Chapter 20: Clarence Knows

532 43 8
                                    


Chapter 20

Clarence's POV

(flashback*)

"Do you hear that kuya? I have my own yaya! a personal maid!" napatingin ako kay Althea ng sabihin nya yon. 

I just smiled and nod. "That's nice, be a good girl, Thea. You're not a kid, you know that. Wag masyadong papahirapan si Ateng susunod para lang sa mga utos na kaya mo namang gawin para sa sarili." sermon ko pa sa kanya, nangingiti.

Nginitian nya lang ako, isang malungkot. "I know, Kuya psh," saglit pa syang tumikhim." Pero mas maganda sana kung masasabihan ko din si Kuya Oliver.." aniya at nag pauna ng maglakad saming lahat.

Napabuntong hininga nalang ako at tiningnan ang bagsak na balikat ni Althea.

It's been two weeks, since humiwalay sa'min si Oliver. S'ya ang panganay pero hindi naging bali-balita ang pag alis nya. Anak sa unang asawa si Oliver, Mom's side.

Lahat ng mga tao ay alam na ako ang Panganay. Hindi masyadong magkasundo sila Dad.

Hindi ko mapigilan ang mainis sa kay Dad, how can he do that in his own son? Anak nya padin si Owen kahit papaano, ni hindi man lang nya kamustahin ang anak nya, nakakainis.

Pasimple kami ni Mom na hinahanap si Oliver, for now hindi pa naman alam kung nasaan sya at anong ginagawa nya.

We're heading out in Hallway, Palace. All our people bowed their heads, para gumalang sa'ming mag kakapatid.. Ngumingiti at bumabati ako pabalik.

Kikitain kasi namin ang bagong maids ni Althea, saming mag kakapatid sya ang pinaka makulit, parang bata. Minsan na syang tumakas para umattend ng Concert ng kaibigan nya, tch.

Ngumiti ako kay Alena ng salubungin kami ng lakad, nag nod sya sakin. "Mr. Maude and Ms. Maude, the maids are here now–" napatigil sya ng itapat ni Crystal ang kamay nya sa mismong mukha nya.

Kaagad nama'ng tinanggal ni Crystal ang kamay nya. "We already know, Ms. Stahann. Kaya nga kami nandito sa labas, hindi ba?" napabuga nalang ako ng hangin sa inis.

Marahan kong hinawakan ang braso nya para sitahin sana sya pero tinapunan nya lang ako ng tingin at nag paunang lakad palabas.

Kaagad namang humabol si Alena. "Give Respect to Our Highness!" anunsyo nya at nag si yukuan ang lahat ng nandon.

"Highness?" napatingin naman ako sa babaeng nagsalita non. 

Sumingit kaagad yung katabi nyang babae. "Grabe, kayo po ba yung Royal Family? Ang gaganda at ang popogi nyo naman, hehe." aniya at ngumiti ng malaki samin. Base sa pananalita nya, halatang nanggaling sya sa Probinsya. Hindi naman pangit sa pandinig ang boses nya. Probinsyana Accent lang. Maganda at mas maputi ito kesa sa isang mas matangkad na panay tingin sa hawak nitong bag. 

Kumunot ang noo ko bahagya ng tingnan ko ng mabuti yung babae, I found some familiar figures. Kaagad na kumunot ang noo ko pero hindi na pinansin yon.

(The day he found out)

I just came out in Bathroom, water was dripping in my hair. mag isa lang naman ako dito sa kwarto ko. Walang suot pang itaas, the towel was clinging to my waist that I'm wearing.

While drying my hair with a towel, my cellphone rang on the bed.

Kinuha ko kaagad ito at tiningnan ang screen, it's just a number. Nagtaka naman ako paanong may tumawag ng number lang. Kilala ko lang ang nasa contacts ko, just my Family.

I answered it after 4 rings. [H-hello?] a woman answered on another line.

My brows arched. "May I know how come you have my phone number?" sabi ko.

Between Two WorldsWhere stories live. Discover now