Chapter 25

105 5 1
                                    

Lexine POV

Pagmulat ko ng mata.

Nasa isang kwarto ako ng kulungan.

May kadena ang kamay ko at paa.

Basang basa ang buo kong katawan sa tubig.

Nagugutom na rin ako.

"Ikaw, gusto kang makausap ni king Cyprus." Tinatadyakan ako pagkatapos sabihin ang gusto niyang sabihin.

Tumingin ako ng masama sa kanya.

"May laban ka ba. Baka gusto mong iharap kita sa hari na isa ng malamig na bangkay." Tapos dinuraan ako ng pangit, bakulaw, tsonggo o malahalimaw na lalaking to.

Marahas akong hinila ng pangit na ito.

"Bakit di mo gawin. Para naman sumunod ka na rin sa akin."

Hinila ang kadena ko kaya naman napasubsob ang mukha ko.

Ganito ba nila itrato ang isang babaeng nagmamahal sa prinsipe.

Gusto ko na talagang umiyak sa naging sitwasyon ko ngayon.

Pero hindi ito ang oras para pang hinaan ng loob.

"Ano hihiga ka na lang ba jan. Wag mo ng asahang may tutulong na iba sayo. Tsk... Ang prinsipe, pinaglalaruan ka lang niya."

"Laruan, kaya pala halos patayin niyo ako sa galit dahil sa prinsipe. Kung laruan ako. Bakit pa niyo kailangang gawin ito sa akin. Na parang isa akong malaking balakid sa prinsesa." Tumayo ako, para masabi ang gusto ko.

"Hindi kami papayag na isang tulad mo lang ang tatapat sa prinsesa."

"Nasabi mo rin ang totoo."

Sa suot ng bakulaw na ito. Ang nagsasabi sa akin na hindi siya taga Walbrydge Empire.

Pumasok yung kapatid ng prinsesa na kumuha sa amin kahapon.

Nag-salute ang bakulaw sa lalaki.

"Wag mong masyadong pahirapan ang bihag natin. Gusto kong makita ni Cedric na isang basahan ang gusto niyang ipalit sa kapatid ko." Hinawakan ng lalaki ang mukha ko.

Tinalsikan ko siya ng dura ko.

"Yan lang ba ang kayang mong gawin. Kawawa ka naman. Dahil masyadong mataas ang gusto mong kunin. Ang langit ay hindi humahalik sa lupa. Mas bagay sayo ang tapak tapakan."

Tapos hinila niya ako. Para makasunod sa pupuntahan niya.

Hinarap lang naman ako sa hari at reyna.

"Bakit kailangan pang manyari sayo ang bagay na ito?" Nag-aalala ang reyna sa akin.

"Wag kang maawa sa babaeng gusto mong ipakasal sa anak natin. Isa lang siyang basura." Walang pusong sabi ng hari sa reyna. Talaga bang hindi magbabago ang isip niya tungkol sa akin.

"Ang basurang tinutukoy mo. Ay siyang pinili ng anak natin. Wag mong pilitin ang anak natin sa babaeng hindi ginusto ng ating anak. Ganyan na ba katigas ang puso mo. Malayong malayo ka na sa lalaking pinakasalan ko dati. Isa kang mapagmahal na ama at asawa, ngayon isang haring binago ng kapangyarihan niya na maging makasarili at gusto lamang ay personal na interest. Ano bang nangyari sayo Cyprus?"

"Iniisip ko lang ang mas ikabubuti ng ating anak."

Tumayo at lumapit ang hari sa akin.

"Andito na po King Cyprus ang prinsipe. Kasama ang princess Xerxes." Sabi ng kawal sa labas.

"Papasukin mo."

Lumingon ako sa likod ko. Nagbukas ang pinto.

Pumasok ang Prinsesa Astraea. Kasunod ang Prinsipe.

Between Love and Boundaries Book1:  The Forgotten MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon