CHAPTER 21

6.3K 249 19
                                    

2 YEARS LATER...
Dalawang taon na din ang lumipas nang huli kaming nag usap ni Abcde. Since then lumipat ako ng school, pinutol ko connection ko sa kanilang lahat. Lumipat din ako ng tirahan. Pero hanggang ngayon hindi pa ako nakakapag move on. Kamusta na kaya siya ngayon? Sila pa kaya ni Nicoline? Hay... wala yatang araw na hindi ko siya iniisip. Pero tama na rin yung naging desisyon ko na hiwalayan sya. Atleast kahit papaano naging madali para sa akin na tanggapin ang lahat. Yun nga lang ang hirap pag bigla mo syang namimiss.

"Sing lalim ng ocean deep yang iniisip mo, Aome girl!" Si Brandy nga pala, ang bagong kaibigan ko sa school. Sa school bakla sa bahay lalaki.

"Sino na naman bang iniisip mo? Siya na naman ba?" Kumunot ang noo ko bago tuluyang sumagot. "Uyy hindi ahh. Tsaka, past is past. Mas nag fofocus ako sa course ko ngayon. Studies first. Tsaka mag thi-third year na tayo next sem. Baka mamaya pag napuso ako, nganga ang aabutin ng scholarship ko."

Iniikot nito ang kanyang mga mata at nag pout, "Girl,sinabi ko naman kasi sayo na tutulungan kita. Ang besides para saan pa at naging mag kaibigan tayo? Si mama na nga yung nag ooffer eh ikaw lang tong ayaw."

"Brandy.."

"Girl,its BRANDEY. Duh?!" Hay nako,bakla ka talaga.

"Anyway.. girl ha? Sa birthday party ko huwag kang mawawala. "Pwede bang huwag na lang mag attend?"

"Gaga ka ba? Bestfriend kita malamang gusto ko nandun ka. And girl, ready na ako.."

"Ready? Para saan?" Tumayo na animo'y kinukuhanan ng camera. "What are you doing?"

"Modeling? Duh. Girl! Mag laladlad na ako. Isn't exciting?" Umiling na lang ako at ntawa. "Basta, girl.. maraming invited na papa sa party. So, huwag kang mawawala. Okies?"

"Oo na."

2 taon na akong nakikitira kay Brandy. May condo unit ito na hindu naman kalayuan sa bahay namin. At hindi ko rin maitatanggi na mayaman ang pamilya nya. Hindi rin sila matapobre. May kakambal itong babae pero nasa Italy, isang fashion designer. At everytime na umuuwi ito, ako ang ginagawa nilang barbie. Ginagawan nila ako ng damit at binibigay sa akin. Masaya ako dahil kaibigan ko si Brandy.. hulog sya ng langit. Actually silang dalawa ng kakambal nyang si Briana.

"Look oh! Briana sent you something! Let's open it." isa itong malaking box. May letter itong kasama..

"CIAO BELLA! I miss you so much! Wear this dress on Bebe's party. I made it for you.. I love you sissy! See you in 3 days! LOVE, NANA"

"Mahal nyo talaga ako no?" yinakap ako ni Brandy, "Naman girl. Kung di dahil sa mga words of encouragement mo baka, patay na ako sa mga oras na 'to. Kaya ganyan ka ka importante sa amin ni Briana. I owe you a loooooooooooooooot. Ano ba to girl? Mag iiyakan ba tayo?"

Umiling lang ako at ngumiti, "Maraming salamat Brandy."

"Girl, its BRAANDEY! DUH?" nag tawanan kaming pareho.. "Basta ha? Promise mo na nandun ka sa special day ko. Para na rin kasi kitang kapatid. You know Briana is immature, samantalang ikaw eh parang ate ko. Thank you so much gurl.. Tsaka, marami akong MODEL friends doon. Ipapakilala kita."

"Sira, kahit huwag na."

"Bawal tumanggi sa grasya dear. Huwag kang mag alala, ipag babaon naman kita ng nutella. Alam mo na, dami pandesal doon."

"Bakla ka talaga.." ngumiti ito, "I know, right? Let's sleep na.. may exam pa tayo bukas. Pero absent muna ako ha? First subject lang naman.. Huwag ka ng mag tanong kung bakit. Okay? Goodnight sister." bumeso na ito sa akin at pumasok na sa kanyang 'doll house'.

Past 12 na ng humiga na ako dahil nag reviw pa ako. Nasa 28th floor ang condo ni Brandy, kaya madalas pinag mamasdan ko muna ang mga bituin sa langit. Kamusta na kaya si Abcde, miss ko na sila.

SECTION ABCD [COMPLETE]Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα