Eight

8 1 0
                                    

I used to think that not having Anayah in my life will be the end of me. Akala ko noon ay hindi ako mabubuhay na wala ang bestfriend ko. Then I realized, masyado pala akong na inlove sa idea na lalaki kaming magkasama sa lahat ng oras, na hindi ko kakayanin kung wala sya. That's why I became dependent to her. I didn't welcome other people in my life because I though having my bestfriend beside me is enough.

But I was wrong. Having these four wondeful people in my life now made me realize how fun it is to have more people in your life. Imagine, only child na nga ako at hindi madalas nakakasama ang magulang, ina-isolate ko pa ang sarili ko. What an associal ass.

"Three, two, one." I posed in front of the camera as it flashed in front of me. The photographer let out a satisfied smile while browsing through the photos he took. "Break muna!" He announced and gave me a thumbs up.

Naglakad ako patungo sa dressing room at agad na inabutan ng iced coffee ni Killian. Nanganak yung P.A. kaya on leave. He insisted on coming with me so he should take the consequences.

"Thanks!" Ngumiti ako at dumiretso sa nakahandang upuan. Halos maibuga ko ang inumin sa sobrang tamis noon! "What the fuck?" Agad kong binaba ang iced coffee sa lamesa at nagbukas ng tubig.

"Luh?" Gulat nyang atas at di makapaniwala akong tinignan. "Bakit?"

"It's too sweet! Diet sugar ang sinabi ko eh..." I trailed off when I saw him pout. Agad akong ginapangan ng guilt. "Thanks!" Bawi ko at kinuha ang inumin. Titiisin ko na lang ang tamis.

"What? Wag na! Bibili na lang ako ng iba. Give me that." Aniya't inagaw ang hawak kong inumin.

"No!" Sabi ko at inabot ang inumin. "Basted ka na kapag nagpumilit ka pa." Kunwaring pagtataray ko. Nalaglag ang panga nya at agad na humakbang paatras.

"Tama lang inumin mo yan kasi binili ko yan noh! Ubusin mo yan ah!" Natawa ako sa mabilis na pagbabago ng mood nya. "Ate Cris..." Tinawag nya ang make up artist ko. "Paki bantayan po ito at may itatanong lang ako sa labas." Tinuro nya ang labas.

Tumango si Ate Cris at saka lumapit sa vanity mirror. Habang inabala ko naman ang sarili sa pag ubos ng inumin habang nagbo browse sa Instagram feed ko.

It is a public account but nobody knows it's mine. May separate account akong ginagamit na pang personal ko na may pumapalong 100k followers na habang ito naman ay nasa 1k lang. I guess hindi ganon kadami ang nakaka-appreciate sa photography.

My first post was back in 2015 pa. It was a picture of my feet in the beach sand. May kaunting buhangin na nadikit sa paa ko at kitang kita ang pamumula nito dahil sa init. Napangiti ako nang maalala na ito ang 20th anniversarry ng magulang ko.

"Okay na daw yung shots! Pwede na tayo umuwi." Masayang balita ni Killian. Agad kong pinatay ang phone at nilapag sa harap ng vanity mirror.

"I'll go get change then." Paalam ko at tinulak sya palabas.

"Okay! Bilisan mo tapos tignan natin mga pictures mo don! May mga kinunan din ako dito sa phone ko." Habol nya bago ko tuluyang sinara ang pinto.

"Boyfriend?" Ate Cris asked.

"Suitor." Pagtatama ko at hinubad ang puting coat na suot ko.

"First time mong magdala ng ibang tao maliban kay Anayah ah." Nahihimigan ko ang ngisi sa sinabi nya.

"Wala ang P.A. ko, Ate Cris. And he insisted." Depensa ko bago sinuot ang dilaw kong cami top na suot naang dumating ako kanina. She shrugged before getting her make up kit from the table.

"I'll go ahead. Enjoy ang date ah!" Kindat nya nang makita na tapos na kong mabihis. Lumabas sya at pumasok naman si Killian.

"Tara na?" Aya nya. Inangat ko ang travel skincare bag at pinakita sakanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 12, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

AftertasteWhere stories live. Discover now