Chapter 31

77 4 0
                                    



Nang makita ko ang nakasulat sa board ay gulat na gulat ako. Some of my classmates are looking at me nastily but I don't care at all because all I care about right now is Oscar's reputation. I'm too stunned to move. This shouldn't be possible.



Napagisip-isip ko na wala akong paki sa tingin nila sa akin dahil hindi naman sila importante sakin at wala naman akong iingatang reputasyon dahil di naman ako big deal dito sa school na to ngunit si Oscar ay isang kaibigan kaya naman ayaw ko na sana syang madamay sa lahat ng kadramahang ito.




Habang nakatingin sa announcement board ay may isang malaking katanungan pa nabuo sa aking isipan.

Who did this then?




I doubt that Oscar himself will do something like this as it would tarnish his reputation and what would he gain from this? Isa pa mabait at loyal na kaibigan si Oscar kaya naman malayo sya sa pinaghihinalaan ko.






I also doubt that Melody will do something like this. Lagi kong sinasabi na "hinahangaan ko si Oscar" noong kami ay elementary pa ngunit hindi ko naman sinasabi na "crush" ko sya mismo atsaka base sa pagkakakilala ko kay Melody ay hindi rin sya makakagawa ng ganito lalo na sa akin.




Kaagad ko namang binura ang nakalagay sa announcement board nawala ng kaunti ang pag-aalala ko nang makita kong tinutulungan ako nina Hanna at Ofelia na burahin ito mas lalo naman akong nagulat nang may kamay na kumuha sa pambura na hawak-hawak ko at tinuloy ang pagbura sa mas mataas na parte ng board.





Kaagad ko namang tiningnan kung kaninong kamay  ito nanggaling. Nagulat ako nang makita kong si Rufus ang tumulong sa aking magbura. Habang tinitingnan ko ang mga kaibigan ko ay mas lalong nawala ang mga pag-aalala ko.





Dahil nakalagay na sa announcement board at andami nang nakakita ay tanging pagdeny na lang ang magagawa ko.




Hinarap ko ang mga nakakita sa announcement board at nagsimula nang magsalita.



"I don't know who wrote this but I just want to say that Oscar is a loyal and a good friend and these are the things that I study and admire a lot of but I never liked him as a lover , please don't misunderstand" Pagsalita ko sa harap ng mga nakakita ng sulat sa announcement board.





"Hindi ko na ito ipaparating sa higher-ups pero sana wag nyo nang idamay ang pagkakaibigan naming dalawa" dagdag ko pa.




Natahimik naman ang iilang mga estudyante na nagbubulungan pagkatapos kong sabihin ang mga hinanaing ko.




"Hey hey hey anong pinagkakaguluhan nyo dyan??? Head to your next classes already" Nagulat naman ang lahat ng biglang lumabas at lumapit sa amin si Oscar.




"Tsssk yon na yon??"


"Boring!"


"Sino kaya nagsulat noon"




Rinig ko pang bulungan ng ibang mga estudyante bago sila napilitang bumalik sa kanilang mga sari-sariling classroom dahil sa pagsuway sa kanila ni Oscar.




"Hey kailangan  na rin nating bumalik sa class natin" Saad ni Hanna.




Siguro ay naramdaman nina Hanna na natuliro ako matapos kong makita si Oscar. Hindi ko alam ang rason kung bakit hindi ko sya magawang kausapin maybe because I'm guilty.





Sa ngayon ay thankful talaga ako sa kina Hanna, Ofelia at Rufus dahil kung wala sila kanina ay hindi siguro ako magkakaroon ng confidence para tumayo sa mga ganoong sitwasyon.



Bottoms Up! (BOYXBOY)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα