Singing in the Rain

41 1 12
                                    


"Nakakabadtrip naman, oh!" Sabi niya habang pinapa-dribble ang hawak na bola at panay hagis para i-shoot ngunit sablay. Tsk Tsk.

Siya si Rain, isang binatang mula nang magising siya ay badtrip na. Nakakunot-noo na parang galit agad sa mundo pagmulat niya. Hindi niya alam kong anong meron at kay aga-aga ay sira na agad ang araw niya. Kaya naisipan niyang pumunta sa mini-basketball court ng bahay nila. Mas nagiging badtrip nga ito dahil ayaw ma-shoot nung bola. Panira nga naman.

"Ano bang problema mo't ayaw mong pumasok sa ring?!"

Sabi niya sa bola habang pilit at paulit-ulit paring hinahagis papuntang ring na akala niya yata ay sasagutin siya. Kung nakakapagsalita lang talaga ang bola, siguradong ba-bounce ito papunta sa kanya at masasaktan siya.

"Argh! Nakakabwisit na, ah!"

Pagsasalita niya ulit habang pinapatalbog ng malakas na halos lumipad ito papuntang langit. Pwede ba 'yun? Pero, hindi parin siya natinag at ipinagpatuloy.

Mag-iisang oras na rin at mukhang sa wakas ay tinigilan na ang pagso-shoot sa bolang ni-isang shoot ay wala talaga.

"Anong meron sa araw na 'to at parang hindi sang-ayon sa'kin ngayon?"

Litanya na naman niya. Iniisip niya talagang malas siya sa araw niya.

"Magpahula kaya ako. Sana swertehin."

Kaya, naisipan niyang magpahula. Talagang alalang-alala siya sa pagkabadtrip niya. Mukhang siyang buntis na bad mood. Naisip niya na talagang magpahula dahil sa tingin niya ay hindi na 'to normal para sa kanya. Tsk tsk.

Kaya sinimulan niya ng buhayin ang makina ng sasakyan niya nang di ito gumana.

"Ay, bwisit na buhay talaga!"

Napapamura niyang likramo habang nakakamot sa ulo na nagugulo na at nakasimangot. Sinipa-sipa niya pa 'yung sasakyan niya. Sige lang, sino bang masasaktan? Sa tanda ba naman ng kotseng 'yun na ipinama pa sa kanya ng lolo niya. No wonder. Mukhang ramdam na ramdam niya ang pagkamuhi ng universe sa kanya.

Ilang sandali pa ng kanyang pagtitimpi ay sumigaw siya.

"Anong problem mo, universe?! Anong meron?! Ba't ang malas-malas ko?!"

Sa kakasigaw niya nun nang paulit-ulit, di niya alam na may mga nakakakita sa kanya at nakakarinig. Hindi naman kasi ganun ka sarado ang gate nila, kaya kitang-kita kung anong ginagawa niya sa labas ng bahay nila ngayon. Iniisip nga ng mga tao na baliw na daw ito. Nabaliw na nga siguro.

Matapos ang mala-darnang sigaw niya ay hindi parin niya pinigilan ang sariling magpahula. Malay niyang baka pagkatapos ng hula eh swertehin na siya. Sana nga naman. Kaya iniwan niya na ang kanyang kotseng mala-dekadang paghihirap ang naranasan.

Pagkarating niya sa manghuhula malapit sa simbahan ay pumasok agad siya sa tent at tinitignan ang loob ng tent. May kung anong aksisoryang nakabitin, halos pula at itim ang kulay ng mga gamit. Nasa isip niyang mali yata ang napuntahan niya. Baka mangkukulam ang napuntahan niya. Patay!

"Anong maipaglilingkod ko sa'yo?"

Tanong sa kanya ng isang babaeng may edad na singkwenta na nakaupo sa di kalayuang bahagi ng silid doon sa gitna na may parang kurtinang itim na nakabitin. Di mo talaga makikita ang nasa loob nun kung di ka lalapit dahil sa sobrang dilim.

Matapos niyang pasukin kung nasaan naroroon ang manghuhula ay pinaupo na siya at sinimulan na ang panghuhula. Una, ipinalahad ang kamay niya.

"Wala akong makita, eh."

The Story of Music (One-Shot Stories)Where stories live. Discover now