Chapter 36 - The First Born

223 4 0
                                    

Agad akong napatingin sa mga pamilya ko na nasa likod niya na kakalakad lang papunta sa gawi namin.

"Saksi ang Diyos, at saksi ang paglubog ng araw. I love you, Nam. Ang dami kong ginagawa sa bawa't araw, lagi akong pagod, but at the end of the day gusto kong sa'yo ako uuwi... dahil ikaw ang pahinga ko. I want you to be my queen for the rest of my life. Let's spend the eternity 'till the sun never rise and never set, will you be my queen?"

How can I say no kung ang nag propose sa akin ay 'yung lalakeng gusto ko makasama habang buhay.

"Yes!"

Sobrang saya ko ngayon dahil sa wakas magiging asawa ko na nag kaisa-isang Zachary Giovanno.

Pagkasuot niya sa akin ng singsing n amya napakalaking mga diyamante ay agad niya akong hinalikan sa noo.

He lifted me at parang wala lang sa kaniya ang bigat ko, I'm not that heavy actually pero iba na ang sitwasyon ngayon. Buntis ako kaya dalawang tao na nabubuhat niya ngayon.

Malaki naman ang katawan niya kaya kakayanin naman niya.

Nang mai-baba na ako ni Zach ay agad lumapit sa akin sina Mom and Dad, pati na din ang Dad ni Zach.

''Congrats sa inyo!'' Iyan ang salubong nila sa amin hanggang sa nag hapunan ay puno ng saya ang hapagkainan. Kahit hindi ko pa napapaanak ang baby ko ay 'ramdam ko ang saya ni baby sa tiyan ko.

HANGGANG sa araw ng kasal namin ay parang walang nagbago. Tila ay teenager kami at kakasagot ko lang sa kaniya. Kakauwi lang namin sa sarili naming bahay dito sa Laguna.

Napalayo kami ng lugar pero okay lang naman dahil bibisita bisita kami kina Mom every month.

Due date ko na ngayon kaya nasa hospital na ako sa Westlake Medical Center.

Kaonting oras na lang ay mabubuhay na sa mundo ang kauna unahang anak ko at tagapag mana ng titulong Mafia Lord.

Naka upo ngayon sa sofa si Zach habnag kino-contact ang mga family namin.

Marami na ding mga guards ang nagkalat sa buong hospital at armadong mga tauhan na ang nag kalat din sa palapag na inaakupahan ko.

Ilang minuto na lang ay ililipat na nila ako ng kwarto.

"Are you sure you're gonna be okay?"

Napangiti naman ako kay Zach na halata sa kaniya ang pag aalala.

"Of course, ako pa ba?"

Agad nag si pasok ang doctor at mga nurse kasabay ang mga tauhan.

"Ma'am, ililipat ka na po namin."

Tumango lang ako sa kanila tsaka pumikit, pinapakalma ko na ang sarili ko dahil kada segundo ang lumilipas ramdam ko ang pag hilab ng tiyan ko.

Ramdam ko ang anak ko na gusto nang lumabas.

Nang makarating na kami ay nag mamadali na ang mga nurse.

"Ang s-sakit--"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin dahil sa sobrang sakit. Impit na sumigaw na lang ako.

"Ma'am, push!"

Ginawa ko naman ang sinabi ni doctora, ilang beses akong umire at pawis na pawis na ako.

Hinang hina na ang nararamdaman ko sa katawan ko. Wala na akong lakas pero hindi ako pwede tumigil.

"One last push, ma'am!"

Binigay ko ang natitirang lakas ko kasabay ng paghinga ko ng malalim ay ang boses ng anak kong umiiyak ang na dinig ko.

Hanggang sa nilamon na ako ng pagod.

NAGISING ako sa pamilyar na kisame, nilibot ko agad ang paningin ko. Nakita ko agad si Ate Ivy na naka pantalon at blouse. Natutulog ito sa isa pang kama dito sa kwarto ko.

Nakita ko naman si Ate Raya na may kinakalkal sa bag niya na nasa sofa.

Huminga muna ako ng malalim tsaka umupo sa hinihigaan ko.

Agad namang napalingon sa akin si Ate Raya tsaka ako kinuhanan ng baso na may maligamgam na tubig.

"Are you okay, Nam? Nanghihina ka pa ba?"

"Hindi na ako nanghihina, nasaan po si Zach?"

Nakita ko ang pagkamot niya sa ulo.

"Lumabas saglit kasama si Calix."

"Ate, yung baby ko nasaan? Hindi ko pa nakita kasi hinimatay na ako. Okay lang ba siya?"

"Ahmm yung tungkol doon... Ano kasi...."

Nagtataka akong tumingin sa kaniya dahil parang nag aalanganin siya.

"Wala naman masamang nangyari, ang kaso..."

"Ano 'yun?"

"Si Calix at Zach, nagtatalo kung ano pangalan ng anak mo."

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi ni Ate.

Akala ko naman eh may nangyaring masama.

Napalingon kami sa pinto dahil parang may nag aaway, kasabay nung ay ang pagpasok ni Calix at Zach na busy may sagutan.

"Ako na tol! Tutal magkasing gwapo kami!

"Anak mo?

"Hindi."

"Then shut the fuck up!"

Agad silang napalingon sa amin ng tumikhim si Ate Ivy.

"Ehem! Natutulog ako napakaingay niyo."

Agad namang lumapit sa'kin si Zach tsaka ako kinunsulta.
Pumasok na din ang isang doctor tsaka ako chineck.

Hindi nagtagal ay pumasok ang isang nurse bitbit ang anak ko na agad kong binuhat.

Pinaghalong mukha namin ni Zach ang anak ko.

"Magandang araw po, need ko po hingin yung magiging pangalan po ni baby boy."

Pinagbubuntis ko pa lang siya ay nakaisip na ako ng pangalan.

"Sergei Giovanno."

Gusto ko ang pangalan ng anak ko ay tatatak sa mga isipan ng lahat, kaaway man o kakampi.

Wildest Dream (Montello Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon