Chapter 3 - First Day

351 8 0
                                    


NGAYON na ang first day namin, hindi kami sabay pumasok ni Charm dahil mas nauna ako hinatid lang ako kanina ni Kuya Ken. Naka uniform ako ngayon. Long sleeve na color white tapos may ribbon sa leeg na color black at 'yung palda ko pencil cut siya hanggang taas ng tuhod at color black. Maliit lang ang takong ng sapatos ko, tapos sling bag na medyo malaki ang dala ko.

Nandito ako ngayon sa hallway kung saan ang mga lockers. Napaka laki ng eskwelahan na pag mamay ari ni Kuya Calix, siya 'yung kanang kamay ni Kuya Ian sa mafia world at ang pag kakaalam ko may gusto iyon kay ate ko. Well, boto ako sa kaniya, kaso nga lang may jowa si ate.

Ang alam ko matagal tagal na din sila, kaso iba talaga kutob ko sa lalaking iyon, iyong jowa ng ate ko. Sana si Kuya Calix na lang at least iyon kilala pa namin.

Number 127 ang locker ko kaya hinahanap ko, sinabi sa akin ni Kuya Calix nandoon na ang mga textbook at iba kong gamit doon. Seven forty-two pa lang ng umaga, at mamaya pang eight ang pasok ko. Nang makita ko ang locker ko agad kong kinuha sa bulsa ang susi nito at binuksan na iyon. Dalawang lalagyanan ang nandito, nasa pinaka baba ang sapatos ko pang p.e tapos 'yung p.e ko at extra uniform ay nakasabit dito, sa taas noong sabitan may dalawang lalagyanan abot ko naman. Nandoon ang mga libro ko kaya kinuha ko sa bag ko ang binagay sa akin ni Kuya na schedule ko daw. Agad kong kinuha ang libro ng morning subject ko.

Sinara ko na ang locker ko at sakto namang nag bell na. Nako po! Hindi ko pa alam nasaan ang room ko! Itong University na ito ay napaka laki simula Pre-school hanggang college mayroon ito pero nasa college building naman ako.

Nakita ko ang mga ibang estudyante na nagmamadali ng pumasok sa room at 'yung iba tumatakbo na paakyat. Every building has six floors, masyadong maraming building kaya hindi ko mabilang agad.

Naglakad lakad ako at ilang minute na ang inabot ko hindi ko talaga alam saan ang room ko!

May dumaan na estudyante sa harap ko at tinawag ko iyon.

"Miss, excuse po may itatanong lang po sana ako," sabi ko mabait naman ang itsura niya may salamin siya at maiksi ang buhok niya may hawak siyang libro.

"Yes, what is it?" tanong niya, ngumiti siya sa akin.

Ngumiti din ako sa kaniya, "Alam mo ba kung nasaan ang office ni Mr. Calix Valeria?"

"Yes, papunta din ako doon sumabay ka na sa akin," aya niya kaya nguimiti ako at nagpasalamat. Nasa gilid niya ako at magkasing tangkad pala kami.

"Bago ka dito noh?" tanong niya sa akin, nilingon ko naman siya.

"Oo, first year," sabi ko.

"First year pa lang din ako, pero dito na ako simula pre school," sabi niya kaya tumango ako, loyal pala, "Saan ka galing school?"

Napa kamot ako sa batok 'saka nahihiyang n agsalita, "Home school kasi ako, natatakot kasi magulang ko na may mang yaring masama."

"Well, basta 'pag may kailangan ka ay lapitan mo lang ako," sabi niya at ngumiti sa akin. Nakaabot na kami sa second floor at pinakadulong pintuan.

May naka sabit sa pinto na pangalan ni kuya Calix. Kumatok sa pinto iyong babae 'saka pumaosk kaya sumunod ako. Hala ngayon lang sumagi sa isip ko na hindi ko pa pala alam ang pangalan niya.

"Sir Valeria, ito na po 'yung mga list ng mga students sa section ko po." Bumaling siya sa akin kaya tumabi ako sa kaniya at nakita ko si Kuya Calix.

"Kuya Calix!" tawag ko sa kaniya pero napalakas ata. Kunot noo siyang nag taas ng tingin tila galit pero nang makita niya ako ay ngumiti siya bigla.

"Oh Nam, bakit nandito ka pa? 'Di ka pa ba pumupunta sa room mo?" tanong niya 'saka nagbaba ng tingin sa bag ko at tumingin ulit sa akin.

"Kuya naman, paano ko malalaman room ko eh hindi ko alam section ko eh napakadaming room para sa kurso ko, ni hindi mo nga nasabi sa akin eh," naka nguso kong sabi. Napakamot siya sa batok niya 'saka ngumiti sa akin.

"Sorry naman daw, dami kasi pinapagawa ni Ian eh. Ms. Velasquez tutal magkaklase kayo nitong si Nam sumabay ka na sa kaniya. Okay?" sabi ni Kuya Calix kaya tumango ako.

Umalis na kami sa room at naglakad na papuntang fifth floor.

"I'm Georgina Velasquez, call me Gina," sabi niya sa akin.

"I'm Nikita Montello, call me Nam," sabi ko sa kaniya.

"Grabe isa kang Montello?!" tanong niya sa akin, tumatango naman ako, " So kapatid mo si Priscilla Montello at Ian Montello 'saka 'yung magaling sa racing si Kendric Montello?"

Tumango tango naman ako sa kaniya, "Ako 'yung bunso sa amin."

"Wow grabe! Big time ka pala, mahirap lang kasi ako. Buti sa akin ka sumama, alam mo naman ang mayayaman ang gusto sa ka estado nila."

"Okay lang naman sa akin basta totoo," sabi ko kaya tumango siya sa 'kin.

Nakarating na kami sa room 'saka siya pumasok sumunod ako sa kaniya. Nilibot ko ang tingin sa buong room at wala pang prof. Maingay pero malinis ang room.

"Pst! Gina sino 'yang kasama mo? Bago?" tanong ng isang lalake tumango naman si Gina.

"Hoy umupo kayo may bago!" sigaw ng lalake kaya nag si upo ang iba. Nagulat ako ng may dumunggol sa balikat ko at tiningnan ko kung sino iyon. Babae na sopistikada nagulat ako ng taasan niya ako ng kilay 'saka padabog siyang umupo sa harap.

"Pakilala ka Nam," sabi sa akin ni Gina kaya bumaling ako sa mga kaklase ko.

"Hi everyone, I'm Nikita Aphrodite Montello, seventeen. Sana maging ka close ko kayo," alanganin kong sabi. Nagulat ako ng pumalakpak 'yung lalaki sumunod na ang iba matching sipol pa at hiyawan.

"Will you all shut the f*ck up? Ang ingay masyado!" mataray na sabi nung dumunggol sa akin.

"Dahil bago ka at napaka ganda mo dito ka sa tabi ko," ngising sabi nung lalake pero bintukan siya ng mga kabarkada nito, "Luh hindi mabiro, Nikita joke lang 'yun ha?"

Ngumiti naman ako ng onti. Inaya na ako ni Gina na umupo sa second row kami at nasa harapan ko yung mga lalake. Mukha namang masayahin sila.

Wildest Dream (Montello Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon