," I shrugged.

"Bakit hinayaan mo pang magalit ako lalo sa'yo? Bakit naghintay ka pa ng tatlong taon?" napatingin ako sa gawi niya nang sa wakas ay magsalita na siya.

"I waited for you. Every day, I pray for you to come back and be on our daughter's side. I always call you, once you answer, I will beg you to stay. Hindi mo alam kung gaano kasakit makitang naghahanap siya ng kalinga ng ina. The time you visited the dorm, she became excited dahil sa wakas, my babae sa loob, may mama siya," I looked down, but he held my chin to look at him again.

"Her first word was mama,"

Napaatras ako nang bahagya dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam, nanghihina ako sa sakit. But him, he just smiled gently, parang nag-aasar sa sakit na nararamdaman ko.

"Bakit nagsayang ka pa ng tatlong taon? Tatanggapin naman kita kung lumapit ka. Kaya ko namang tutukan kayong dalawa, ikaw lang ang nagsasabing pabigat ka sa'kin,"

"Huli na ako, tama ba?" garalgal ang boses ko habang tinatanong ko siya.

"Yes,"

I smiled bitterly.  Wala na ba talaga akong karapatan sa bata? Siya na ang nagsabing huli na ako.










"But it's better to be late than to be completely gone on her memories, right?"

Daddy ShuaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon