She's The One

3 0 0
                                    

"So, how is it? Anong lasa? Masarap?" tanong ko sa bestfriend ko. Kailangan ko ng approval niya sa bagong recipe na ginawa ko para idagdag sa menu ng restaurant na mina-manage niya.


"Oh, my! What's this?" nakakunot noo niyang sabi matapos tikman. Mukhang di nasarapan. "Hindi ba masarap?" naka-pout kong sabi sa kanya.


"Hell, no! I mean, masarap kaya. Wag ka ngang OA dyan. Pinagtitripan lang kita." nakangisi niyang sabi. Langya.


"Magseryoso ka naman, Iana. Siraulo. Ako kinakabahan sayo, eh." nakakunot noo kong sabi. "Ulol. Malaki tiwala ko sayo 'no. Di mo naman siguro ipapahamak ang mga customers di ba? Di mo naman sila lalasunin?" nang-aasar pa niyang sabi.


"Mas ayaw kitang ipahamak. Kung papalya ako, it's your downfall. Sayang effort mo dito kaya gagalingan ko." rason ko. Ipinagkatiwala kasi sa kanya ng ate niya itong bagong branch ng restaurant.


"Aw." tili niya tsaka ako niyakap. "Swerte ko naman sayo." sabi pa niya tsaka hinalikan ako sa pisngi. Tsk. Abala.


"Takot lang din ako kay Ate Louisa kapag pumalya ako, 'no. Feeling." sabi ko habang pinapahiran 'yung lipstick niya na dumikit sa pisngi ko. Kadiri.


"Luh, nakiki-ate. Ate mo, ate mo? Feeling ka din." napataas ang kanyang isang kilay pagkasabi niya noon.


"Syempre. Pinaplano na ni kuya Cloud ang kasal nila. Kaya soon, she's going to be part of our family. Magkakapareho na rin kami ng apelyido. So, magiging ate ko na rin siya. Kaya wag kang spoiler. Secret lang natin 'to."sabi ko sa kanya nang nakangisi tsaka pinagtaas-baba ang dalawa kong kilay.


"Whatever, dude." sabi niya at napairap.


"Oh, saan ka pupunta?" tanong ko nang lumakad na palabas. Ano, iiwan niya 'ko bigla?


"Ah, may date ako." masayang sabi niya. Tangina. Na naman? Ang dami niyang time sa pakikipag-date, ah. Napailing nalang ako. "See you, tomorrow. Bye. Love you, Ulan!" tsaka umalis.


"Ay, puta! Depress ka 'tol?" natatawang sabi sa'kin ni kuya Sky. Nakita niya kasi ako dito sa kusina na kumakain mag-isa. Kapag kumakain, depress na? Di ko na lang siya pinansin.


"Ano ba problema, ha? Gusto mo tawagin ko si kuya Cloud?" concern na sabi niya ngayon.


"Sus, wag na. Disturbo pa, eh. Busy 'yun." sabi ko habang kumakain.


"Sige, edi ako nalang. So, what is it pansit? Hirit." pangloloko pa niya kaya napangisi ako nang bahagya. Siraulo. "Ano nga? Parang tanga, eh. Dali na." pamimilit niya. Chismoso. Amp.


"Wala nga kasi." sabi ko habang uminom ng juice.


"Ah, alam ko na." naningkit ang mata niya at talagang mang-aasar lang. Style bulok. "Nagseselos ka 'no?" pinataas-baba pa niya ang kilay niya. Nakakunot-noo ako sa sinabi niya. Selos? Ba't ako magseselos? Saan? Kanino?

The Story of Music (One-Shot Stories)Where stories live. Discover now