ELEVEN

46 4 0
                                    


*Year 202x*


ERILLIA'S POV


"Mama! Nandiyan na po sila."

"Mama!"

"Papa! Nasaan na po kayo!"

"Papa!"

"Mama!"

"Papa!"


Nagising na lang ako sa ingay nila. Nasa gitna namin ang mga bata, bale, ako ang tabi ni Dallia samantalang si Reinard, katabi ni Dennis. Dito kami sa living area natulog, hindi kami kasya sa kuwarto, e.


Nakita kong nakapikit sila habang nagsasalita, salamat sa liwanag ng buwan na nag-re-reflect sa bintana namin. May napapaginipan ang mga 'to.


"Papa."

Napatingin ako kay Dallia, tumutulo na ang luha niya. Kailangan magising ko 'to.

"Dallia," sabi ko habang niyuyugyog ko siya, "Dallia."


"Mama!"


Jusme, si Reinard naman ang nanaginip ngayon. Buti nagising si Dennis at niyugyog ang bata.

"Reinard, gumising ka diyan."

"Papa."

Napatingin ako kay Dallia, pati rin kay Reinard. Parehas sila nanaginip ngayon. Umiiyak na si Reinard.

"Please naman, gumising kayong dalawa," sabi ko sa kanila habang niyuyugyog namin ang mga katawan nila. 

"Reinard."

"Dallia."


At sa wakas, nagising silang dalawa. Naghahabol ng hinga.


Tumingin sa akin si Dallia at bumangon, "Mama."

"Okay ka lang?" tanong ko sa kanya. Nakita ko rin na bumangon si Reinard pero nakayuko lang siya.

"Okay lang kayo?" tanong ni Dennis.


Maya-maya, sabay silang umiyak.


"Hinahabol po ako, Mama," sabi ni Dallia sa akin.


"Yong babae, Papa," sabi pa ni Reinard kay Dennis.


Tinignan ko si Dennis, mukhang hindi niya alam ang gagawin. Chineck ko ang phone, my god, 3:30 a.m. pa lang.

"Ayoko na po pumikit, Mama."

Patay tayo diyan, ayaw na matulog ni Dallia. Si Reinard, unting-unti na pumipikit. May pasok pa 'ko mamaya.

"Sure ka bang hindi ka inaantok?" tanong ko sa kanya.

"Opo." Pero, dahan-dahan na pumipikit ang mga mata niya.

Napansin ko si Dennis, hiniga na niya si Reinard. Tinignan niya si Dallia tapos hiniga na niya rin.

Tumingin siya sa akin. "Matulog ka na, may pasok ka pa bukas 'di ba?"

Dear Future KidsWhere stories live. Discover now