SEVEN

54 4 0
                                    


*Year 202x*

Erillia's POV


"Sigurado ka ba na gusto mong isama si Reinard sa bahay ni Binnie?"

Napatingin ako kay nanay habang sinubo ko ang lumpia. Kaming dalawa na lang ang kumakain ngayon dito.

"E, oo naman. At saka, para na rin lumalabas-labas si Reinard." sagot ko. "Bawal ba, 'nay?"

Umiling siya. "Wala naman kaso sa akin 'yan, Eri."

E, bakit ganyan ang pananalita niya ngayon sa akin? Parang may banta.

"Ligtas ba siya kapag nakilala niya ang ibang tao bukod sa amin?" tanong pa niya.

"Ano. . . Safe naman kami no'ng pumunta kami ng mall, e."

Tumango si nanay. "Sige, ikaw ang magulang ni Reinard kaya ikaw ang masusunod."

Bakit, parang kinokonsensya naman ako nito?



Sana pala nakinig na lang ako kay nanay.


"Saan siya pwede magpunta?" tanong ni Binnie habang lumilingon-lingon kami sa bawat eskinita na madadaanan namin.

"Hi-hindi ko alam, Binnie. Ngayon ko pa lang siya nilabas sa malayo bukod sa mall."

"Hala." Hayan na lang ang nasabi niya habang patuloy kami lumilingon sa paligid. Saan ba kasi pwede magpunta ang isang bata?

"May playground ba rito?" tanong ko.

"Walang playground dito, Eri."

"E, saan ba pwede pumunta 'yon?"

"Baka may kumidnap sa kanya."

Nahinto ako sa sinagot niya at tumingin sa kanya.

"Bakit siya kikidnapin?" tanong ko.

"E, bakit nga ba?" tanong naman niya, "'di ba uso naman ang kidnapan ng mga bata ngayon?"

"Ano ka ba!" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko. Hindi naman siya kikidnappin, e.


Hindi ko alam kung saan na kami napadpad, basta alam ni Binnie ang lugar na 'to, ayos lang. Hindi ko rin alam kung ilang minuto na ang nakalipas mula nang hindi namin nakita si Reinard.


"Paikot-ikot na lang tayo, Eri." hingal na hingal na si Binnie kaya huminto kami sa isang puno rito.

"Hindi, kailangan makita natin si Reinard."

"I-report na lang natin sa pulis na nawawala si Reinard."

Tumingin ako sa kanya, "Ayokong malaman ng ibang tao na galing hinaharap si Reinard. Baka kung ano ang gawin sa kanya ng mga pulis doon."

"Sigurado ka ba na galing sa hinaharap 'yon?" tanong niya. "Baka naman kinuha na siya ng totoo niyang magulang kaya-"

"Ako ang nanay ni Reinard, Binnie! Sino'ng punyetang nilalang ang kukuha sa kanya, ha!?"

"H'wag mo naman ako sigawan, Erillia-"

"E, nakakainis ka na!" Ramdam ko na ang panginginig ng labi ko. 

"Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag may mangyaring sa batang 'yon! Ni hindi ko alam kung bakit siya nandito! Hi-hindi ko pa nakikita ang kapatid niya! Paano ko sila pababalikin sa panahon nila? Ha?!"

Dear Future KidsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon