Chapter 7 - Suitor

246 2 0
                                    


Napa kamot naman ko ng batok at tumingin sa stage. Nagtaas sa akin ng kilay si Kuya Ken kaya sinukbit ko na ang bag ko sa balikat tsaka ako nahihiyang tumayo.

Napa lingon naman sa akin ang mga estudyante pero dire-diretso lng ako pababa ng bleachers. Paakyat na ako ng hagdan sa gilid ng stage nang alalayan ako ni Kuya Ian.

Pag akyat ko ay tumabi ako kay Mommy, hinalik ko siya sa pisngi.

Pinasa na ni kuya Calix ang mic kay Kuya Ian. Magsasalita pa lang si Kuya Ian, pero nagulat ako ng magsigawan ang mga estudyante.

'Ian! Ang gwapo mo!'
'Pa autograph!'

Marami pa silang sinisigaw lalo na ang mga kababaihan. Nasa isang gilid ko si Kuya Calix.
"Ang daya kanina nung nagsasalita ako hindi naman sila tumitili!" sabi niya kaya tinawanan siya ni Mommy. Nahagip ng mata ko si Rhys na nakatingin sa akin, nasa gilid kasi siya ni Kuya Calix.

Nagsasalita pa rin si Kuya Ian about sa mga proyekto na ipapatupad niya daw.

Pagkatapos ng event ay lumapit si Kuya Ian sa akin at kinamusta ako, hinatid din ako ng mga kuya ko sa room ko. Syempre hindi mawawala 'yung mga tumitili tili na akala mo may mikropono sa lalamunan.

LUMIPAS ang buong araw at uwian na,  nauna nang umuwi si Ivan at Gina sa akin. Papunta na ako ng parking lot at nagulat ako ng ang makita ko ay si Rhys. Nakasandal siya sa sasakyan niya at mukhang hinihintay ako. Naglakad na ako palapit sa sasakyan, lumingon naman siya sa akin kaya pumunta ako sa tabi niya.

"Buti ikaw ang susundo sa akin?" tanong ko sa kaniya. Kinukurot ko naman ang daliri ko dahil kinakabahan na nahihiya ako. Pinagmasdan ko siya, naka business attire pa siya na color black, baka galing pa ito sa company nila.

"Yah, mag dinner tayo," sabi niya kaya tumango ako at ngumiti ng tipid.

Pumunta na siya sa may kabilang kotse, " Galing kang kumpanya pero bakit dumiretso ka dito?"

"I want to see you that's why," sabi niya sa akin, nag iwas naman ako ng tingin at agad agad pumasok sa kotse.

Kinalkal ko ang bag ko at hinanap ang cellphone ko, pumasok na si Rhys sa kotse at pinaandar na ang kotse. Chineck ko lang ang cellphone ko kasi baka tumawag sila mom or sina kuya.

Nagulat ako ng hawakan ni Rhys ang kaliwa kong kamay, nilingon ko siya pero diretso lang ang tingin niya sa daan.

"Staring is rude, baby but if it was you then I love it," sabi niya kaya binawi ko agad ang pagtitig ko sa kaniya. Hinayaan ko siyang hawakan ang kamay ko, ang laki ng kamay niya nagmumukhang dwende kamay ko sa kaniya.

Ngayon ko lang nahawakan ang kamay niya, kahit nung mga bata pa kami ay hindi ko pa nahahawakan ang kamay niya kasi nga napaka sungit niya sa akin tapos parang nireregla lagi kasi laging galit eh.

Akalain mo iyon kahit ganon siya gusto ko siya tapos hindi ko expect na gusto niya din pala ako. Grabe! I know I'm still young, but I know my limitations, and I know I really love him that I'm willing to do everything.

Tumigil ang sasakyan sa isang restaurant. Pinagbuksan naman ako ng pinto ni Rhys, iniwan ko na dina ng bag ko sa kotse para wala akong bibitbitin. Cellphone lang ang dinala ko incase. Pagakasara ng kotse ay agad ako hinapit sa bewang ni Rhys, hinalikan naman niya ako sa noo tsaka kami naglakad. Ang sarap pala sa pakiramdam ng mahal ka ng taong mahal mo noh!

"Mr. Sullivan, welcome po, and?" tanong sa akin nung babae.

"Ms. Montello," sagot ko tsaka ngumiti. Ngumiti naman ang babae pero parang ngiwi naman tsaka siya bumaling ulit kay Rhys.

Pumasok na kami sa loob at ang ganda ng loob. Naupo kami sa dulo dahil medyo onti ang tao dito. Pinaghila ako ni Rhys ng upuan kaya nag thank you ako tsaka umupo. Hinubad ko na muna ang coat ko at ngayon naka short sleeve ako na polo. Dalawa kasi ang type ng uniform namin maliban pa sa p.e.

Ilalagay ko sana ang coat ng kunin iyon ni Rhys, madilim nanaman ang istura niya. Nagtaka ako ng tumayo siya tsaka pumunta sa likod ko. Pinatong niya sa legs ko ang coat ko, maiksi ang palda ko at hapit hanggang taas siya ng tuhod.

"I'm going to kill Calix," inis na bulong ni Rhys, kaya nagtaka ako. Ano ano nanaman binubulong nito. Nang mailagay na niya ang coat ay hinawakan niya ako sa magkabila kong balikat tsaka siya bumulong sa akin.

"Why do you need to be this beautiful, baby?" tanong niya sa akin kaya lumingon ako sa kaniya.

"Ha?"

"Nothing," sabi niya 'saka ako hinalikan sa noo at bumalik sa upuan. Sakto namang dumating ang waiter at binigay ang menu. Tinanong ako niya ako kung ano ang sa akin.

"Kung anong sa'yo ganon na lang din akin."

Nag thank you ako sa waiter at ngumiti ng matamis, tumingin namans a akina ng waiter at ngumiti din.

"Go," sabi ni Rhys sa waiter kaya agad agad iyon umalis. Bumaling naman ako kay Rhys na ngayon ay umiigting na ang panga at nakatingin sa malayo.

"Baby, please don't smile to others like that. I'm jealous, that smile of yours is only mine, okay?" mariin niyang sabi kaya tumango ako sa kaniya at nginitian siya, agad namang kumalma ang mukha niya tsaka umayos ng upo.

"Kamusta ang studies mo, okay ba 'yung school or may nabubully ba sa'yo? just tell me," sabi niya sa akin.

"Okay naman, mababait ang mga prof namin. Tapos alam mo namang si Ivan at Gina ang kaibigan ko 'di ba?" Agad naman siyang tumango at nakinig ulit sa akin. " Alam mo bang umamin sa akin si Ivan!" sabi ko habang kinikilig.

"Umamin?" mariing tanong ni Rhys at madilim nanaman ang mukha. Wala namang red days ang lalake 'di ba?

"Oo, alam mo bang gusto niya pang manligaw ta--"

"The f*ck!" inis na sbai ni Rhys. Hinawakan ko siya sa kamay kaya napatingin siya sa akin.

"Rhys, 'di ba wala namang red days ang mga lalake pero bakit nagagalit ka? Daig mo pa ang nireregla, promise!" sabi ko kaya kumunot ang noo niya at mariin akong tinignan.

"Umamin sa'yo 'yang g*g*ng Ivan na iyan tapos gusto ka pa ligawan, ano sa tingin mo dapat kong ireact, Nam?!" galit niyang tanong, anong ako? Hindi naman ako liligawan nun eh. 

Binitawan ko ang kamay niya tsaka napakamot ng batok.

"Eh hindi mo kasi ako pinapatapos eh!" inis kong sabi sa kaniya tsaka ako napa nguso, nagagalit kasi agad ih.

Hinawakan niya ang kamay ko tsaka ako pinaharap sa kaniya.

"Okay, I'm sorry baby, I'm listening. Now tell me," mahinahon niyang sabi kaya napabugha ako ng hangin.

"Si Ivan umamin sa akin na may gusto siya kay Gina kaso torpe siya. Gusto niyang manligaw pero hindi niya alam kung paano kaya nagpapatulogn sa akin kinukulit ako pero hindi ko alam kung paano 'yung ligaw pero tutulungan ko pa din siya. Patay na patay siya kay Gina pero hindi man lang niyang magawang manligaw," mahaba kong sabi kaya nakahinga naman ng maluwag si Rhys.

"I thought someone's gonna die today," bulong niya.

"Ha?"

"Nothing, baby," sabi niya kaya napa tango naman ako. Ang cute ng endearment niya sa akin, baby, para tuloy akong sanggol.


Wildest Dream (Montello Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon