Chapter 40

76 6 1
                                    

"Rufus?" Nanlaki ang aking mata nang makilala ko ang lalaki.


"Why are you here??? You scared the heck out of us" Sabi ko nang makaharap sya. Mukhang matagal na syang naghahantay sa labas ng bahay namin dahil pansin kong nilalamig na ito.




"Let me help you" Inignora na lamang nito ang sinabi ko at kinuha na lamang ang dala kong bagahe at dahil nasa akin ang susi ng frontdoor ay inunlock ko muna ang pintuan atsaka naman sya pumasok upang ilagay ang bagahe sa loob.




Bumalik naman ako sa pwesto nina mama at ate nang napapasok ko na si Rufus sa loob ng bahay. Bakas pa rin sa mukha nina mama at ate ang kaunting takot  ngunit nang makita nilang bumalik ako sa kanila ay napahinga sila ng maluwag.



"What happened??? Sino yung lalaki sa harap ng front door??" Tanong ni mama sa akin.



"Si Rufus po yung naghihintay sa pintuan, kaibigan ko lang po. Hindi ko rin alam kung anong pinunta nya rito sa ganitong oras pero wag po kayong magalala dahil trusted acquaintance naman po namin yon" Pagpapakalma ko kay mama. Napatango naman si mama nang marinig nito na kakilala naman pala namin yung lalaking nakita nyang naghihintay sa front door.




"Nabuksan ni Rufus yung gate kasi last time na natulog sya dito tinuro ko kung saang paso sa gate natin tinago yung duplicate key" Saad ni ate habang buhat-buhat namin papunta sa loob ng bahay ang mabibigat na mga bagahe ni mama.



Nang makapasok kami sa sala ay kaagad kaming sinalubong ni Rufus at tinulungan sina ate at mama na isalansan ang mga dala nilang bagahe. Nang makita ni ate si Rufus ay nagningning ang mga mata nito at kaagad nya  itong niyakap.




"Heyy, akala namin di ka na talaga namin makikita kasi di ka na namin macontact. Sabi na nga ba mema lang to si Oslo" Sabi ni ate habang yakap-yakap si Rufus. Kinindatan pa ako ni ate nang yakapin nito si Rufus ngunit napatawa na lang ako sa kanya.



"Pinalitan ko na po kasi yung sim card ko kasi pati yung number ko nalaman na noong mga nanghaharass sa amin" Pagpapaliwanag ni Rufus kay ate.




Bigla namang lumapit si mama kay Rufus at inabot ang kamay nito upang makipag shake hands.


"Hi, ako nga pala yung mama ni Oslo." Pagpapakilala ni mama kay Rufus.



Kaagad namang tinanggap ni Rufus ang alok na shake hands ni mama at kaagad ding pinakilala ang sarili nya.




"I'm glad that Oslo made some friends when I'm away. Thank you for taking care of my son." Napakamot naman sa ulo si Rufus nang marinig nito ang sinabi ni mama.



"Naku walang anuman po. Sa katunayan friendly naman po talaga si Oslo sa katunayan nga po marami pa po syang maaasahang kaibigan sa university" Napanganga naman ako dahil sinaniban yata ng arkanghel o di kaya santo itong si Rufus sa sobrang pagkagalang habang kausap si mama.




"Hmmmmp alam mo ba ate yang anak mo napaka lampa andaming beses muntikang maaksidente yan pero buti nandito tong si Rufus para isalba sya lagi. Sa katunayan huling kita namin sa batang ito nasa ospital pa dahil niligtas nya si Oslo laban sa mga goons...." Bigla  naman akong kinabahan nang magsimula nang magkwento si ate patungkol sa mga kaganapan sa buhay ko.




Maya-maya pa ay nagulat na lang ako ng biglang pinitik ni mama ang aking tenga nang marinig nya ang mga kwento ni ate. Napahawak na lang ako sa tengang pinitik nito.



"Mama naman ang sakit!!" Nakabusangot kong sabi. Napataray naman ako kay Rufus nang makita kong pinipigilan nito ang kanyang tawa.




Bottoms Up! (BOYXBOY)Where stories live. Discover now