CHAPTER 15:

11.8K 338 21
                                    

ENJOY READING GUYS! :)

CHAPTER 15:

AOME

Pag katapos mag usap nina Nicoline at Abcde, bakas sa mukha nito na may iniisip siya. Wala akong alam sa pag co-comfort dahil una sa lahat: first ever relationship ko ito. Linapitan ko si Dione para kausapin at humingi ng payo tungkol sa kuya niya.

"Ano ka ba Aome, tanungin mo lang siya kung okay lang siya.." napaka nonsense naman ng tanong ko. Oo nga naman, kung hindi okay ang tao diba dapat tanungin. Napaka bopols ko naman.

"No, no no.. huwag sa ganun' paraan. Hayaan mo lang siyang mag open ng feelings niya. Baka mamaya makulitan 'yun at mainis lang 'yun sayo." sabagay may punto si Sarah. Pero gusto ko siyang lapitan, kausapin at kulitin.

Ngunit may pangamba ako, parang nakakatakot talagang sumugal sa pag ibig. May posibilidan na saktan o masasaktan niya ako kahit hindi niya ginusto. 

Saktong pag lingon ko kay Abcde, napatsempo na nakatingin din ito sa akin. Itinaas ko ang kamay ko na para bang sinasabi kong Hi samahan pa ng awkward na ngiti. Ngumiti lang din ito bilang pag tugon. Pero hindi pa rin ako mapakali. Gusto ko talaga itong kausapin.

"Bahala na nga!" bigla kong bulalas na siya namang ikinagulat ni Sarah at Dionne. "Hoy babaita saan ka pupunta??" tanong ni Sarah.

"Saan pa ba?" saad ni Dionne. "Sige Aome! Go! Follow your heart." napangiti ako ng di oras nang sabihin 'yun ni Niel.

Hindi ko ito nakita sa first floor ng bahay, siguro nasa kwarto na ito at nag papahinga. Minabuti kong dalhan ito ng tubig. Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang kumatok sa pintuan.

"Yes? Sino yan?" narinig kong tanong niya, "A-ahh, Abcde ako 'to. Si Aome. P-pwed---."

Hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko at pinag buksan niya na ako ng pintuan. Kahit hindi niya sabihin, alam ko malungkot ito. Kahit na may hawak akong baso ng tubig yinakap ko ito. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko, pero the moment I saw his face.. I just want to hug him.

"Thank you.." bulong nito sa aking kanang tainga. Parang may nag tatambol sa loob ng puso ko. Sobrang lakas nang tibok. Mahal ko na yata siya tanong ko sa aking sarili.

Nauna na akong bumitaw sa pag kakayakap. Tinitigan niya lang ako at kahit papaano naman siguro natuwa siya sa ginawa ko. 

"Kung kailangan mo ng kausap, let me know." ngumiti ulit ito bilang sagot. "Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip mo, pero.. Kaya mo yan. Piliin mo kung saan ka masaya."

Leste! Bakit 'yun ang lumabas sa bibig ko? Paano kung si Nicoline 'yung piliin niya? Saan naman ako pupulutin? Parang ayokong marinig ang mga susunod na lalabas sa bibig nya.

"Aome, pinangu-ngunahan na kita.  Hindi ko alam kung kaya kong panindigan 'tong relationship natin. Noong nakita ko kanina si Nicoline, I want to hug her." 

Ayan na! Level one na 'tong nararanasan ko. Level one pa lang ang sakit na sa puso. 

SECTION ABCD [COMPLETE]Where stories live. Discover now