Chapter 16 - Still Hoping

227 4 0
                                    

NANDITO kami ngayon sa ospital dahil sinugod daw sa ospital si Ate Hiraya. Naabutan namin si kuya na nasa sandal sa pader at umiiyak. Kay Ate Hiraya lang talaga siya umiiyak maliban sa amin. Umupo kami sa upuan sa labas ng Emergency Room.

Nagulat ako ng makita ko si Zach na kasama si Kuya Ian, bakit siya nandito? Ka-ano ano niya sina Kuya?

Tumayo sina Dad kaya napalingon ako sa bagong dating. Nagulat ako dahil kamukha ito ni Zach. Nakita kong kausap ni Dad at Mommy 'yung lalaki, sumama na din si Kuya Ian na kausapin iyong lalaking bagong dating. Napatingin naman ako sa katapat kong upuan nang umupo doon si Zach. Iniwas ko agad ang tingin ko. Iniisip ko na lang at nanalangin na lang ako na sana okay si Ate Hiraya, at sana um-okay na din si Kuya Ian. Napag alaman ko na sinugod sila ng Parellio, alam ko baliw ata 'yung lalaki kay Ate Hiraya. Narinig ko lang syempre hindi maiwasan.

"Where's my daughter?" nag aalalang sabi ng lalaki.

"Dad, nasa ER si Eliza," naiiyak na sabi ni Zach ngunit pinigilan niya iyon. So daddy niya pala ito, tsaka sinong Eliza? Si Ate Hiraya ba?

"Sinong may gawa nito?!" 

"Si Parellio, dad," sabi ni Zach.

"Pero napatay ko na inaasikaso na ng tauhan ang mga bangkay," pahabol ni Zach. Napa baling agad ako ng tingin kay Zach na nakatungo lang at malalim ang iniisip. Isa din siyang mafia?!

Nabaling na ngayon ang atensyon namin kay Kuya Ian na nakaupo sa sahig habang nakapatong ang magkabilang braso sa tuhod.

Lumuhod sa gilid niya iyong daddy ni Zach at niyakap siya.

"I'm sorry tito, I failed to protect your daughter, I'm really sorry po," umiiyak na sabi ni Kuya Ian. Iyong lalaking yumakap kay kuya is daddy ni Ate Hiraya?! So, kapatid ni Ate Hiraya si Zach?!

"You did all your best to protect my daughter, don't be sorry, alam kong magiging okay siya, matapang ang anak ko kaya alam kong hindi siya susuko," matapang na saad ng lalaki.

"Mommy si ate ganda ba ang tinutukoy niyo po na nandito?" bibong tanong ni Kendra tumango si Ate Bless kaya pati si Kendra ay nag alala sa itsura pa lang nito. Ito 'yung anak ni Kuya Ken at Ate Bless.

"Kinwento na sa akin nila Bless kung paanong buhay pa si Hiraya, at natutuwa akong buhay siya at tinuring ko siyang anak. Ikaw ba ang tunay niyang ama?" tanong ni Nanay Ligaya sa Daddy ni Ate Hiraya.

"Oo ako nga at ito ang kapatid niyang si Zachary, namatay ang ina nila ng mapanganak si Eliza, iyon si Hiraya kung tawagin inyo," sabi niya kaya napatango naman kami. Lumingon naman ako kay Zach. Zachary pala ang buo niyang pangalan.

Tatlong oras na ang lumipas ngunit wala pa din.

"Naalala ko noon ng nakita ko si Hiraya nung sanggol siya sa tapat ng aming bahay ni Ernasto nung araw na iyon ay nabalitaan ko 'din na hindi na ako magkakaanak at parang hulog ng langit si Hiraya kaya tinuring ko itong sarili kong anak," kwento ni Nanay Ligaya.

Marami sila napag usapan, nang bumukas ang ER door at lumabas ang doctor ay agad tumayo silang lahat lalo na si Kuya Ian at agad lumapit sa doctor.

"Doc, kamusta siya? Okay na ba siya?" aligagang tanong ni Kuya Ian.

"The patient is stable, natanggal na namin ang bala, ngunit nag ka aberya habang tinatanggal ang bala malapit kasi iyon sa puso, ilang segundo tumigil ang tibok ng puso niya pero agad namin siyang na revive, ang masasabi ko lang ay, matapang ang pasyente at hindi siya sumuko kahit tumigil ang pag tibok ng puso niya. Ngayon kailangan niya ng matinding pahinga dahil sobrang pagod ang katawan niya, hindi ko alam kung kailan siya magigising dahil kailangan niya muna mabalik ang lakas niya, excuse ililipat na namin ang pasyente sa private room," sabi ng doctor kaya nakahinga ng maluwag ang lahat.

Wildest Dream (Montello Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon