EPILOGUE

666 34 44
                                    


An: Oma gosh guys! We are finally here, Epilogue!! I'm happy and sad at the same time, I'm gonna miss this story! Especially, this is the first ever fantasy story I've ever done :))

But of course, gusto kong magpasalamat at binasa nyo to hanggang dulo! Akala ko hanggang on-going nalang to eh:))

Muli, thankyou guys for reading my book. Between Two Worlds >3!!

Gonna miss u guys here lol

_____________________

EPILOGUE:

hindi na kaagad nahabol pa ni Lola ng lumutang silang pareho sa ere, palayo sa kaniya.

walang magawa si Riley kungdi pilit na alisin ang hawak ni Azera sa kanya. Pero mas humigpit lang yon.

"B-bitawan mo sya, Azera!" lumutang din si Lola at hinarap ang kapatid, ang kanilang mga mata ay nagsisigaw ng matinding enerhiya.

"Ibigay mo muna sa'kin ang kalahati ng Susi!" punong puno ng galit si Azera, anumang oras ay mawawalan ng hininga si Riley kung magtatagal sya sa kamay nya.

"P-pakiusap, kapatid ko." ang mata ni Lola ay puno ng lungkot, kabaliktaran sa kaniyang kapatid.

Mas tumindi ang galit ni Azera ng magmakaawa ang kaniyang kapatid. Hindi nya lubusan maisip kung bakit ganoon ang ugali ni Lola, busilak ang puso.

Gusto nya itong makita na magalit, mag-wala na parang mabangis na hayop sa kagubutan. Pero wala syang napala sa hawak nya laban sa kaniya.

Tinitigan nyang mabuti ang kapatid, saka nya niluwagan ang pagkakasakal sa dalaga.
Walang salita, binitawan ni Azera ang dalaga at sinalo naman ni Lola yon.

Akala ni Lola ay huminahon ang kaniyang kapatid, mabilis na nanlaki ang mata ni Lola ng lumabas si Azera sa malaking butas gawa ng pagsabog.

Kaagad na binababa ni Lola si Riley sa isang sulok at lumutang ng naka pikit, pagkabukas ng kaniyang mata ay naging mas matingkayad ang kulay ng kanyang asul na mata.

Kasabay non ang pagbalik ng mga taong napasa ilalim sa kapangyarihan ni Azera, ang mga tao sa ball ay hindi nakikita si Lola dahil nababalutan ng enerhiya ang katawan nito.

Kaagad na umalingaw ngaw ang boses ng kapatid na lalaki ng dalaga at nagsitabi ang lahat, hindi na nag aksaya ng oras si Lola at lumipad paalis don.

Pagkalabas nya ay kaagad nyang hinanap ang kapatid nya, kaagad syang umilag ng may maramdamang presensya sa likoran nya.

Si Azera, asul na asul ang mga mata katulad ni Lola. Kaagad na nakailag si Lola sa ginawang pag hagis ng malaking biyak na bato.

"Asan ang susi!" nakakatakot, nag iba bigla ang tono ng kaniyang boses.

Napansin ni Lola yon, kaagad syang lumipad pataas at parang bula na nawala.
Galit na sumigaw si Azera sa ginawa ni Lola. Dala ng galit at lakas ng enerhiya na sigaw niya, kaagad na nawalan ng kuryente ang buong syudad.

"Lumubas ka, Lola!" halos sakupin ng demonyo ang boses nyang yon, nakakakilabot.

Lahat ng tao ay nangamba ng mawalan ng kuryente, lahat ay alarma dala sa gulat ng pagsabog kanina. Hindi nila alam na mismong sa labas nila ay may naglalaban na hindi pang-karaniwan.

Sa di malamang dahilan, napahawak si Azera sa leeg nya. Hindi nya alam kung bakit sumasakit iyon, at alam nyang hindi si Lola ang may gawa non.

Katulad nya, nakalutang ang isang lalaki sa likodan nya. Ni hindi man nya lang yon naramdaman.

Si Mr. Santiago, naka sukbit sa kanya ang kalahati ng Susi. Dahil sa kalahating Susi na nakasubit sa leeg ng lakaki, ay hindi napansin ni Azera ang kakaibang presensya nito.

Between Two WorldsWhere stories live. Discover now