13

105 6 3
                                    





Rafael Morishita

Any plans for summer?



Halos malukot ang mukha ko noong mabasa ko ang message ni my loves pagkapasok ko ng kwarto. In-off ko ang phone at hindi nagreply. Saka ako frustrated na humiga sa kama.



Noon pa man ay plano na namin ni Daddy na umuwi ako sa Korea this year. Kaso sobrang busy naming dalawa kaya hindi ako nakauwi throughout the year. At ngayong summer, pinlano na namin ang pag-uwi ko roon.



Gusto ko naman. Gusto ko, okay? Sinong hihindi? Korea kaya yon!



Iniintindi ko lang ang mararamdaman ni my loves pag nalaman nya ang pag-alis ko. Last month pa, tinatanong na nya ako kung anong plano ko sa bakasyon pero laging sagot ko sa kanya ay 'hindi ko pa alam' o kung minsan man ay wala akong sagot at iniiba na lang ang topic.



"Anong prob, girl?" Pangbungad sa akin ni Eugene noong makaupo ako. Tinext ko kase sya at sinabing kailangan ko ang napaka ganda nyang advice. Mabuti at hindi busy ang gaga kaya nag-oo sya agad.



"Nag-order ka na ba?" Tanong ko imbis na sagutin ang tanong nya. Gutom na ako at lunch time na rin naman. Kaya nga sinabi ko sa kanya na rito kami sa KFC mag-meet e.



"Ay! Hindi pa, girl!" He looked at me and smiled. "Lilibre mo ko?"



"Ano pa nga ba?" Nakasimangot kong sabi at inilabas ang wallet. Nakakaiyak tingnan na kaunti na lang ang laman ng wallet ko. Malaki naman allowance ko kaya marami akong naitatabi pero nauubos pa rin.



Ganito talaga kapag may mga kaibigan kang mukhang libre.. Butas ang wallet ko!



"Wow! Five hundred! Yayamanin ka talaga friend!" Tuwang-tuwang sabi ng bakla noong iabot ko sa kanya ang limang daan. "Orderin na ba natin lahat ng nasa menu?"



"Sira! Bilisan mo, mag order ka na!"



Pagkaalis nya, inilabas ko ang cellphone at nakitang may message sa akin si JJ.



Rafael Morishita

Kumain ka na?



Lagi nya naman ako minemessage ng ganyan pero kinikilig pa rin ako na para bang ito ang first time na tanungin nya ako!



Hera Park

Nasa kfc kami



Mabilis pa kay flash na nagreply sya.



Rafael Morishita

Kami? You're with that singkit again?



Kahit hindi ko sya kasama, para bang naririnig ko ang naiinis nyang boses sa pagbanggit ng singkit.



Hayst, ano ba kaseng problema nya kay Kevin?



Hera Park

Hindi, si Eugene kasama ko



Rafael Morishita

Ok, eatwell baby



"Spill the beans!!" Excited na wika ni Eugene habang kumakain kami.



"Pupunta akong Korea this summer.." Nanghihinang sabi ko at sumubo noong manok.



"Huwaaaaat?!" Nanlaki ang mata nya at maarteng pumalakpak. "Bongga! Sa Korea ka pala sa summer!"



"Anong bongga ron?"



Sinamaan nya ako ng tingin. "Tanga ka ba? Korea yon! Pangarap ng lahat ng kababaihan tapos ikaw tinatanong mo kung anong bongga roon? Kaloka ka!"



"Eh kasi.." Nagmamaktol na ani ko. "Gusto ko makasama si my loves sa summer."



"How many months ka ba doon?"



"One month."



"Ayun naman pala! Magkasama na kayo ng Jhon Jhon mo buong school year. One month mo lang naman makakasama si daddy mo e.. Mayroon pang isang month para sa summer plans nyo ng boyfie mo!"



"Hindi ko pa sya boyfie!" Giit ko. "Pero kasi nag-aalala ako baka-"



"Oops! Oops! Oops!" Dinuro nya ako gamit ang tinidor. "Shut up ka nga d'yan! Maiintindihan ka naman non!"



At katulad nga ng sinabi ni Eugene, mukhang hindi naman problem kay my loves iyong pag-alis ko.



"You'll spend the first month of your vacation with your father? That's good! You two can finally bond! I know you missed him so much."



Kita mo na, tuwang-tuwa pa sya.



"Hmm.. H-hindi ka magagalit?"



"And why would I be mad?"



"Kase.. hindi matutuloy yung m-mga plano--"



"Oh come on! It's okay!" He smiled at me with full sincerity in his eyes. "It's really fine with me. May next month pa naman. You can bond with your father first, okay?"



Tumango ako sa kanya. Hindi ko maipaliwanag ang tuwang nararamadaman. Ganito naman sya lagi. Suportado nya ako sa lahat.



Parang nakakatakot tuloy mas sumaya pa, baka may katumbas to ng malaking kalungkutan.



"Welcome to Incheon international airport.. Local time is 7:05 P. M..." May sinabi pa ang FA pero hindi ko na narinig dahil pinapanood ko kung paano mag-land ang eroplanong aking sinasakyan.



"Dasi mannaseo bangawo, Lady Hera.." Bati sa akin noong lalaking nakakulay itim na damit habang nakayuko.

*
Hi! Sorry for the short & late update. I've been busy this week because of an unexpected thing -- my grandpa died. I had to stay at my grandma's side coz I know that among all of us, she suffered the most because of her husband's death. But yeah, mag-a-update  ako pag medj stable na ang lahat.

Btw, wala pa po tayo sa ending. Nag-uumpisa pa lang ako ^^

My Crush Is My Best Friend's Boyfriend Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang