Chapter 15

201 8 0
  • Đã dành riêng cho Bghenz
                                    

Zach Cedric POV

Nagkaroon ng sekretong pagpupulong ang matataas na opisyal sa aming emperyo. Sa pamumuno ng aking ama.

Kasama ako dahil sa kailangan daw nilang malaman kung sang-ayon ako sa plano nila.

Ang una ay tungkol sa lagay ng apat na emperyo.

Nagbago ang usapin ng magsimulang magsalita ang punong ministro.

"Ipagpaumanhin niyo po Mahal na Haring Cyprus, nalaman ko sa aking alagad na pinahintulutan ng mahal na reyna na pumunta ang prinsipe sa mundo ng mortal. Ang lalong ikinagulat ko ay kasama pa ang mahal na reyna sa paglalakbay. Iminu-mungkahi ko na tanggalin mo na siya sa posisyon niya bilang Reyna." Sabi ng punong ministro. Lahat ng mungkahi niya ay natutupad.

Hindi nagpakita ng kahit na ano mang emosyon si ama.

"Matanggal man sa posisyon ang aking Reyna, hindi maaalis sa kanya na ako ang asawa niya at siya ang nag-iisang reyna ko. Ina nang aking tatlong anak." Sabi ni Ama

Pumapayag ba siya sa mungkahi ng isang punong ministro. Nanatiling tahimik ang iba.

"Maninirahan siya kasama ng inyong magulang, King Cyprus." Masyadong ng nagmamagaling ang punong ministro.

Magsasalita na sana ako para tumutol sa punong ministro, nang sumang-ayon ang aking ama sa mungkahi ng punong ministro na nagmamarunong sa batas.

"Tama ka, kailangan panagutan ng aking Reyna ang ginawa niya. Dapat maging maganda siyang halimbawa. Pero ano itong ginawa niya. Ginagawa niyang katawa-tawa ang sarili niya." Si ama ang lahat ng nagsabi niyan. Hindi ako makapaniwalang magagawa at masasabi niya ang mga ito kay ina.

"Pero ama, hindi ka dapat pumayag sa mungkahi ng punong ministro." Sabi ko kay ama kahit nasa oras pa rin ng pagpupulong.

"Si Prince Cedric, ay nararapat ng hanapan na ng mapapangasawa nang maging isang responsable siyang prinsipe. At hindi gumawa ng bagay na ginagawa ng isang mangmang. Dapat isipin niya ang ikabubuti ng limang emperyo. Lalo na at hindi ito kompleto." Sabi ulit ng punong ministro. Naging maingay ang mga nandito.

"Anong nangyari, bakit hindi na kompleto ang limang emperyo. Paano kung magkaroon ng digmaan at sumugod ang Demon King." Lalong naging maingay dahil sa sinabi ng isang matandang ministro.

"Di ba, matagal ng nawala ang emperyo ng demon King."

"Magsi-tigil kayong lahat." Pinatatahimik ni ama ang lahat sa pagpupulong dahil nagkakagulo na ang lahat.

"Mukhang sasang-ayon ang lahat sa panibagong mungkahi ko. Na ipag-isang dibdib ang prinsesa mula sa nag-iisang emperyo na tumigil maglingkod sa Walbrydge Empire. Ito na ang oras para ang lahi ng Xerxes Empire ay makasama rin sa isang pamumuno."

"Tama ang punong ministro." Pagsang-ayon nang nakakarami sa lahat.

Pero si ama ang masusunod.

"Talagang pinapahanga mo ako ng tunay, punong ministro" Sabi ni ama. Hindi, pati siya sumasang-ayon din.

"Ama, hindi po tamang kayo ang pipili sa mapapangasawa ko." Ang pagtutol ko sa mungkahing ipakasal ako sa prinsesa ng Xerxes Empire.

"Mas ikabubuti ito sa lahat ng immortal na nabubuhay ngayon." Sabi ng punong ministro.

"Kailangan maging buo ang limang emperyo para maging matatag ang lugar natin laban sa kung ano man digmaan ang darating." Talagang kontrolado si ama ng punong ministro. Siya ang napapaikot.

"Darating po ang prinsesa ng Xerxes Empire mamayang gabi." Anang punong ministro.

"Magandang hakbangin ang pagdating ng prinsesa ng Xerxes Empire para ipakilala sa mahal kong anak na si prinsipe Cedric." Sabi ni ama.

Between Love and Boundaries Book1:  The Forgotten MemoriesNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ