Friend of Mine

8 0 0
                                    

Nakita kita.
Nakita kita sa harap ng altar.
Hinihintay mo ang iyong magiging katuwang mo sa buhay.
Ang ganda ng porma mo.
Maganda ang bride mo.
Sobrang bagay kayo.
Pareho kayo.
Parehong may mga ngiti ang mga labi niyo.
Na para bang wala ng makakatumbas pa na kahit na ano sa saya na nararamdaman niyo.
Medyo maluha-luha pa kayo.
Napagtanto kong may kalungkutan ba,
O baka sadyang nag-uumapaw lang talaga ang inyong saya.
Nang maabot mo na ang kamay na ipinagkatiwala ng kanyang ama,
Napamano ka bilang pangakong aalagaan mo ang pinakamamahal na anak niya.
Muli mong nasulyapan kung gaano kaganda ang magiging misis mo.
Na wari'y isang panaginip lang para sayo na ngayo'y nagkatotoo.
Wala akong ibang nakita sa kabuoan mo.
Sadyang napakasaya mo lang at iyo'y sa akin nakakapagpakontento.
Ngayo'y kayong dalawa nangangako sa harap ng Maykapal.
Nangangakong habambuhay na pagmamahal.
Pagmamahal na tanging sa bawat isa lang ilalaan.
Mag mula noon, ngayon at magpakailanman.
Habang isinusuot mo sa kanya ang singsing,
Di ko maiwasang mapahiling.
Na sana ako na lang.
Ako yung susuotan mo ng singsing.
Pero hindi iyon kailanman mangyayari.

"Mahal mo?"

Di ko namalayang sa layo ng tanaw ko sayo,
May nakakita pala sa'kin na di ko man lang napagtanto.
Di ko siya sinagot at sadyang pinahiran na lamang ang pagtulo ng aking mga luha.

"Mahal mo nga."
Pagkokompirma niya.

"Bakit di mo pinigilan?"
Tanong niya ulit.

Napatingin akong muli sa inyo na ngayo'y magkadampi ang mga labi.
Wala akong ibang nagawa kundi ang mapangiti.

"May magbabago ba kapag pinigilan ko ang kasal nila?"
Sagot sa tanong niya.

Napatingin ako sa taong 'yun.
Di ko alam kung sino siya.
Pero nakadamit pang-abay ito't pakiwari ko'y padrino mo siya.

Napatahimik siya sa sagot ko.
Siguro'y napagtanto niyang wala ang sagot sa tanong ko.

Mahabang katahimikan ang nangingibabaw sa aming dalawa dito sa labas ng simbahan habang pinapanood kayong magkahawak kamay na lumabas sa pintuan nito.

"Hindi ko siya kayang pasayahin kagaya ng binibigay na kasiyahan ni Rissil sa puso niya."
Tanging sambit ko habang pinapanood ko kayong masayang sinabuyan ng mga talulot ng bulaklak ng mga bisita.

"Sinabi mo sa kanyang mahal mo siya."
Nagsalita na naman siya na di ko alam kung nagtatanong ba ito o ano.
Hindi ko alam kung bakit pa siya nanatili sa tabi ko't pakiwari ko'y pinapakiramdaman lang ako.

Napangiti ako sa sinabi niya't napasulyap sa kanya.

"Sinabi ko."

"Kaya lang, di ka niya narinig."
Sabi niya.

Nagulat ako nang sabihin niya 'yun na tila'y alam niya ang kwento nating dalawa.

"I was there all along while you were confessing to him."
Pag-aamin niya.
Bumalik 'yung ala-alang umamin ako sayo.
'Yung panahong gusto kong malaman mo na mahal kita.
Mahal na mahal kita.
Pero di mo narinig.
Kasi nang sabihin ko 'yung mga salitang 'yun,
Biglang tumunog ang telepono mo't nakita ko kung paano mo ginuhit ang mga ngiti sa labi mo nang makita kung sino ang tumatawag sayo.
Kasi 'yun din ang araw na pinakilala mo siya sa akin.
Pinakilala mo ang taong pinakasalan mo ngayon.

"Ang pathetic 'no?"
Napangiti ako nang mapakla matapos sabihin 'yun.
Habang tanaw ko kayong sumakay na sa sasakyan niyo papuntang reception.

"No. It's just that, you guys aren't really meant for each other."
Sagot niya habang nakatanaw din sa inyo.

Ngayo'y nakatingin na ako sa kanya.
Nang matagal.
At napagtanto kong medyo magkahawig kayo.
Napaiwas ako ng tingin nang bumaling siya sa akin.

"I gotta go."
Sabi ko na lang at nagsimulang maglakad.

"Di mo man lang ba iko-congratulate ang bestfriend mo?"
Tanong niya na ikinahinto ko sa paglalakad.

Napabaling ako sa kanya't napangiti.

"Alam na nun kung gaano ako ka saya para sa kanya. At sa palagay ko, mas mabuting lumayo na muna ako sa kanya. Gusto kong sa muling pagkikita namin, hindi na kasing sakit sa kung anong nararamdaman ko ngayon."
Sabi ko.

Pero alam mo ba kung ano ang sinabi niya?

Wala.
Wala siyang sinabi kundi ang ngumiti nang may kung anong panghihinayang.

Di na ako nagtagal pa at umalis na.

Di ko man lang natanong kung sino siya.
Kung bakit nandun siya sa kasal niyo ng mahal mo.
Kung bakit alam niyang sinabi ko sayo na mahal kita.
Kung bakit di man lang niya sinabi sayo 'yun kung narinig niya.

Sino ba siya?

Hindi ko man alam pero isa lang ang alam ko.
Alam kong mahal kita.
Ikaw lang.
At masakit man ngayong makita kang masaya sa iba.
Matatanggap ko rin 'to lahat.
Di man ngayon, baka bukas.
At sa susunod pang bukas.

--------------------
Mahirap makita na ang taong akala mong maghihintay sayo sa altar, ay ngayon naghihintay sa kanyang bride habang palapit ito nang palapit sa kanya. Mas masakit makitang hindi ikaw ang hinihintay niya.

Pero wala kang magawa. Wala. Kasi, hindi ikaw ang nagpapasaya sa kanya. Hindi na.
Kahit naman na tumutol ka sa kanila, wala pa rin namang magbabago.

Kapag ba sisirain mo ang kasal nila, mamahalin ka na rin niya?
Kapag ba ginulo mo sila, matutuwa ba siya?

Hindi.

Kasi kung mahal mo ang isang tao, hahayaan mo siyang maging masaya. Kahit pa na sa piling na ng iba.

Kasi kung totoong nagmamahal ka, hindi ka makasarili. Love isn't like that.

Love makes sacrifices.
Na kahit pa 'yung kaligayahan mo ang kapalit, mapasaya lang yung taong mahal mo.

Call it martyr. Pero yun ang tama.

The Story of Music (One-Shot Stories)Where stories live. Discover now