CHAPTER 6: COMMONER

17.6K 470 11
                                    

CHAPTER 6: COMMONER

KINAGABIHAN

AOME

''Aome, if may gusto ka huwag kang mahihiyang sabihin sa akin ha?'' tanong sa akin ni Dione. Wala akong kamalay malay kung saan kami pupunta. Basta huwag nalang daw akong mag tanong.

Tahimik kaming dalawa ni Dione. Hanggang sa tumigil kami sa isang coffee shop. Simpleng pam bahay lang ang suot ko, wala naman kase akong pang lakad na damit. Dahil sabi ni Dionne hindi ko naman daw kailangan mag suot ng magara. Dahil nakapam bahay din naman siya pero yung suot niya? Parang pang alis na din e.

Imbis kase na ipambili ko ng mga luho ko, binibili ko na muna ng pang kain namin nina Kuya.

''Dionne, ikaw nalang yung pumasok. Hihintayin nalang kita.'' hinila niya yung kamay ko.

''No Aome, sasama ka sa loob. Ano kaba, huwag kang mag alala, libre naman e.'' pag aasure nito sa akin. Pero nakakahiya pa rin.

Sabay kaming napalingon sa likod, at nakita namin si Neil,Sarah,Nicoline at si Abcde. Hinila ko yung damit ko, dahil sa maniwala kayo sa hindi, parang hindi ako bagay sa lugar na 'to. Nanliliit ako.

''Hello Dee, how are you??'' bumeso si Sarah kay Dione.

''Hi pare! Kamusta?'' bati namaan ni Neil dito.

''Don't call me pare, I'm dalaga na kaya. Tsaka we're not close. Like duhhhh!!'' At siyempre si Nicoline tahimik lang at nginitian si Dione.

''Nandito pala si Aome, hi!'' sabay shake hands sa akin ni Neil, at bumeso naman sa akin si Sarah. Samantalang si Nicoline, nakangiti lang sa akin. Pero alam ko deep inside, fake yung ngiti niyang yun.

Pagkapasok namin sa coffee shop, parang naiilang ako. Dahil kung ikukumpara ang suot nila, mukha talaga akong katulong. Hindi ko naman pinapansin, sino ba naman ako para mag stand out?

''Dun tayo umupo.'' sabi ni Dionne. Hindi ako maka atras dahil ang higpit ng hawak niya sa kamay ko.

Nang makaupo na kami, tahimik lang ako. Tumayo kase sila para umorder, since hindi naman ako familiar sa mga kapeng binebenta dun at wala akong pambili, hindi nalang ako sumama. Naiwan kaming dalawa ni Nicoline.

''I believe first time mo sa ganitong klaseng lugar, at for sure first time mo ding makakainom ng mamahaling kape.'' sabi niya sa akin, habang busy siya sa paglalaro ng Ipad niya.

Hindi ako kumibo, dahil totoo naman. First time ko sa ganitong lugar. Pero wala naman kaso sa akin kung hindi pa ako nakakatikim ng mamahaling kape. 3 in 1 lang solve na ako.

''You're such an eye sore Aome. Tsaka, why you're so poor?'' napangisi ako nung sabihin sa akin yun ni Nicoline.

''Then what are you?''

''A walking Barbie doll. Duh?'' sabay ikot niya ng mata niya.

SECTION ABCD [COMPLETE]Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα