You To Me Are Everything

3 0 0
                                    


"Miss Diaz! Miss Diaz!"

"What the, Sic! Problema mo ba?" tanong ko sa co-teacher ko. Buti nalang talaga tapos na ang klase. Paano ba naman kasi, narinig kong nagsisisigaw at nakita kong patakbo papasok dito sa classroom ko. Napaka-unprofessional nun.

"May chismis ako." hingal na sabi niya. Nang ma-spot-an pa 'yung bottled water ko ay kinuha niya't binuksan tsaka ininom.

Napasapo nalang ako sa noo ko. Ano ba 'tong taong 'to. Napaka talaga.

"Oh, ano? Para namang importante 'yang chismis mo at talagang parang ikamatay mo pa." nakakunot noo kong sabi habang nagsusulat ng lesson plan para bukas.

Kumuha siya ng mauupuan at ipinwesto sa harap ko tsaka nagsalita ulit.

"Kita mo naman 'yung malawak na area sa likod diba?" tanong niya. Seryoso ba?

"Malamang. May mata kasi ako." pabirong tugon ko.

"Ay, wow. Talaga ba? Tatawa na ba ako?" tinignan ko lang siya nang masama at inirapan.

"Iyang chismis mo bang 'yan Mr. Abellana ay importante talaga? Kasi kung hindi naman, mabuti pa't magsulat nalang tayo ng lesson plan." sabi ko sa kanya. Mukhang ang dami niyang time para sa mga ganyan eh at nakakalimutan niya na responsibilidad niya bilang isang guro.

"Ay, walang bilib. Ako pa ba ha, Ryzell? Reliable kaya mga sources ko." mayabang na sabi niya. "Tsaka tapos na akong magsulat ng lesson plan 'no. Ako pa ba?" dagdag pa niya.

Ang yabang.

"Dami mong sinasabi. Sabihin mo na. Anong meron sa malaking area dun sa likod?" sabi ko tsaka binitawan ang ballpen na hawak ko tsaka sumandal sa inuupuan ko.

"Tatayuan daw 'yun ng new classroom building." sabi niya na parang ikakagulat ko ang sinabi niya.

"Oh, tapos? Ano naman? Mabuti nga 'yun eh. Tsaka di naman chismis yan eh. Fact yan. Alam ko na 'yan nung isang araw pa. Akala ko naman kung ano na. Umalis ka na nga lang." sabi ko at kinuha ang ballpen ko ulit.

"Epal na 'to. Di pa kasi ako tapos. Tsk. Alam mo ba sinong engineer ang hahawak ng project, ha?" napakunot lang ang noo ko habang tinitingnan siya.

"Sic, anong pakialam ko? Labas na ako dyan. Di naman ako involve sa paggawa ng new building eh." Totoo naman. Kailan ba naging involve ang isang guro tungkol sa mga construction chuchu na 'yan?

"Ang slow nito. Tsk. Wala kang kilalang engineer kung ganun?" mas ikinakunot ng noo ko ang sinabi niya.

Bakit ba? Ano naman kung meron?

"Oh, kita mo. Kunwari pang walang naaalala." napairap niyang sabi.

"Walang kwenta naman 'yang chismis mong 'yan, Sic. Tantanan mo na nga lang ako." sabi ko tsaka napairap nalang din bilang ganti.

"Si Simoun Agustin. Siya 'yung engineer na hahawak ng project. Oh, first love mo 'yun di ba?" sabi niya nang may mapanuksong ngiti.

"As if naman talaga. Chismis nga yan." natatawang sabi ko nalang. Malabo, eh. Nag-abroad 'yun ah. Parang wala na nga yatang planong umuwi.

"Ayaw maniwala." natatawang sabi niya. "Di ba kapani-paniwala?" pang uudyok pa niya.

"Sic, malabo 'yun. Hibang lang ang maniniwala sa chismis na yan." napailing kong sabi.

"Sinasabi mo bang hibang ako? Nakita ko kaya siya kanila lang. Ayaw mo pa rin maniwala?" sabi niya na parang na-offend sa sinabi ko.

"Oh, tapos? Pakialam ko nga?" sabi ko at tiningnan sa mata.

"Ay, weh? Di ka affected?" sabi niya nang napalaki mata niya. Di yata makapaniwala sa reaction ko.

"Ba't naman? Tagal na nun." sabi ko. Totoo naman kasing matagal na 'yun. Jusko. Kaya ba siya ganyan kasi nagseselos siya? Natatakot na baka balikan ko 'yun? Tsaka asa namang babalikan din ako nun? Napailing nalang ako sa mga naiisip ko at natatawa.

"May bago na bang nagpapatibok ng iyong puso?" nagpipigil ngiti niya pang sabi at napaiwas ng tingin.

Napailing nalang ako at natatawa sa inasta niya.

"Anong bago pinagsasabi mo? Dugo pa rin nagpapatibok nito." sagot ko lang sa kanya at napailing na natatawa pa rin.

"Ang talino. Nakaiwas agad." sabi niya at sarkastikong napangisi. Parang napikon nang di ko masabayan kaharutan niya.

Tsaka, bakit? Dugo naman talaga nagpapatibok ng puso ah. Science-based lang.

"Alis na." sabi ko nalang. Di pa rin siya kumikilos sa pananaboy ko sa kanya kaya tinignan ko siya nang nakataas ang dalawang kilay senyales na ano pang hinihintay niya.

Napangiti nalang siya at tumayo tsaka nagsalita.

"Magseselos na sana ako, kaso naalala ko ako na pala mahal mo." pilyong sabi niya.

"We're in school, Sic. Bibig mo. Marinig pa ng mga batang dumadaan dyan sa labas eh." pagsuway ko sa kanya.

Napagkasunduan kasi namin right after nung sinagot ko siya na kapag nasa trabaho ay hindi dapat pinag-uusapan ang relasyon namin. Dapat kapag trabaho, trabaho lang.

"Masama bang maging vocal ako sa feelings ko sayo kahit ngayon lang? Tsaka totoo naman diba? Ako na love mo. Unless nagbago na talaga nung narinig mo pangalan ng first love mo." naka-pout niyang sabi na parang nagtatampo. Napairap nalang ako. Tsk. Parang bata eh.

"Seriously, Mr. Abellana?" napataas kong kilay na sabi.

"Oo na. Aalis na." sabi niya lang bilang pagsuko tsaka natatawa. "Sabay tayo mamaya, ah. Dinner tayo tsaka hatid kita sa inyo." dagdag pa niya.

"Depende." tanging sabi ko. Baka kasi matagal pa akong matapos. Ayoko namang sa bahay gawin kasi madi-destruct lang ako dun.

"Depende ka dyan. Di mo na talaga ako love." nagtatampo niyang sabi. Napangisi napang ako. Parang tanga talaga 'to eh.

"Talaga ba, Sic?" tanging sabi ko lang.

"Oo na. Wala talaga akong laban sayo pag usaping trabaho at tungkol sa school, eh" naka pout na sabi niya tsaka pilyong nakangiti. Baliw talaga.

"Then, do the same." nakangiti kong sabi nang nang-aasar.

Nakangisi na siya ngayon at nakuha na niya ang pinunpunto ko. Pero humirit pa talaga siya.

"Huy, Ryzell Marie Diaz! Walang depende-depende ah." sabi niya sa akin na parang mag tropa lang kami sa sinabi niya, which is good. Napangiti ako dun sa HUY niya. "Aabangan kita sa labas 'no. Wala kang takas." nakangisi niya pang sabi tsaka tumayo at naglakad palabas.

"Bahala ka." sabi ko nang nangpipikon.

"Bahala ka din. See you later, alligator! Labyu!" sabi niya tsaka nag wink. Sisitahin ko pa sana siya sa sinabi niya kaso kumaripas na paalis at nawala na sa paningin ko. Tsk. Bibig nun talaga.

Pinagpatuloy ko na ang ginagawa ko at napangisi tsaka nailing sa huling sinabi niya.

Ewan ko sayo, Sic Jairus Abellana!

The Story of Music (One-Shot Stories)Where stories live. Discover now