Chapter 24: Enemies

556 33 5
                                    


Chapter 24

Lola's POV ( first pov ni Lola haha)

(Ito yung araw na nawawala yung susi tapos mag isa lang si Lola na nag hanap;)

"Asan na ba yung Susi?"

Kanina pa ako hindi makapali dahil sa paghahanap ng Susi sa mga sulok-sulok, baka makita ko lang dito dahil napigtas o naiwan ko. 

Pero, lagi kong suot yun at hindi ko tinatanggal hanggang sa pagtulog ay nasa ilalim ng higaan ko 'yun.

Mahalaga ang susi para sakin, para saming mga nabubuhay sa mundong ito. Kapag nawala ang Susi daan sa mag-kabila ay baka madaming hindi maganda ang mangyare.

"Inang Madre, may hinahanap po ba kayo?" maingat na tanong ni Gab, ang lagi kong kasama sa mga aktibidad sa simbahan.

Nandito ako ngayon sa kwarto ng mga Madre nasa sala at nakayuko, dito na ako natutulog simula ng dumating si Riley sa mundo ng Parallel.

Bahay ampunan din ang malaking mansion na ito, dinonate ng gobernador para sa mga batang walang magulang o di kaya ay mga natutulog sa kalsada. Malapit din ito sa simbahan na s'yang tina-tricycle namin ni Gab.

Inalalayan ako ni Gab na tumayo, ngumiti ako at tumango. "Oo hija, yung susi na lagi kong suot ay nawawala." sabi ko dito.

Bahag'yang nanlaki ang mata 'nya at napakamot sa kanyang gilid ng tenga. "Hala po, kailan pa po nawawala?" aniya at inalalayan ulit akong maupo sa malapit na sopa.

"Kahapon pa Gab, nagtataka nga ako kung paanong nawala ang susi, napapansin mo naman ata na lagi kong suot yon o dala kahit saan." sabi ko sa kanya at sumandal sa upuan.

"Napapansin ko po, Inang Madre. Pero hindi po kaya naiwan nyo kung saan 'man po?" aniya at lumapit bahagya sa kinauupuan ko.

Ngumiti na lang ako dito. "tulungan mo na lang ako sa paghahanap kung okay lang ba sayo?" nakangiti pa'ding tanong ko sa kanya.

Walang alinlangan na tumango kaagad sya at ngumiti ng napakalaki. "Oo naman po, Inang Madre. Gusto nyo po, ngayon po natin hanapin.. eh kaso po baka mapagod po kayo, mamaya po ay nasa simbahan na naman po tayo." mahabang sabi nya.

Umiling ako at napabuga ng hangin. "Bukas nalang pala natin hanapin, tiyak nasa paligid lang iyon." tumayo na ako at maayos na pinagpagan ang mahaba kong damit na pang madre.

"Aalis ako ngayon, kung matatagalan man ako ay mauna ka na sa Simbahan." sabi ko at ngumiti sa kanya. 

Napalabi sya at tumayo din. "Gusto nyo po bang samahan ko kayo? Mamayang hapon pa naman po yung sa Simbahan, Inang Madre."

"Hindi na, makipaglaro ka na lang sa mga bata d'yan sa palaruan, alam kong gusto mo silang kalaro." ng pagkasabi kong yon ay kaagad na nagliwanag ang mga mata nya at napangiti ng malaki sa 'akin. 

"Maraming Salamat po, Inang Madre!" masaya nyang sabi at tumungo pa ng sobrang baba.

Nilapitan ko sya at napangiting hinawakan ang balikat nya kaagad naman syang napaayos ng tayo, nanatili din syang nakangiti sa 'kin.

"Alagaan mo ng mabuti ang kapatid mo." nakangiti kong sabi at nakangiting tumango naman s'ya. 

Ka-edad lang din ni Riley si Gab at may nakakabatang kapatid sya dito, siguro kung hindi sya pumayag na magtrabaho dito bilang katulong ng mga Madre ay malamang ay kasama nya ang kapatid nya.

"Mag-iingat po kayo Inang Madre, kung may problema man po sabihan nyo lang si Kuya Pat." aniya ng sumakay na ako sa tricycle na sasakyan ko papunta sa Palasyo.  

Between Two WorldsWhere stories live. Discover now