19

115 11 10
                                    





Lunes. Maaga akong bumangon para mag-ayos ng sarili at mag-ayos ng mga gamit na dadalhin para sa workshop na pupuntahan. Nagsuot ako ng blue na blouse at itim na jeans saka puting rubber shoes. Sinuot ko ang ID ko at iniayos ang gamit. Sa isang malaking backpack, nilagay ko ang isang notebook at ang aking pencil case, naglagay rin ako ng alcohol at tissue, isinama kona ang wallet ko. Sa isang paper bag naman nilagay ko ang baon kong snacks at lunch.



Kinuha ko ang cellphone at napansing may message ako galing kay Martin. Kagabi pa ang message nya. Around 9. Tulog na ako ng mga oras na iyon kaya ngayon ko lang nakita. Binuksan ko ito.



Martin Delgago

hanap ka ni cap

may sakit sya

Hera hanap ka nya, ayaw uminom ng gamot



Hinahanap nya ako?



Mabilis pa kay flash na gumapang ang pag-aalala sa buong sistema ko. Mabilis akong nagtipa ng reply kay Martin. Pinilit kong huwag ipahalatang nag-aalala ako kahit ang totoo ay umaapaw ang kaba na nasa dibdib ko.



Hera Park

Napano?



Martin Delgago

Pinaalis nya kami kagabi, pagbalik namin naglock na sya sa kwarto nya



Pinatay ko ang cellphone at napatitig sa sarili sa salamin. Galit ako sa kanya..



.. pero ayoko siyang magkasakit.



Napabuntong hininga ako at kinuha ang paperbag na naglalaman ng pagkain saka mabilis na tumakbo pababa. Halos talunin ko na ang nilalakaran ko para lang makarating kaagad.



"Oh Hera! Thank God you're here!" Masayang bungad sa akin ni mama Tin noong buksan ang pinto. "My son's looking for you.. H-he doesn't want to talk to us.."



Bakas ko ang lungkot sa boses nya. Kahit sino namang ina ay malulungkot kung ayaw sya kausapin ng kanyang anak.



I hugged her tightly. "Don't worry po.. Kakausapin ko sya."



Bakit ba nagkaganito? Ano bang nangyayari?



"Please do, Hera.. I can't take my baby's attitude towards me.."



Kumalas na ako sa pagkakayakap. Tinanguan ako ni mama Tin kaya dumiretso na ako patungo sa taas. Inhale, exhale. Kaya mo to, Hera. Kalimutan mo muna ang lahat ng nangyari.



*knock*knock*



"I said I don't want to talk to anyone of you!" Malakas na sigaw nya mula sa loob.



Napabuntong hininga ako. "Ako to.."



Nanahimik ang kwarto at maya maya lang ay bumukas ang pinto. It revealed JJ na nakabalot sa comforter. Noong nakita nya ako, binitawan nya ang comforter at mabilis akong kinabig papasok saka niyakap.



"You're finally here.."



Ramdam ko ang tibok ng puso nya at ang init na nag-uumapaw sa katawan nya. Tinapik ko sya ng mahina sa balikat at kumalas na sa kanyang yakap. Dinampi ko ang mga daliri sa kanyang noo at leeg saka napailing.



"I'm oka--"



Natikom nya ang bibig dahil sa sama ng tingin ko. Tinuro ko ang kanyang kama. "Higa."



My Crush Is My Best Friend's Boyfriend Where stories live. Discover now