36

67 6 0
                                    





Kanina pa ako nakatitig sa ceiling ng living room. Nakahiga kami ni Darren sa carpet. Nakayakap ang isang braso niya sa akin at nakadantay pa ang isa nyang binti. Ang kanyang mukha ay nakasubsob sa leeg ko. Kanina pa naninigas ang buong pagkatao ko dahil sa posisyon naming dalawa. Hindi ko alam kung dapat ba akong umalis kaso baka magising ko sya.



Mabilis na ipnikit ko ang mga mata ko noong bigla itong gumalaw. Nagpanggap akong tulog at pinakiramdaman ang bawat galaw nya. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko at pinagpapawisan na rin ako dahil sa kabang nararamdaman.



Ni hindi ko nga alam bakit ako kinakabahan!



Ramdam kong inalis nya ang binting nakadantay sa akin at tumitig sa mukha ko. "Gago.."



Ginalingan ko ang pagpanggap na tulog. Humilik-hilik pa ako.



"Gagooo.." Mahinang pagmumura nya uli. Hinaplos pa nya ang pisngi ko saka ko narinig ang singhap nya. "Totoo nga! Putcha!"



Napadilat ako noong bigla nyang  pinisil ng mahigpit ang ilong ko. Natigilan naman sya sa ginagawa saka nagtama ang tingin naming dalawa. Walang gumalaw o nagsalita man lang. Hinayaan naming tumagos ang paningin sa isa't isa.



"OMO!!!!" Mabilis akong napabangon noong marinig ang pamilyar na tili na iyon. Dumako ang tingin ko sa entrance at ganoon na lang ang gulat ko noong makita roon si mommy na nakatakip ang mga kamay sa kanyang bibig at malalaki ang mga matang nakatingin sa amin! Si daddy rin ay mukhang nagulat sa kanyang nadatnan.



Damn.. I'm super dead!



Tahimik na nakaupo kaming dalawa ni Darren sa mahabang sofa habang si daddy ay nakaupo sa single na sofa at nakatayo naman sa gilid nya si mommy. Ilang minuto na ang lumipas matapos ang senaryo na iyon. At hanggang ngayon ay wala pa ring kumikibo sa kanila.



Tumikhim si dad at seryosong tumingin sa amin. "Kindly explain?"



"Uhmm.. It was not my intention to sleep beside your daughter sir-"



Tumikhim si daddy kaya natahimik si Darren. Dumako ang tingin sa akin ni dad at tinaasan ako ng kilay na tila ba tinatanong ako kung ano bang balak ko.



"Dad. It's not what you think it is."




"Hmm? Okay." Dad smiled devilishly at me. Then he suddenly gave Darren a deadly glare. "You'll marry my daughter or not?"


"I'll marry her."



"Wait-what?! Who's going to marry?!" Biglang bumaba si Kevin na kagigising lang. Bumati sya kina mom at dad bago dumako ang tingin sa amin. He smirked. "Oh. I should be the best man ah.."



Hindi ka nakakatulong, singkit.



Matapos ang pag-uusap na iyon ay iniwan kami nina mom at dad dahil magpapahinga sila. Si Kevin naman ay nagtimpla ng kape sa kusina kaya naiwan kami ni Darren sa living room. Nilingon ko sya at nakitang nakatitig ito sa kawalan habang nakakunot ang noo.



Napabuntong hininga ako. Malamang iniisip nya kung bakit sya nadamay sa sitwasyong ito.



"Sorry.." Usal ko. "I'll talk to dad. Hindi naman siguro nya seseryosohin yung sinabi nyang ipapakasal nya tayo. You have nothing to worry about. Ako na ang bahal-"



"I'm a man of my words. And I already said yes to him." Pagputol nya sa akin. Saka ito walang sabi na umalis.



Okay, bakit biglang ikakasal na ako?



"Woah! Gago! Hanep galawan ni pareng Darren!" Paghiyaw ni Luiz habang nasa sasakyan kami pauwi. Sya kasi ang driver namin. Nakaupo ako sa backseat habang si Kevin naman ay nasa front at kinwento agad kay Luiz ang mga nangyari kanina.



Hindi ko sila pinansin hanggang sa makarating kami sa bahay. Kaagad akong bumaba at binalewala ang tawa nung dalawa sa akin. Hindi ko na nga alam ang gagawin ko tapos tatawanan pa ako.



Napatigil ako noong makapasok sa living room. Ano nanaman to?



Naroon si Jhon at seryosong nakikipag-usap kay daddy.



"Oh, Hera! Welcome home, baby!" Nginitian ako ni mom. Dala-dala nya ang mga sweets na nakalagay sa isang plato. Napabaling tuloy sa akin ang tingin nung dalawa dahil sa tawag ni mom.



"Uhmm.. What's happening here po?" Bulong ko kay mom noong makalapit sa kanya.



"Nothing," she smiled sweetly and touched my hair. "Haba ng buhok mo anak ah. Two handsome men wanted to be your husband. Shampoo reveal ka naman, baby."



Two.. what?








*

No UD sa weekend like the usual. Btw how's the story so far, love? I'm willing to read your thoughts :)

My Crush Is My Best Friend's Boyfriend Onde histórias criam vida. Descubra agora