22

68 4 1
                                    




"Good morning!" Masiglang pagbungad ni Martin noong pumasok na ako sa classroom. May bitbit itong pamilyar na plastic. Mukhang napansin ang tingin ko roon kaya inangat nya iyon. "Sayo to. Pinabibigay ni.."


"Ayoko nyan. Iyo na lang." Pagputol ko sa sasabihin nya at dumiretso sa upuan ko. Pero ang makulit na Martin sinundan nanaman ako.


"Ayaw mo ba talaga?"


"Ayaw ng alin?" Tanong naman ng kararating na si Luiz. Ibinaba niya ang bag na dala at tumingin sa plastic na hawak ni Martin. "Ano yan? Pagkain?"


Sa ilang linggo na pagsasama namin ni Luiz, masasabi kong ang kapal talaga ng mukha nya. Singkapal nung itim nyang salamin.


Kaagad na inilayo ni Martin ang plastic. "Hindi to pagkain!"


"I smell a yummy burger!" Sigaw ni Kev na kararating lang din.


Napasimangot naman si Martin at humarap sa akin. "Tanggapin mo na kasi, Hera.. Ayoko itong ibalik kay cap, sad boy nanaman yon!"


"Nag-almusal na ako e.." Pagdadahilan ko pa. Pero totoo namang kumain na ako kanina ng almusal sa bahay.


"Ako, hindi pa." Nakangiting singit ni Luiz at inilahad ang palad. "Akin na lang? Gutom na ako e.."


"Ya! It should be sliced in half. I did not eat breakfast too." Wika ni Kevin at pasimple pang humawak sa tiyan.


Masungit na tinalikuran sila ni Martin. "Mas mabuting ibalik ko na lang!"


Sumimangot naman ang dalawa kaya natawa ako at naglabas ng tinapay na binili ko kanina bago sumakay ng jeep. Inabot ko yon sa kanila. "Inyo na, oh!"


Nag-umpisa ang araw na iyon sa isa nanamang palaisipan. Lutang nanaman ako sa klase. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit kailangan nya pa akong padalhan ng kung ano-ano tuwing umaga. Wala na syang pinalampas na araw sa mga linggong nagdaan. Napabuntong hininga nanaman ako.


Bakit ba pinapaasa mo nanaman ako, Jhon Jhon?


Alam kong nadala na ako sa sakit ng kahapon. Nakuha ko ng umasa na magugustuhan nya ako. Nagawa ko ng bigyan ng kahulugan ang bawat galaw, bawat salita, at bawat panahon na inaalay nya sa akin. Pero ang nakuha ko lamang ay sakit sa puso dahil sa bagay na alam kong malabong maging totoo.


"Hera!" Umalingawngaw sa gym ang malakas na boses na yon. Napalingon ako at nanlaki ang mata noong makita si Dwayne na tumatakbo papalapit sa akin habang may dalang.. bulaklak.


"Dwayne.." Pag-usal ko noong hingal na hingal na huminto ito sa harap ko. Inabutan ko pa sya ng panyo dahil pawis na pawis sya. Mukhang kagagaling lang sa practice.


"Oh, pang-Goodluck raw.." Iniabot nya sa akin ang mga bulaklak noong makahupa na sa hingal.


Nag-aalinlangang tinanggap ko iyon. "Para san to? Sino nagbigay?"


"Basta." Nginitian nya ako. "Alis na ako ha? May prac pa kami. Sinamantala ko lang tong break para i-abot sayo yan."


Bago pa man ako makasagot ay tumakbo na ito papalayo sa akin. Nilingon ko ang bulaklak at nakitang may nakaipit na tissue roon. Kinuha ko iyon at binuksan.


'talk to me, please'


Kahit walang pangalan, kahit hindi sinabi ni Dwayne, mukhang alam ko na kung kanino galing ito.


My Crush Is My Best Friend's Boyfriend Onde histórias criam vida. Descubra agora