Five

12 2 0
                                    

"Nakita mo ba yung billboard ni Elysia? Grabe ang ganda nya!" Tumalon si Vance paupo sa sofa sa kwarto ko habang humahagikgik.

Birthday ni Astrid ngayon at napagplanuhan namin syang sorpreshin. Mula kaninang umaga ay hindi pa namin sya binabati dahil iyon ang naaayon sa pinagplanuhan namin nila Vance at Nash.

"Eto daw meryenda sabi ni Ate Lara." Nilapag ni Nash ang isang tray na may lamang blueberry cheesecake at juice.

"Sure ako magugustuhan ni Astrid ang surprise natin sakanya!" Pumalakpak si Vance. Bumuntong hininga ako at tumabi sakanila na nakaupo sa couch.

"May problema tayo..." Tahkmik kong sabi bago kumuha ng juice at ininom iyon. Agad ko naman naagaw ang pansin ni Vance na kumakain at ni Nash na nagbabalot ng regalo. "Nagka aksidente daw sa bakeshop na pinag order-an ko ng cake ni Astrid." I sighed.

"Hala pano na yan?" Nagaalalang tanong ni Nash.

"Bakla bakit naman ganon?" Nagpapanik na saad ni Vance. He stood and walked back and forth in front of me and Nash.

"Kung ngayon naman tayo hahanap ng bakeshop na iba ay mahihirapan tayo! Hindi lahat ng bakeshop ay may flavor na kagaya ng favorite ni Astrid!" Nahihimigan ko ang pagaalala ni Nash.

"Eh kasi naman bakla!" Lumapit si Vance samin at mukhang frustrated na. "Sa dinami dami ng flavor sa mundo eh yung Pistachio and Rose Cake flavor pa na yan!" Umirap sya at lumapit sa center table para uminom ng tubig.

I was about to search for some bakeshops that offers the flavor that we're looking for when Vance suddenly spat the juice his was drinking. Agad naamin syang nilapitan ni Nash. Nash gave him some tissue while I was carressing his back.

"Are you good?" Nagaalala kong tanong.

"Alam ko na!" Hinihingal nyang sabi na akala mo ay sumabak sa isang marathon. "Si..." Pinunasan nya ang paligid ng labi nya at tumuro sakin kay tinuro ko din tuloy ang sarili ko at napatingin na din kay Nash, nagtataka.

"Ako?" My brows furrowed. Umiling sya.

"Si Killian!" Huminga sya ng malalim.

Killian? What about him?

"Marunong sya mag bake!" Utas nya. Nanlaki ang mata ko.

"T-Talaga?" I asked.

"Hala oo nga!" Napatingin naman ako kay Nash na pumitik. "Maybe we could ask him to bake Astrid's favorite cake."

"Exactly!" Excited na sabi ni Vance at tinignan ako.

"What?" Tumaas ang kilay ko.

"Watawat! Kaloka." Umirap si Vance. "Puntahan mo na bakla!" Kumunot ang noo ko.

"Bakit ako lang?" Taka kong tanong.

"Dali na! Magbabalot pa ng regalo si Nash at co-contact-in ko pa ang ibang sasama kila Astrid." Umupo sya sa sofa at hinarap ang phone nya.

Magrereklamo sana ako nang ilagay nya sa tenga nya ang phone at may kinausap. Humarap ako kay Nash na biglang inabala ang sarili sa pagbabalot ng regalo. Nanliit ang mata ko at umirap.

"Fine!" I groaned and walk my way through my closet.

Bago ako maghilamos ay tinawagan ko si Killian at ni loudspeaker iyon.

"Hey..." He greeted in a husky voice. Napatingin ako sa oras at nakitang ala una na ng hapon at mukhang kakagising pa din nya.

"Good afternoon!" Bati ko habang naglalagay ng clear blue na cleanser sa mukha ko.

AftertasteWhere stories live. Discover now