THIRTY TWO

19 3 0
                                    


*Year 203x*


"Ano'ng nangyayari?"


Hayan ang naitanong ko kay Dennis nang makarating kami sa kwarto ng mag-asawa. Dito kami pinapunta ni Jesse.


"Hindi ko rin alam," sabi ni Dennis, "pinuntahan na lang ako ni Jesse sa lab saka kami pumunta sa bahay. Hindi naman namin inexpect na tinutok ni Availla ang baril sa'yo. Mabuti na lang, dala niya ang pampatulog."


Pagkatapos, tumingin ako kay Jesse. Nakaupo siya ngayon sa kama habang pinupunasan niya ang mukha ni Availla.


Sa laki ng kasalanan ni Availla, nagagawa pa rin niyang alagaan ang dati niyang asawa.


"Nakipag-usap na ako sa Vice President, sinabi ko sa kanya ang totoo." Napaayos siya nang upo para humarap sa amin.

"Hindi ako sigurado kung may sakit na ba talaga siya sa utak. Alam kong ipapakulong siya ng vice president kapag naka-upo na siya bilang presidente"

"Ano?"

Tumingin siya sa akin. "Hayun siya sa likod mo."


Lumingon naman ako sa likod. Isang babae ang nasa pinto, nakatingin sa amin habang nakangiti.


"Ma-madam Ledes," sabi ko.


Ledesma Roberna. Ang bise presidente ng bansang ito. Unang pagkakita ko sa kanya sa opisina, akala ko hindi ko siya malalapitan hindi dahil sa mga PSG niya. Marami talaga ang nagmamahal at sumusuporta sa kanya. Kahit si Availla, gustong-gusto siya na maging vice president ng bansang ito. Hindi na ako nagtaka kung bakit kinuha siya ni Availla noong eleksyon.


Ano ba ang mangyayari pagkatapos niyang malaman ang mga pinaggawa ni Availla sa bansa na 'to?


"Hello, miss Eri. Kumusta naman kayo ng asawa mo?" tanong niya nang makalapit na siya sa akin.

"A-ayos lang po," sagot ko saka siya nakipag-shake hands sa akin.

"Ang mga anak niyo, ligtas ba sila?"

"Opo, vice president, nasa ligtas na lugar sila," sabi ni Dennis.


Nasa nakaraan sila.


Tumingin siya sa likod namin. "Kumusta naman ang asawa mo, Jesse?"

"Natutulog nang mahimbing, madam."

"Mabuti naman," sabi niya.

Tumingin siya sa akin. "Hayaan niyo, aayusin namin itong gulo ng bansang ito. Kaya naman ligtas na ang mga"

"Makukulong ba si Availla?"


Mahal ko pa rin ang kaibigan ko kahit ganyan ang pinaggawa niyan.


Tumikhim muna siya. "Malaki ang posibilidad na makukulong siya, miss Erillia. Malaki ang haharapin niyang kaso once na bumaba na siya sa pwesto."

Dear Future KidsOù les histoires vivent. Découvrez maintenant