One

25 6 6
                                    

Nakatungo ako habang nilalakad ang kahabaan ng hallway. It's the first day of school and I can't help but to feel nervous! I can feel the student's gaze at me. Sinubukan kong magtaas isang beses ng tingin pero kusang bumaba ang paningin ko sa daan. Why is going to school so hard for me?
 

I know going to school is a normal thing for an 18-year-old like me but, I don't know. Hindi mapakali yung puso ko tuwing unang araw ng pagpasok sa eskwela. At ngayon nmay dumoble pa ang kaba na nararamdaman ko dahil bago ako sa school na to.
 

'Relax Elysia, first day lang kaya ka ganyan. Pero bukas lang ay masasanay ka na din', pagpapalakas ko ng loob ko.
 

I just finished my junior high last school year so I'm now on my first term as a senior high student in Sun Valley University. It's a famous school here in town. Dito nag-aral o kasalukuyang nag-aaral ang ilan sa mga sikat o yung mga papasikat pa lamang na artista.
 

I fished my phone in my pocket and checked where my first class will be. While I was walking to find my room destination, hindi nakatakas saakin ang bulungan sa isang banda ng building na dinaanan ko.
 

"That's Elysia Zahara, right? Akala ko ba ay pinadala sya sa States ng magulang nya para doon na mag-aral? What is she doing here?" A girl whispered to her friend.

"I know, right? Ang lakas ng loob nyang bumalik matapos yung scandal." Her friend whispered back but enough for me to hear. Gusto ko sanang tumigil sa harap nila at sabihan sila na medyo hinaan pa yung boses dahil naririnig ko sila pero, first day pa lang ng school at wala pa akong guts na gawin iyon kaya pinalampas ko na lang.
 

When I finally arrived at the room that I was looking for, kadadating lang din ng homeroom teacher namin. Nang madapuan nya ako ng tingin ay agad syang napangiti at nilapitan ako para batiin.
 

"Elysia! It's true that you're back! Hot topic ka sa buong school, ija" Hagikgik ni Mrs. Lopez. She's my tutor mula nung grade 7 ako until last year. Tipid ko lang syang nginitian at nag bow ng kaunti.
 

Ginala ko ang mata ko sa paligid at nakita ang iba kong kaklase na nagbubulungan at ang iba naman ay animo'ng naghihintay na mapadapo ang paningin ko sakanila, they'll give me a wide smile and slightly wave their hands at me. It's one of the reasons why I don't like going to school.

 
I'm the face of my parent’s cosmetic business. Glamified. It's the leading cosmetic brand in the country na minana pa ng Daddy ko sa great great grandfather nya. I know I should've been used to the fame and attention that the people are giving me pero kahit anong gawin ko ay hindi ako masanay sanay doon. Being well-known is the exact opposite of what I wanted in my life.
 

I wanted to be a lowkey person but I guess huli na ang lahat. Alam kong mas pinaingay pa ng issue last year ang pangalan ko kaya imposible nang hindi ako kilala ng karamihan.
 

Nagsimula ang klase sa pagpapakilala sa sarili namin. I don't know but I don't think it's necessary pa na magpakilala ako sakanila. They all know me but for formalities, I introduced myself to them. Puro palakaibigang ngiti ang natanggap ko matapos magpakilala.
 

Natapos ang morning session ng puro orientation lang tungkol sa subject ang nangyare. I took my black chanel handbag from my desk.
 

"Elysiaa! Wait up!" Nilingon ko si Astrid na nililigpit pa ang make up nya na nagkalat sa ibabaw ng desk nya. I patiently wait for her until she finished cleaning up her desk while talking to her seatmate. I shook my head in disbelief.
 

"Ang tagal mo." Sinimangutan ko sya nang i hook nya ang kamay nya sa braso ko at hinila ako palabas ng room.
 

"Ang cute nung seatmate ko dibaaa?" Hagikgik nya. Hindi ko sya sinagot at nag focus sa paglalakad papuntang snack bar. Madaming tumitingin saakin sa bawat hakbang na ginagawa ko. Pakiramdam ko ay mauubusan ako ng hininga sa bawat tingin na pinupukol nila kay inabala ko na lang ang sarili ko sa pagtatanong kay Astrid.

AftertasteWhere stories live. Discover now