CHAPTER 17

9.4K 321 66
                                    

ABCDE'S POV

Pumasok na ako sa bahay at dumiretso sa kwarto ko. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin. Gusto kong humingi ng dispensa pero hindi ko na yata kayang harapin pa si Aome dahil pakiramdam ko wala na akong mukhang maihharap sa kanya.


"Bakit mo pa kasi pinipigilan yung sarili mo kung alam mo na sa sarili mo na gusto mo na s'ya? Tapos ngayong may kasama s'yang iba at masaya gumaganyan ka? Sorry hindi na ako kumatok pa, dahil kailangan kong humiram ng glue." napabuntong hininga ako bago tuluyang tumayo at kinuha 'yung glue sa study table ko.


"Stop saying nonsense Dionne. Its not what you think.. I'm just.. concerned. Yun lang." napailing ito tila ba hindi kumbinsido sa sinabi ko. "Concern? Or jealous?"


"Hindi. Lumabas ka na muna dahil wala ako sa mood makipag kulitan."


"Yahiro is a nice guy kuya. And I think he is planning to.. alam mo na."


"What did you just say?!" tumawa ito bilang tugon. "Hindi n'ya pwedeng ligawan si Aome, dahil ako na ang boyfriend n'ya."


"Sana hindi ka lang puro salita kuya.. Sana sa gawa din at sana panindigan mo hindi yung pinapaasa mo yung tao. Goodnight. Gumawa ka ng paraan kung ayaw mong maagaw s'ya sayo ni Yahiro. Swallow your ego bro or else mawawala s'ya sayo." pag kalabas ng kwarto ni Dionne napaisip ako.


Pag dating sa pag ibig nagiging mangmang talaga ako.


KINABUKSAN

AOME'S POV

Pinag masdan ko ang magang mata ko sa salamin. Kahit naman kasi papaano nasaktan ako sa mga sinabi sa akin ni Abcde. Oo alam ko naman na mahirap ako pero hindi n'ya naman kailangan ipamukha 'yun sa akin.


Parang ayoko tuloy pumasok ngayon dahil gusto ko muna s'yang iwasan. Pag kalabas ko ng kwarto sumalubong agad sa akin si Abcde. Bahagya kaming nag ka tinginan pero mabilis akong bumaba ng hagdanan dahil alam ko kakausapin n'ya ako.


"Mauna na ako." paalam ko kay Dionne na noo'y nag aalmusal. "Hindi ka sasabay?" nanlamig ang buong katawan ko nang sabihin 'yun ni Abcde. Tumalikod na ako bago sumagot.


"Hindi na. Kaya ko ang sarili k--." naputol ang sasabihin ko nang bigla n'yang hilain 'yung kamay ko. "Wait for me. Kukunin ko lang 'yung susi.. Sabay na tayo, besides wala naman akong ganang kumain."


Napatingin ako kay Dionne na noo'y naka kagat sa kanyang tinapay at nakangiti. "Hindi na.. mauuna--" Muli na namang naputol ang sasabihin ko nang mapatingin ako mukha n'ya.


Shet! Bagong gupit pala s'ya. Ang gwap-- teka nga! Dapat galit ako. Dapat hindi ko na aappreciate yung kagwapuhan n'ya. Nang makasakay na kami sa kotse n'ya. Hindi ko ito kinikibo.


Nakita kong papalapit ito sa akin. Aba! Akala yata ng mokong na 'to kaladkarin ako at makukuha n'ya ako sa halik? "A-anong ga--ga-win..."


May kinuha ito sa back seat. "I'm sorry about yesterday."


SECTION ABCD [COMPLETE]Where stories live. Discover now