Chptr 9

530 20 5
                                    

Regine

Ilang araw na kaming nag iiwasan at parang wala na akong pake sa kanya, pero ayoko siyang nakikita na umiiyak. Nakikita ko tweets niya na sobrang nasasaktan na daw siya sa nangyayari samin pero bakit ang tigas ng puso ko, para bang may umaawat sa akin. Hindi ko maipaliwanag, masakit. Nasasaktan din ako ng sobra dahil kasalanan ko 'to, pero hindi ko alam kung bakit hindi ko siya magawang kausaping muli. Parang ang relasyon nalang namin ay para nalang kila nate. Nasabi ko na kay nate ang about dito at umiyak siya sa harap ko dahil nga ayaw niya daw na magkahiwalay kami ng daddy niya. Nilalapitan ako ni Ogie minsan at hinahalikan sa noo, pero hindi ako kumikibo. Para 'kong bato, manhid na manhid ako. Si Nate gumagawa ng paraan para magdikit kami ng daddy niya, para magbati kami. Nasasaktan na ako pero parang... eh basta.

Nate: Mom, tulala ka na naman po.

Regine: Sorry 'nak.

Nate: Mommy, alam ko po na about sa inyo ni daddy 'yang iniisip mo. Mom, magbati na po kasi kayo, almost two weeks na po kayong hindi okay.

Regine: Eh anak. Suko na yata si daddy kay mommy.

Nate: Mommy naman po. Love niyo po ba kami nila Malia?

Regine: Of course. Maghiwalay man kami ni daddy, mahal namin kayo.

Nate: Mommy, no po please. Ayaw ko po.

Regine: To be honest, kuya. Nahihirapan na din ako na ganito kami. Umiiwas na rin ako para sa oras na bumitaw na siya, hindi na ganun kasakit.

Nate: Mommy..

Humagulgol siya ng iyak at yumakap sa akin.

Nate:Please mommy. Ako na po kakausap kay daddy.

Regine:No anak, need din namin mag-usap. Pangako, aayusin ko 'tong gulo na pinasok ko. Aayusin ko 'to kuya. Ibabalik ko yung sigla ni daddy. Promise ko yan.

Nate: Yes please, mommy.

Regine: Promise yan ni mommy. For now, ligo ka muna. Labas muna 'ko ha.

Nasa kwarto niya kasi ako, ginising ko siya kasi may school.

Paglabas ko ng kwarto niya, bumalik ako sa kwarto namin at naabutan ko siyang nasa veranda, umiiyak. Lagi na siyang ganyan, pag gising niya umiiyak siya, laging tulala. Nasasaktan ako pero parang ayoko na?

Regine: Hello babies. Love you both.

Naririnig ko siya na humihikbi.

Regine: Asus, eight months na sila bukas. Ano gusto niyang mga yan, bibilhin ni mommy. Asus, ano gusto.

Kinausap ko lang yung twins at maya maya biglang pumasok si Nate.

Nate: Hi mommy. Hello daddy, i love you. Good morning.

Ogie: Hello, 'nak. Good moring, love you.

Regine: Hello kuya. I love you, too.

Nilingon ko si Ogie but he ignored me.

You're Still The OneWhere stories live. Discover now